Warlington

79 4 0
                                    

Warlington- Isa itong lugar na nadiskubre ni Mr. Harlington noong Oktubre 20, 1998. Matagal niyang pinag-isipan kung ano ang kaniyang gagawin sa lugar na siya lamang ang unang taong nakadiskubre. Naging tahimik si Mr. Harlington dahil ayaw niyang pag-agawan ng mga naghahari-harian na mga sakim na bandido ang lugar. Kapag malaman ng mga iyon ang tungkol sa lugar tiyak na papatayin at aagawin nila kay Mr. Harlington iyon. Nanatili si Mr. Harlington sa lugar at naisipan niyang mag buo ng tatlong akademya sa Warlington. Kinausap niya ang kaniyang mga kakilalang may mataas na posisyon sa bansa at pinagtulungan nilang buoin ang tatlong paaralan. Aviola Academy, Ponderosas Academy at Hitmiton Academy. Ang mga akademyang ito ay may mga nakatagong hiwaga at kapangyarian, para ito sa mga taong may angking lakas at dugong bughaw. Pinatayo nila ang mga akademya para na rin maligtas ang mga studyante sa kapahamakan lalo na't dumadami ang kanilang kalaban. May mga dumadayo pang mga malalakas na bandido sa lugar nu'ng nalaman nila ang lugar. Ini-ensayo nila ang mga mag-aaral sa loob ng akademya para kapag nasa kapahamakan sila kaya nilang protektahan ang kanilang sarili.

Tanging mga may mga kapangyarihan lamang ang nakakapasok sa eskwelahang 'yon. Ayaw nilang magkamali sa pag pili ng studyante baka sa isang iglap masisira sila dahil lang sa maling tao na kanilang pinapasok. Naging mahigpit si Mr. Harlington sa mga tagapamana ng mga akademya, gusto niyang manatili ang mga paaralan sa kaniyang lugar at pangalagaan nila ito. Matanda na si Harlington noong tinayo na ang mga akademya kaya ang huling habilin niya sa mga tagapamana ay maging mapagmatyag at alamin kung sino ang kalaban. Huwag agad magtitiwala.

Namatay si Mr. Halington noong Agosto 12, 2002 dahil sa sakit na dumapo sa kaniya. Hindi siya kayang pagalingin ng mga taga Warlington, masyadong malala ang kaniyang sakit, kahit na nasa matataas na posisyon hindi siya kayang pagalingin dahil isa lamang siyang normal na tao na napadpad sa lugar ng Warlington. Wala siyang kapangyarihan ngunit kaya niyang pamahalaan ang mga makapangyarihang tao sa kaniyang lugar. Malaki ang tiwala ni Mr. Harlington sa mga tagapamana kaya't may iniwan siyang regalo sa reyna ng Aviola Academy, at silang dalawa lamang ang nakakaalam kung ano iyon. Malalaman ng lahat sa takdang panahon.

Namatay si Mr. Harlington na tagumpay at may ngiti sa labi.

***
Available na po ang Aviola Academy. Ongoing pa, kung gusto niyong basahin ay posted na po siya here. Thank you!

Don't forget to support the author 🫶

Hitmiton Academy: The Last GirlWhere stories live. Discover now