Chapter 12

335 47 1
                                    

Ayama's POV

Nasa loob ako ngayon ng kwarto ko. Sabi nina Weston, huwag na huwag daw akong lalabas dito. Hindi rin daw sila papasok dahil pupunta sila ng Forbidden Forest. Alam nilang bawal pumasok duon pero pinilit talaga nila. Gusto ko silang pigilan at sabihan na huwag na, ngunit masyado talagang matigas ang mga 'yon. Kailangan nila ang halamang gamot na 'yon para hindi malaman ng mga elders na may dinadala ako at may tubig akong kapangyarihan.

Binuksan ko ang palad ko. May lumabas na water ball mula roon, tiningnan ko ang basong nasa aking harapan at tinapon duon ang water ball na nilabas ko. Hindi pa ako masyadong hasa sa kapangyarihan ko pero kaya ko na naman itong kontrolin kasi tinulungan ako nina Maeve at Elyse. Silang dalawa naman ay pumasok dahil may weapon training daw sila, bale ang mga mages lamang ang pumunta ng Forbidden Forest. At tsaka kapag sumama sina Maeve tiyak na hindi agad sila makakapasok duon dahil mababang uri silang dalawa. 'Yung mga mages naman ay malalakas kayat sila na ang gumawa.

Muli ay naglabas ako ng tubig mula sa aking kamay. Nilalagyan ko ng tubig 'yung mga basong hindi kalayuan sa akin. Walang laman ang sampung baso na 'yon.

Bumuntong hininga ako at tinigil nang nakaramdam ako ng pagod. Tumayo ako at nagpasya na lumapit sa bintana. Mula sa kinaroroonan ko ay napansin ko ang mga dilaw na paro-parong malayang lumilipad sa labas. Masyadong mahigawa ang kanilang mga pakpak, at tila binabantayan ako ng mga paro-parong 'to.

Ngumiti ako. Binuksan ko ang palad ko na may marka at nagulat ako nang makita medyo umiba ang sukat nito. Ibang-iba kaysa kahapon. Hindi naman sumasakit, mabuti naman.

Pumasok ang mga paro-paro sa loob ng kwarto ko. Ang isang paro-paro ay pumunta sa nakabukas kong palad. Kung nasaan ang marka. Pumikit ako nang maramdaman ang paro-paro. Tila pinapakalma ako nito, tila may kinukuha siyang enerhiya mula sa palad ko. Hindi naman siguro 'yon masama hindi ba?

At sa pagmulat ng aking mga mata, napaatras ako nang biglang naging yelo ang paro-paro sa aking palad. Nagsi-alisan din 'yung ibang paro-paro.

"Anong nangyari?" kinakabahan na tanong ko sa aking sarili. Kinuyom ko ang kamao ko kayat nagkapiraso-piraso 'yung yelong paro-paro. Umusok muli ang marka, naramdaman kong tila sasakit na naman 'to.

Lumabas ako ng silid. Nilapitan ko ang ref at kumuha ng tubig kaya lang biglang naging yelo ang hawak kong pitcher. Nabitawan ko 'yon kayat nagsanhi 'yon ng malakas na ingay sa sahig. Napaatras ako, hindi maintindihan ang nangyayari.

"Oh My God!" bulalas ko. Hindi makapaniwala.

Tiningnan ko ang palad ko. Naging kulay pula 'to. Anong ibig sabihin nito?

"Ayama?"

Napalingon ako kay Maeve na kararating lang. May hawak siyang supot. Nasaan si Elyse?

"Anong nangyari? Bakit putlang-putla 'yang mukha mo?"

"A-Ano kasi..."

Binalingan niya ang pistel na nasa sahig. Basag 'yon pero naging yelo na. Nanlaki naman ang kaniyang mga mata. Nilapag niya sa ibabaw ng mesa ang supot tsaka agad na lumapit sa akin. Binuksan niya ang palad ko at napamura ng malakas.

"Shit! Delekado 'to, Ayama!"

"Anong ibig mong sabihin?" kinakabahan na tanong ko. Tila natuliro si Maeve, hindi alam ang gagawin. Lalo na ako, wala akong kaalam-alam sa mga 'to.

"Huminahon ka, Ayama. Huwag ka munang gumamit ng magic ngayon dahil hinihigop ng marka ang kapangyarihan mo. Maari kang mawalan ng lakas. Malakas ang batang 'to, Ayama. Hindi lang kapangyarihan mo at ng ama niya ang makukuha niya,"

"It's either this child will save us or kill us."

***

"Maayos na ba ang pakiramdam mo? Hindi naman sumasakit ang marka hindi ba?" pang ilang tanong na ito ni Elyse, I lost count honestly. Nagpakawala ako ng hininga at tiningnan muli ang marka, bumalik ito sa dati niyang kulay. Hindi na pula, kundi parang snow ang kaniyang hugis. Mas lumaki lamang 'to ngayon.

Umiling ako. Kinuha ko ang binili niyang prutas na nasa ibabaw ng mesa at kinain 'yon. Hindi naman siya umangal, sa halip ay pinapanood ako. Hindi na masakit ang marka at mukng nabigla lang ako kanina.

"Sa tingin ko'y sa'yo nanggaling 'yung yelo kanina,"

"Paano mo naman nasabi?"

"Unti-unti nang lumabas ang totoo mong kapangyarihan, Ayama. Hindi lang tubig 'yan. Isa ka sa mga makapangyarihan sa mga mages," lumapit muli siya sa akin. Kinuha niya ang mansanas tsaka binuksan ang palad ko.

"Hindi kami nagkakamali. Ama ng batang 'to si Joz Ferron Zagareth."

Lumayo siya at umupo muli sa kaniyang kinauupuan habang ako naman ay naging tahimik. Wala akong masabi, halatang-halata naman talaga na si Ferron ang ama ng batang 'to, hindi ko lang talaga matanggap dahil masama ang ugali ng lalaking 'yon. At may kasalanan pa 'yon sa akin.

"Kamusta na kaya 'yung mga mages na pumasok duon sa Forbidden Forest?"

Nabaling ang tingin namin sa babaeng dumating. It was Elyse, buhaghag ang kaniyang buhok. Tila napaaway pa dahil sa mga maliliit niyang pasa na nasa pisngi.

"Anong nangyari sa mukha mo?" tanong ko imbes na pansinin 'yung unang tanong niya. Hindi basta basta ang forest na 'yon, makakalabas kaya sila ng buhay?

"May letseng bagong estudyanteng pumasok dito at pinatid ang paa ko kaya't sumalpak ang mukha ko sa semento at natamo ko ang mga 'to,"

"Sigurado ka ba riyan? Sa pagkakaalam ko hindi na tatanggap ang Hitmiton?"

"'Yun nga rin ang akala ko. Lalaki 'yung bagong estudyante at sobrang suplado. Hindi man lang humingi ng sorry!" gigil siyang sabi.

Kumunot naman ang noo ko. "Kilala mo?" tanong ko. Si Maeve naman ay kumuha ng gamot tsaka nilapitan si Elyse.

"Hindi, bakit ko naman kilalanin ang walang hiya na 'yon ano. Huwag na huwag lang talaga siyang magpapakita sa akin kundi babalatan ko 'yon ng buhay." napangiti ako. Sino kaya 'yung lalaking 'yon? Malakas din siguro 'yon.

"Nga pala, sina Weston?" tanong niya.

"Wala pa kaming balita sa kanila."

"Baka napano na ang mga 'yon! Halika't puntahan natin!" Tumayo si Elyse at kumuha ng prutas sa ibabaw ng mesa. Tumayo rin naman ako at sumunod sa kaniya. Si Maeve naman ay nagpakawala ng malalim na hininga. Paano ba naman kasi, ginagamot siya ni Maeve tapos aalis siya agad.

"Mamaya mo na lang siya gamutin, Maeve,"

"Ang tigas talaga ng ulo ng babaeng 'yon." matigas na sabi niya.

Tumango naman ako at nagpasya kami na puntahan ang Forbidden Forest. Hindi kami papasok roon, hihintayin lamang namin silang makalabas. Magdidilim na kasi at wala pa kaming balita sa mga mages, umabsent pa naman ang mga 'yon para sa halamang gamot lang. 

"Buhis buhay talaga ang ginawa nila,"

"Kailangan din naman ni Ferron 'yon,"

Nang makarating kami sa Forbidden Forest. Nagulat kami nang makita ang mga mages na nakahandusay sa lupa at kapwa namimilit sa sakit.

"Oh my!"

Agad namin silang pinuntahan. Nilapitan ko si Ferron, halos hindi niya na maigalaw ang katawan dahil sa mga sugat na natamo niya. Gosh! Sa katunayan ay mas marami siyang sugat na natamo kaysa sa mga kasama niya. Hindi ko rin alam bakit sa kaniya ako lumapit, sinundan ko lang ang tungo ng paa ko.

"What happened?" bulong ko habang dahan-dahan siyang pinapaupo. Hindi ko gusto ang nakikita ko.

"Punyeta! Dahil sa halamang gamot na 'yan muntik nang mamatay si Ferron!" galit na sigaw ni Herra.

Binalingan niya ako. "Kung hindi dahil sa marka na 'yan at sa wala mong kwentang kapangyarihan hindi mangyayari sa amin ito! This is all your fault!" Akma niya na sana akong susugurin nang biglang tinaas ni Ferron ang kaniyang palad at may lumabas na kuryente roon.

Napaatras si Herra ngunit masama parin ang tingin nito sa akin.

"I want to go to my room. Take me there, Tezani." malamig na sabi ni Ferron. Tumango ako at inalayan siyang tumayo.

Gusto kong gamutin ang mga sugat niya kaya lang natatakot ako. Baka suntukin niya ako or ano. May malaki pa namang galit 'to sa akin, ganu'n din naman ako. Pero sa nakikita ko ngayon, ayoko munang isipin 'yon.

***
Do not forget to vote and leave a reaction. Thank you!

Hitmiton Academy: The Last GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon