Chapter 11

275 49 0
                                    

A/N: Hanggang chapter 20 lang po 'to, happy reading. Always leave a comment or reaction, bbies!

**

She's not normal. 'Yan ang tumatatak sa isip ni Joz, alam niyang hindi lang elemental user si Ayama, she's more than that, and that's makes him more confused. He wants to take her away from this school and live outside, but he knows that it can be dangerous too. What if the elders find out? Ano ang gagawin niya? He can't win against the elders. Mahihirapan siyang kalabanin ang mga ito kahit na kasama niya pa ang mga mages. Sobrang lakas ng mga elders, hindi lang mahika ang meron sila, meron din silang bagay na talagang sa isang iglap ay mapapatay ka nito. Alam ni Joz ang bagay na iyon dahil ginagamit iyon ng mga normal na mga tao sa labas ng akademya. Takot ang mga estudyante ng Hitmiton sa bagay din na iyon. Ang mga elders lamang ang may karapatan na gumamit non.

Tuwing sasapit ang kabilugan ng buwan, pumapasok ang mga elders sa Hitmiton. Kumukuha sila ng mga babaeng estyudante, hindi nila alam kung anong gagawin ng mga elders sa mga iyon or kung para saan iyon kaya't nangangamba siya na baka kunin din nito si Ayama kahit alam niyang imposible. Maraming estudyante rito sa Hitmiton, imposibleng mapipili si Ayama.

"Why do I care so much? Tss." malamig na bulong niya habang pinagmamasdan ang tulog na katawan ni Ayama. She fainted while running earlier, hindi nakayanan ni Ayama ang sakit na nagmula sa palad niya. Hindi niya pa kayang kontrolin ang marka.

He hated Ayama so much. Bakit sa kay dami ng mga babae rito sa loob, bakit si Ayama pa ang napili?

Unang kita niya pa lang sa dalaga ay ayaw na ayaw niya na talaga ito. It looks like she's the end of him.

Nabibighani rin naman siya sa mukha nito, sino ba naman ang hindi mabibighani sa isang mala-dyosang kagaya ni Ayama, ngunit kailangan niyang pigilan ang sarili, he's bond to her. She's carrying his child.

"How is she?" tanong ni Weston sa kaniya habang nag-aalalang nakatingin sa katawan ni Ayama. Palihim namang umigting ang kaniyang panga at umupo kaharap ang natutulog na mukha ni Ayama. Hanggang ngayon ay hindi niya parin maiwasang hindi pagmasdan ang mukha ni Ayama. Ngayon lang kasi siya nakakita ng ganito ka-ganda, kakaiba ang kaniyang kagandan. Walang katulad, naiiba sa lahat.

"She's okay, I think." walang emosyon na sagot ni Ferron. Nagpakawala naman ng hininga si Weston.

"Hindi ka ba natatakot sa paparating na laban, Ferron? Handa ka ba talagang gawin 'to?"

"Do I have a choice? This is my fate, Weston. I need to face it."

Tama si Ferron. Kahit ayaw niyang mangyari ang dapat na mangyari ay hindi niya maiiwasan 'yon dahil nakasulat iyon sa libro. Kailangan niyang magkaroon ng anak at isasakripisyo iyon para sa kaligtasan ng nakararami. Alam niyang hindi madali ang lahat. Pero ano pa nga ba ang magagawa niya? Nakatadhana siyang gawin ito. At hindi niya matatakasan ang nakatakdang mangyari.

"Paano si Ayama? Paano kung ayaw niyang ibigay ang bata sa'yo?"

"I'll kill her." walang halong birong sagot ni Ferron at nagpasya itong lumabas dahil ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa bata.

Hindi ordinaryong eskwelahan ang Hitmiton Academy. Hindi ka rin basta-bastang makakalabas. Masyadong mahigpit ang eskwelahan, isang pagkakamali lang ay parusa na agad. Nangunguna ang mga elders sa eskwelahang ito, pinupuri at sinusunod sila ng mga estudyante pwera lamang sa grupo nina Weston na handang makipaglaban sa mga elders. Kapag malaman ng mga elders na kompleto na sila ay tiyak na may magaganap na malaking gulo sa pagitan nila at ayaw niyang mangyari iyon dahil hindi pa buo ang marka sa kamay ni Ayama. Mahihirapan sila sa laban, kapag natalo sila ay sasaktan at pahihirapan sila ng mga elders. Hindi lamang sila, idadamay nito ang kanilang pamilya na walang kamuang-muang.

Hitmiton Academy: The Last GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon