Chapter 9

419 73 1
                                    

"Aray! Ano ba, Elyse!" kanina ko pa naririnig ang malakas na reklamo ni Maeve sa ginawa ni Elysa sa kaniya.
Kapwa kasi kaming may mga pasa sa mukha, mas malala nga lang ang natamo niya dahil sinasangga niya ang mga magic ng mga ibang estudyante habang ako naman? Walang nagawa kundi tumunganga lang. Anong laban ko? Meron silang magic tapos ako wala. Ni miski pag suntok man lang hindi ko pa sila matamaa, nakakainis talaga!

"Bakit ba kasi kayo nakipag-away, ayan tuloy nagka-pasa pasa mga mukha ninyo,"

"Mga weak naman ang mga 'yon duh! Akala naman nila ang lalakas nila porket nasa Clodelts section sila. Mga mahihina naman, puro's kalandian ang alam." giit ni Maeve. Kumunot naman ang noo ko.

"Clodelts?"

"Naku, Ayama! Huwag na huwag kang pupunta sa section na 'yan. Mga weak ang mga stupid motherfvcker diyan! Ang lalandi pa nila, palibhasa kulang sa aruga, mga stupid letse!" nalalanghap ko ang galit niya. Sabagay, sino ba naman ang hindi magagalit? Halos basagin na nga nila ang mukha ni Maeve eh, naku, kung meron lang akong magic? Baka matulungan ko rin s'ya.

Gaganti ako sa mga stupid motherfvckers na 'yon. Ang tanong? Kailan ko gagawin?

"Salamat nga pala, Maeve."

"Ano kaba! Ayos lang 'yun tsaka may napansin nga pala akong kakaiba kanina sa braso mo, parang may umiilaw eh, anong meron?" tanong niya habang naka tingin sa braso ko na natatakpan ng uniform. Kumunot ang noo ko. Wala naman akong nakitang umiilaw dito eh, tsaka wala akong tinatago pwera na lamang sa tattoo naka-ukit dito.

"What do you mean? Wala namang umiilaw dito eh," sagot ko. Wala talaga akong napapansin, imposible namang iilaw 'tong tattoo ko or itong braso ko. Wala nga akong magic eh, paano ko ba gagawin 'yun?

"I saw it earlier, Ayama. You can't hide if from me, pakita nga baka may kung ano riyan."

"Wala nga eh! Braso ko lang 'to tsaka may tattoo ako dito. Imposible namang iilaw 'tong braso ko." Irap na dugtong ko pa. Tumaas naman nang bahagya 'yung kilay ni Maeve, unti-unti niyang inikot ang ulo para makaharap si Elyse na ngayong nanigas na sa pwesto.

"What's wrong?"

"Can I see your tattoo?" tanong ni Elyse. Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Ano naman ang gagawin nila sa tattoo ko? Hindi ko nga maintindihan 'to kung anong meron dito eh, pero baka may alam sila.

Binuksan ko nang dahan-dahan ang suot ko. Binaba ko ng kaunti ang uniform hanggang sa makita na nito ang braso ko na may tattoo. Nanlaki ang mata nilang dalawa nang tuluyan na itong makita. Anong problema nila? Gulat na gulat sila na halos hindi na makahinga, umatras pa nga ng kaunti si Maeve habang si Elyse naman ay inaabot ang tattoo ko sa braso pero... bigla siyang napahiyaw.

"Damn it! You're one of the elemental users, Ayama! Bakit hindi mo alam 'to?" Kunot noong tanong ni Maeve.

"What? I don't understand you," gulong sagot ko. Nagpapatawa ba sila? Ako mapapabilang sa mga mages?

Inayos ko muli ang uniform ko. Nilapag ko sa sofa ang cotton tsaka ako nag pasya na tumayo muna. Habang sila naman ay gulat na gulat parin about sa tattoo ko. Pinagloloko siguro ako ng mga 'to. One of the elemental users? Really? Wala nga akong magic eh, paulit-ulit na lang ba.

"Look, Ayama, alam namin ang meaning ng mga tattoos namin. Si Elyse ay may simbol ng speed and I have one too, nasa dibdib ko, sumisimbolo sa magic ko and you have too." seryosong saad ni Maeve, pero nanatili parin akong nakatayo. I want to know more, kung ganu'n? Lahat ng mga students dito na may tattoo ay may mga magic?

"You're one of the elemental users, one of the mages. Ikaw ang may hawak ng tubig. Your elemental magic is water, Ayama."

"No doubt. Kaya ka pala nalagay sa section na 'yun dahil water user ka pala. I cant believe this! Finally, mabubuo na kayong lima." magiliw na sabi ni Elysa, pero iba ang pakiramdam ko rito, parang kinakabahan ako. Dapat maging masaya ako right dahil may magic na ako, matutulungan ko na si Maeve na mag-higanti. But I don't feel happiness, tila natatakot ako.

Hitmiton Academy: The Last GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon