Chapter 5

433 97 0
                                    

Continuation.

"The girl beside him? She's Herra Afia Rhiannon, a fire mage user. Her magi perform pyrokinesis, the ability to manipulate and create fire. Sobrang suplada ng babaeng 'yan, gandang-ganda masyado sa sarili, inggitera pa, sarap niya tuloy hambalusin. Well let's proceed, her fire magic can be affected by the weather, buti nga sa kaniya. Difficult to use rin, walang-wala 'yan sa water mage user." umirap siya habang nakatingin sa kinauupuan nina Weston. Maganda si Herra, maputi at kulay pula ang kaniyang buhok, bawat daldal niya kay Weston lumilitaw ang malalim niyang dimple sa kaliwang pisnge.

"Hmm, 'yung nasa tabi naman ni Herra? Ay si Kent Feston Cassian, sobrang tahimik niyan, sobrang talino rin. Earth mage user siya. Matalino 'yan pag dating sa mga halaman, saulo niya lahat. Bilib na bilib nga ako sa kaniya tsaka crush ko 'yan hihihi," umirap naman si Maeve sa tabi niya. Tumawa lamang si Elyse. Crush niya pala iyong si Kent.

Si Kent naman may malaking eye glasses sa mata. Nerdy type siya pero halata namang may mala-adonis din itong mukha like Weston, wait! Bakit bukambibig ko lagi 'yang Weston na 'yan? Nangigigil nga ako sa ginawa niya eh. Punyetang Cardinal.

"Hindi ko na gaanong I-explain ang tungkol sa magic ni Kent. Alam kong alam niyo na kung anong tungkol sa magic niya. Kaya niyang I-manipulate ang plants, at ang pag laki nito. Kapag walang Kent Cassian? Mamamatay ang mga ugat ng puno, halaman, konektado kasi sa kaniya ang mga halaman, kaya ganu'n." Nagkibit balikat siya. binalingan niya si Maeve na ngayong umiirap na habang nakatingin sa huling lalaki.

Namukhaan ko siya. Siya 'yung lalaking kasama ni Weston kanina. Halatang hindi ito sanay makihalubilo. Sobrang tahimik din niya. Nasa mesa lang 'yung buong atensyon niya habang 'yung mga kasama niya naman ay panay daldal. Sa tingin ko mas tahimik pa ito kay Kent eh. Pinaglihi ata sa sama ng loob ang isang 'to. Gwapo rin naman siya, magulo ang buhok niya, kulay gray ang mata niya, malaki rin ang katawan niya at higit sa lahat? May sarili rin itong dimples pero dalawa ang sa kaniya. Kaliwa at kanan. Ano kaya ang magic niya?

"And... Last but not the least, Joz Ferron Zagareth. Huwag na huwag mo talagang babanggain ang isang 'yan kung mahal mo pa ang buhay mo. He's so dangerous, Ayama, wala siyang pakialam kung sino man ang kakalaban sa kaniya. Mas tahimik pa ito kay Kent, maikli rin ang mga salitang binibitawan niya. Siya ang nangunguna sa kanilang lahat, sabi pa nga ng iilan ay namaster niya na raw ang magic niya, like sa mga techniques, about sa magic niya and so on. Don't mess up with them, lalo na kay Joz, talagang sa kabaong ka talaga mapupunta," tumaas ang kilay ko. Halata namang delekado itong isang 'to kaysa sa mga kasama niya. Tatahimik lang 'yan pero may tinatagong kadiliman sa loob. So, he's Joz Ferron Zagareth, the most dangerous among them.

"By the way, lightning mage user siya. The ability to manipulate electricity at will and the ability to absorb and store electricity in his body. Lightning Magic's potential is also destructive as they have similar nature with fire, but unlike fire. Joz magic is much faster, and has almost no defensive properties. He's magic lightning can be considered to be the most dangerous to human. Kaya kung ako sayo? Ingat-ingatan mo 'yang sarili mo, Ayama. Huwag mong kalimutan ang katagang to "DONT MESS UP WITH THE ZAGARETH."

"His magic can also affect the weather, causing a storm, and thunder strikes. He's the most dangerous among of us here, no one dare to mess up with him, except sa mga sorcerers."

Lightning? Sa kaniya kaya nanggaling 'yung kuryenteng tatama na sana sa akin kanina? Hindi ba siya aware na malapit na akong matamaan non! Siguro pag natamaan talaga ako patay agad ako. Tanginang, Joz Ferron 'yan! Isa pa 'yan, pareho lang sila ni Weston. May atraso silang dalawa sa akin, mga bwesit. Wala akong pakialam kung malalakas sila.

Kalma, Ayama, wala kang magic kaya kumalma ka. Tangina naman kasi, parang gusto ko na ring magkaroon ng magic para patamaan 'yang dalawang hinapuyak na 'yan. Sinadya kaya nilang dalawa 'yon? Hindi ba nila alam na may taong namamalagi sa kubong 'yun? Tangina pala nila.

"Bakit gan'yan ang reaction mo? Meron ka bang galit kay Ferron?" kunot noong tanong sa akin ni Maeve. Lumunok naman ako tsaka umiwas ng tingin.

"Namangha lang ako." gigil na bulong ko pero sapat na para marinig nilang dalawa. Tumawa naman si Elyse.

"Ang harsh mo namang humanga, Ayama, parang gustong mong pumatay." tawang saad ni Elyse, nakitawa na rin si Maeve. Pambihira nga naman oh.

Umiwas ako ng tingin sa kanila. Binalingan ko muli 'yung mesa nina Weston. Nagulat ako nang mag tama ang mga mata namin ni Ferron. Masama ang tingin nito sa akin, kuyom din ang kaniyang dalawang kamao na nasa ibabaw ng mesa. Kita ko ang maliit na kuryenteng lumabas galing sa kamao niya. Okay? Anong problema ng isang 'to? Kung makatingin parang may malaki akong kasalanan sa kaniya. Heller! Ikaw nga itong may malaking kasalanan sa akin eh! Gago ka pala. Malapit mo na nga akong mapatay, hayop kang, Zagareth ka, sarap mong hambalusin, piste!

***

Kanina pa ako pagulong-gulong dito sa loob ng kwarto ko. Alas-nuwebe na nang gabi at heto parin ako, gising na gising pa. Hindi ako makatulog, iniisip ko kasi 'yung mga tingin ni Ferron kanina na nakakamatay. Talagang may plano talaga siyang patayin ako ah.

Paano ko naman papatulan ang lalaking 'yon kung wala akong magic hindi ba? Kung meron lang akong baril baka kanina ko pa pinutukan ang bungo non. Bakit ako inis na inis kay Ferron? Simply lang naman. Malapit niya na akong mapatay, arghh matitiis ko pa 'yung kamanyakan ni Weston pero 'yung kademonyuhan ni Ferron? HINDING-HINDI.

Kinuha ko ang unan ko. Dahan-dahan akong bumaba ng kama habang bitbit ang unan. Nag pasya ako na lumabas muna ng kwarto. Tinungo ko ang malaking lobby ng kwarto namin, mula dito ay kitang-kita ko ang mga nag-iilawang alitaptap.

Nakakamangha, sobrang ganda, lalo na't pati ang mga puno ay umiilaw din.
Pansin ko rin ang malaking barrier na bumabalot sa loob ng Academy, siguro sumailalim ito sa mahika. Mahikang tanging mga enchantress lang ang makakapag wasak.

Hinakbang ko ang mga paa pababa, gusto kong mahawakan ang mga alitaptap, kahit isa lang.

Nang makababa na ako, binaba ko ang unan sa sahig, parang nasa enchanted garden lang ako. Malaya akong umupo sa isang puno habang pinagmamasdan ang mga alitaptap sa ere.

"Ang ganda," bulong ko.

"Can I...Can I hold you?" tanong ko sa isang alitaptap na lumapit sa akin. Ngumiti ako sabay angat ng kamay.

"I won't harm you." kumbinsi ko pa. Unti-unti kong binuksan ang mga palad.

"There you are, you can rest to my palms." tila nakumbinsi ko naman ang alitaptap. Lumapag siya sa palad ko, mas lalo ko tuloy naaninag ang kaniyang pakpak na pumapagaspas.

"You're so cute." mahinang bulong ko at akma na sanang hahawakan ito nang bigla na lamang silang umalis lahat sa pwesto ko.

Sinakop ng kadiliman ang pwesto ko.

"Bakit sila lumalayo?" ang tanging nagsasanhing ilaw ko na lamang ngayon ay ang malaking buwan. Sumimangot ako.

"Argh, nakakainis naman," inis na padyak ko. Hindi ko naman sila pinaalis eh, bakit sila umalis? Hindi ko naman sila sasaktan.

"Why are you still here?" malamig na tanong ng isang lalaki. Sa sobrang gulat ko bigla akong napatayo hawak ang unan ko.

Unti-unti naman siyang nagpakita sa akin. Ang unang napansin ko ay ang mala-abong mga mata niya. Umatras ako.

"What are you doing here?" malamig na tanong niyang muli. Lumunok ako. Kaharap ko ngayon si Ferron Zagareth. Walang emosyon ang kaniyang mukha. Nakita ko kung paano kumislap ang kaniyang katawan.

Umatras muli ako. "I'm just...Uhm..."

"Go inside." matigas na sambit niya kasabay nito ang kuryenteng lumabas sa kamay niya. Napatakbo naman ako nang mabilis habang habol ang sariling hininga.

Tangina mo, ZAGARETH!

****

Hitmiton Academy: The Last GirlWhere stories live. Discover now