Epilogue

111 6 1
                                    

Isang malakas na pagyanig ang gumising sa aming mga diwa mula sa pagkakatulog. Nasitayuan sina Ferron, Kent at Weston at inalayan ang mga babae. Hinawakan ni Ferron ang aking beywang habang nasa mga bisig niya naman si Athena. Mahimbing paring natutulog. Tumayo ako, tiningnan isa-isa ang aking mga kasama. Tulala si Herra habang si Maeve naman ay hindi mapakali.

"What's going on?" kunot noong tanong ni Maeve. Unti-unti siyang bumitaw sa pagkakahawak ni Weston at nilapitan ang labasan ng kuweba.

"What the fvck! The elders are here!" malakas na sigaw niya at sa isang iglap ay tumilapon si Maeve pabalik sa loob ng kuweba. Sa sobrang lakas non, nahawi ang iilang bato sa loob ng kuweba.

"Maeve!"

Nabaling ang tingin ni Ferron sa akin kasabay nito ang unti-unting pagmulat ng mga mata ni Athena. Umilaw ang kanyang marka sa noo, nabuhay ang mapupulang mga mata kagaya ng kay Ferron. Napalunok ako, alam na ng mga elders kung nasaan kami, wala ng atrasan ito.

"This is our last battle, Ayama." umiigting ang kanyang panga. Mas lalong namangha sa kanyang mga matang sinpula ng rosas.

"What? Are you serious? That girl is weak! She can't have my fvcking child, Beaumont!" galit na sambit ko sa kaibigan. Nasa labas kami ng Hitmiton ngayon, nag-uusap patungkol sa propesiya na matagal nang hinihintay ni Beaumont. Ang kaibigan kong nagmula sa Avoila Academy. Nalaman niya na isa ako sa mga itinakda kaya nandito siya ngayon. Pinapanood niya ang inosenteng si Pret Ayama Tezani mula sa malayo. Wala itong pakialam sa kanyang mundo, napaka-inosente. How can that woman bear my child? She has nothing!

"Listen, Zagareth. This is your last chance. Kapag ito hindi mo nagawa ng tama, alam mo na ang mangyayari."

"No! Hindi siya ang babaeng gusto ko, Beaumont! Hindi niya kakayanin ang process!"

"Kakayanin niya iyon. Baka nakakalimutan mong isa siyang water tribe? Nagmula sa makapangyarihang angkan ang babaeng iyon, Zagareth. Kakayanin niya ang process."

Napalunok ako. Pilit iniiwasan ang presensya ni Ayama. Pero tangina, naaamoy ko ang matamis niyang dugo mula sa malayo. I'm a fvcking vampire for fvck's sake. Akala ko nakaligtas ako sa angkan namin pero hindi. They turned me into a vampire like them. Dahil duon ay hindi ko maiwasang maghanap ng dugong maiinom. Lumabas ako ng Hitmiton para maghanap ng mga hayop, I killed them. Pagkatapos ay tinapon ginawang abo ang kanilang mga katawan.

Habang tumatagal ay mas lalong lumakas ang aking pang-amoy. Inis na inis lagi sa tuwing nalalanghap ko ang dugo ni Ayama. Gusto ko siyang lapitan at tikman ang kanyang dugo ngunit pinipigilan ko ang sarili ko. Hindi alam nina Weston na bampira ako, ang alam lang nila ay isa ako sa mga mages na may kapangyarihang kidlat.

"Anong plano mo, Joz?" tanong ni Kent. Nasa hapag kami ngayon ng Hitmiton. Kumakain. Nasa malayo naman si Ayama, kasama ang kanyang mga kaibigan na kanina pa tumatawa. Tango lamang ang kanyang sagot sa tuwing kinakausap siya ng mga ito. Ang boring niya talaga. She's weak. I can hear here sighs from here. Malakas din ang tibok ng kanyang puso, gulong-gulo. Ito ang unang araw niya sa loob ng Hitmiton, bakas sa mukha niya ang pagkagulat nang makitang may mga elementong nakatayo sa kanyang harapan. Her friend explained everything to her. Hindi siya makapaniwala. Stupid.

I gasped nang maramdaman ang kanyang titig sa akin. Nagtagal iyon kayat hindi ko mapigilang hindi lumingon, lumabas ang kuryente sa aking kamay. She looked away. Nagpakawala ako ng malalim na hininga. She's pissed, huh? Para saan naman? Dahil ba sa nangyari kanina? Well, wala akong kasalanan duon. Si Weston mayroon, such a pervert.

"Saan?" basag ni Herra sa katahimikan. Kanina niya pa siguro napapansin na wala akong imik. Wala akong ganang sumagot-sagot ngayon. Gusto ko nang matulog.

Hitmiton Academy: The Last GirlΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα