Chapter 14

128 5 1
                                    

"Damn! Ang aga naman yata nilang sumugod!" pagod na ako sa kakatakbo. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Maeve. Hindi namin pinuntahan ang mga mages, dahil paniguradong wala na sila roon. Kalat na kalat na kasi sa buong Academy ang nangyari. Nagkagulo, nagsilabasan na sila ng mga kapangyarihan. Malayo na kami sa mag naglalakihang gusali ng Hitmiton. Nasa gubat na kami ngayon, walang tigil sa pagtakbo. Hindi alam kung saan kami dadalhin ng mga paang ito.

"Saan tayo pupunta, Maeve? Malayo na tayo sa Hitmiton! This place is dangerous!" may naririnig akong mga bulong-bulungan at ingay ng mga elementong nandito sa loob ng gubat. Hindi ko alam kung anong pangalan nito, nararamdaman kong hindi maganda ito.

"I know, Ayama! Dinala kita rito para hindi ka maamoy ng mga elders!"

"No, nandun pa si Elyse! Ang mga mages! I can fight, Maeve!"

Huminto siya. Kitang-kita ko ang pagod at pawis na namumoo sa kanyang katawan. Nasasaktan ako, naawa dahil bakit humantong sa ganito ang lahat. Gusto ko lang naman mag-aral ng maayos, na walang pinoproblema pero bakit ganito? Nadamay pa sina Maeve at Elyse sa kamalasan ko. I can't do this anymore! Gusto kong lumaban.

Ano pang saysay ng pagatagong ito kung malalaman lang man din nila na isa ako sa mga mages hindi ba? Mapapasabak parin ako sa laban dahil sa markang ito.

"Don't waste her sacrifice for you, Ayama! You don't understand! Hindi normal na paaralan ito! Hindi mo ito mundo! Now, listen to me. Kailangan nating lumayo, Ayama. Kaya na ng mga mages iyon!"

I can hear her heart. Alam kong nasasaktan din siya sa desisyon ni Elyse pero hindi niya pinakita iyon. Kinuha niya ang kamay ko, hinawakan niya ng mahigpit iyon nang makita ang kulay pula sa aking marka. It is still growing, malapit na itong lumampas sa palad ko.

"Malapit na ang takdang panahon, Ayama. All you need to do is to protect this mark, your child. Kailangan nito ang lakas mo kapag sinilang na siya. Maaari kang mamatay kapag hindi kinaya ng katawan mo ang paglabas niya, Ayama. Malakas ang batang 'to, hindi basta basta at iyon ang kinatatakutan ng mga elders. Gusto nilang patayin ang mga tinakda!"

No. Gagamitin niyo ang batang ito bilang sacrifice sa pagkakamali ninyo. Yumuko ako, hanggang ngayon ay hindi parin nawawala ang kulay nito. Hindi sumasakit.

Umupo ako sa bilugang bato. Malayong-malayo na kami sa Hitmiton. Ni hindi ko na nga makita ang eskwelahan mula rito sa kinaroroonan namin.

Kamusta kaya ang mga mages? Si F-Ferron? Hindi pa gaanong magaling iyon. Kakagamot ko lang sa kanya, hindi pa siya pwedeng lumabas!

"Si F-Ferron, Maeve. Hindi niya pa kaya..."

She smiled at me. "Magaling si Ferron, Ayama. Mas malakas iyon sa mga elders. Huwag kang mag-aalala kaya na iyon ng mga mages."

Lagi niyang sinasabi sa akin na kaya na nila iyon pero hindi ako sigurado. Mas lalo akong kamumuhian ni Herra kapag masaktan na naman si Ferron. I think she likes him. Lumunok ako.

Hindi kakayanin ni Ferron iyon.

"Are you hungry? Kailangan mo ng lakas,"

Hinawakan ko ang tiyan ko. Napansin kong kumakalam na nga iyon. Hindi kasi natuloy ang umagahan dahil sa mga elders na iyon. Gosh. Pumikit ako ng mariin. Naririnig ko ang bombahan, ingayan, sigawan ng mga estudyante ng Hitmiton. Kitang-kita din mula rito ang apoy na nanggaling sa malaking gusali ng paaralan. This is the chaos that we were talking about. It's starting. At lahat ng iyon ay nagsimula sa akin.

Siguro alam na ng mga estudyante ang rason bakit nilusob ng mga elders ang eskwelahan namin. Hindi naman kasi gagawin ito ng mga elders kung walang rason o kung walang nanghahamon sa kanila. They think na banta sa kanila ang bata at kapangyarihan ko that's why habang maaga pa ay nisulob na nila ang Hitmiton.

Hitmiton Academy: The Last GirlWhere stories live. Discover now