Chapter 16

128 5 2
                                    

Maeve's POV

"Hindi maganda ang relasyon ng mga lobo at bampira noon. Nakatira sa malayong lugar na kung saan ay iilan lamang ang pu-puwedeng makapasok. Alam niyo naman siguro ang Aviola Academy?" tiningnan niya kami.

Umiling ako. Ngayon ko lang narinig ang eskwelahan na ito. Anong kinalaman ng mga bampira at lobo sa paaralan na iyon? Isa rin kayang mahiwagang eskwelahan iyon?

"I heard it once..."

Nabaling ang tingin ng matanda kay Herra. Walang emosyon ang kanyang mukha, nakatitig lamang kay Athena iyon. Pinapanood ang mulat na mulat na mga mata ng sanggol. Kanina ko pa napapansin na mulat ito, malapit ng sumapit ang kadiliman ngunit nakamulat parin ang pares na mga mata. Hindi nga talaga ordinaryong bata si Athena. Hindi siya natatakot sa dilim. Sabagay, may dugong bampira nga pala siya. Namana niya iyon sa ama niyang bampira din.

"Anong narinig mo?"

"School For Royalties. Mga may dugong bughaw lamang ang pu-puwedeng makapasok roon." sagot ni Herra tsaka hinawakan ang maliliit na kamay ni Athena.

"Oo. Malapit sa kanila ang Stark Forest. Tirahan ng mga lobo at bampira. Malayo ang lugar na iyon sa atin, aabutin ka ng apat na buwan sa paglalakbay. Hindi rin madali ang daan patungo roon. Isang mahiwagang paaralan iyon kung tawagin ng iilan..."

"Anong kinalaman non sa usapan?"

"Duon nakatira si Joz Ferron Zagareth. Ang ama ng sanggol na ito. Isa siyang prinsipe sa lugar na iyon. Siya ang kauna-unahang anak ng hari at unang prinsipe. Nang mabalitaan ni Joz na ipapakasal siya sa isang lobo ay hindi siya pumayag. Nagalit ang hari ng mga lobo dahil sa marahas na sagot ng prinsipe. Binantaan niya itong kapag hindi siya pumayag ay sisirain niya ang ugnayan nila sa mga bampira. Siyempre hindi sang ayon ang hari ng mga bampira. Galit man sa inasta ng anak ay sinawalang bahala niya ito. Sinagot niya ang haring lobo na hindi sila natatakot sa mga lobo. Duon nagsimula ang gulo sa pagitan ng mga lobo at bampira. Piniling lumayo ni Joz sa lugar na walang sabi sabi, tinakbo niya ang daan patungog kagubatan hanggang sa nasaksihan niya ang Hitmiton Academy..."

Is that it? Dahil lang sa hindi pumayag si Joz ay ganun na ang nangyari? What the hell, right? Bakit naman nila pipilitin si Joz kung ayaw niya! Mga hangal talaga. Wala naman akong kinakampihan sa dalawa, ang hindi ko lang nagustuhan ay 'yung desisyon ng hari ng mga lobo. I think bata pa si Joz sa mga panahon na iyon, hindi pa siya handa.

"Pagkatapos?"

"Sa Hitmiton Academy nagsimula si Joz Ferron Zagareth. Hindi na siya muling bumalik sa kanilang lugar, nanatili siya sa mataas na gusali ng Hitmiton. Sinawalang bahala ang kanyang pamilya. Pinili niya ang kanyang kalayaan, naging isa siya sa mga makapangyarihang mages. Natapos niya ang kanyang ensayo sa loob ng Magisterium."

Tumayo siya. Hininaan ang apoy sa kanyang lutuan at muling bumalik sa kanyang kinauupuan. Panandalian niya munang tiningnan si Athena. Ngumiti siya at tumingin sa akin.

"Hindi pa ito ang buong istorya. Iilan lamang ito sa aking nalaman at nasaksihan,"

"Anong kinalaman non sa sanggol?"

"Makapangyarihan ang batang ito dahil nakuha niya halos ang kapangyarihan ni Joz. Sa bampira, malalakas ang unang silang. Unang silang si Athena kayat siya'y malakas. Nakuha niya rin ang tubig na kapangyarihan ng kanyang ina na nanggaling sa water tribe kung tawagin. Isa sa mga malalakas."

Nabaling ang tingin namin kay Athena. "Ingatan niyo ang batang ito. Palakihin niyo ng husto..." tumitig siya kay Herra na ngayo'y nakakunot noo. "Nakikita kong mas tatagal ka sa tabi ni Athena."

Anong ibig niyang sabihin? Paano ako? Nakita ko rin iyon pero wala ako don. Tanging si Herra lamang. Anong mangyayari sa akin? Mamamatay din kagaya nina Elyse at Ayama?

"Tulog na si Athena. Anong gagawin natin bukas? Saan tayo pupunta?"

"Puntahan natin ang water tribe. Iyon ang unang plano. Mas lalong lalakas si Athena don,"

Humarap ako sa kanya. "Sigurado ka ba? Baka sasaktan nila si Athena kapag nalaman nilang anak ng bampira iyon."

Tumikhim siya tsaka hinila ako papasok sa loob ng bahay. Umupo kami sa kama kaharap si Athena. Mahimbing na ang kanyang tulog ngayon, may hawak siyang maliit na laruan sa kanyang kamay. Bigay iyon ng matanda. May mahika raw iyon, kapag sumapit na ang takdang panahon masisira iyon at lalabas ang kanyang totoong kapangyarihan. Matatakpan nga non ang kanyang kapangyarihan ngunit hindi maitatago ang dugong bampira na lumalantay sa kanyang katawan. She's half-blooded vampire.

"Wala namang atraso ang mga bampira sa water tribe ah?"

"Hindi ka sigurado, Herra. Mainit ang kanilang mga mata ngayon sa mga bampira. Lahat kinakalaban nila!"

"Maniwala ka sa akin, Maeve. Hindi nila sasaktan si Athena. Hahayaan mo rin ba iyon?"

Tumikhim ako. "Hindi siyempre! Mumultihin pa lang ako ni Ayama."

"Good. Bukas na nating pag-usapan it—wait, did you hear that?"

"Ano?"

"Malakas na kulog at hangin, Maeve!" mariin na sambit niya at binuksan ang maliit na bintana sa aming gilid. Nakita kong tumangay ang kanyang buhok dahil sa malakas na hangin. Sinasabayan pa ito ng malalakas na kulog.

"Shit! Malapit na sila, anong gagawin natin?"

Binaling ko ang tingin kay Athena. Napamura ako nang makitang umiilaw ang kanyang marka sa noo. Papalapit na ang kanyang ama. Nararamdaman niya rin iyon! Tangina, hindi niya pwedeng makuha si Athena sa amin. Gagawin niyang sacrifice ang bata!

"Barrier! Gumawa ka, Maeve!"

"Gaga ka! Hindi ako marunong non." I can't make a fvcking barrier!

Anong gagawin namin? Habang papalapit sina Ferron, mas lalong lumalakas ang kulog. Sa tingin ko'y kasama niya rin si Weston! Tangina talaga.

"Hawakan mo muna si Athena. Susubukan kong kausapin sina Ferron at Weston!"

Sinamaan niya ako ng tingin. "Ang tanga mo naman! Hindi mo mapipigilan ang isang Zagareth, Maeve. Lalong-lalo na ngayon na sobrang galit siya!"

Napapikit ako nang marinig na naman ang malakas na kulog na nanggaling sa labas. Sinasamahan na ito ngayon ng kulay pula. Hindi maganda ito.

Tumayo ako. Hinanap ko ang matanda at nakita ko siyang kalmadong nakaupo sa maliit na lamesa, kaharap ang lampara.

"Huwag kang mag-alala. Hindi nila nakikita ang bahay na ito. Malapit na silang tatlo, galit na galit ang mukha ng prinsipe."

Napalunok ako. Sigurado ba siya sa sinasabi niya? Mukhang liliparin na nga itong bahay niya dahil sa malakas na hangin!

"They can't see us here. Nararamdaman niya si Athena pero hindi niya ito nakikita. He's not mad about his daughter, he's mad because he lost his lover. That was her mother." ina ni Athena.

Ayama.

"He found her body. He saw her disappeared. Namuo ang matinding galit sa kanyang puso. Huli na nang lapitan niya ito, he can't touch that woman anymore."

Nanginig ang dalawang tuhod ko. Laging sinasambit ang pangalan ni Ayama.

Ayama, I'm sorry.

***

Don't forget to vote and leave a reaction. Thank you!

Hitmiton Academy: The Last GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon