Nais Kong Malaman Mo

118 9 0
                                    

"Nais Kong Malaman Mo"

[Play the song "Nais Kong Malaman Mo" by Daryl Ong while reading this one shot story.]

***

"Nang malaman ko'y huli na ang lahat."

Walang oras at araw na hindi ko siya iniisip. Hinahangad ko rin siya pati na sa panaginip, subalit ang aking pagkakainip ay ay 'di na matiis.

Mula sa kanyang higaan, patungo sa kanyang paboritong upuan. Lahat naaalala ng murang isipan, saan mang dako siya ay nasisilayan.

Hindi ko malimut-limot noong unang araw ko siyang magustuhan at makilala. Hindi perpektong timing pero swak na swak, saktong-sakto. Hindi gaanong ka-romansa pero ang lakas ng kabog ng nito. Tanong ko noong una, bakit ikaw pa? Gayong isa ka lang namang hamak na matahimikin at walang pake sa mundo.

Nabibigatan sa loob ko lalo na kapag 'di niya kinikibo, akala ko tuod siya, akala ko may sakit, 'yon! akala ko lang pala.

Dumaan ang mga araw, at matapos ang dalawang buwan ay mas umusbong ang aking busilak na damdamin. Hinahanap-hanap siya kahit saanman mapunta.

Siya 'yong happy pill ko na kapag 'di nakita ay may kulang sa kalooban ko.

Ini-entertain niya ako 1 month ago dahil lang sa paghingi niya sa akin ng 1/4 paper. Big deal dahil ang lakas ng tibok nito.

*Turo sa suso este puso*

Tinamaan ng magaling.

Tinago ko pero parang tubig sa gripo, tumutulo, I am oozing. Nag-uumapaw, I am overlapping, ako'y halata. Masyadong halata.

Pero alam kong wala siyang pake. Wala naman talagang siyang pake, puro kasi siya grades, ang seryoso niya sa pag-aaral e.

I waited for a perfect moment, kaso lahat ata ng moment malas, I've been rejected. Wala raw siya pake sa feelings ko, wala raw siyang time sa ganitong bagay.

I accepted that as a motivation na mas i-push pa ito subalit bawat araw na dumadaan noon, walang araw din niya akong sinusungitan, at tinutulak palayo.

Umiyak nga ako sa CR dahil lang sa kanya. Para akong tangang napapatingin sa sarili ko sa salamin.

'Then I realized, porke't mahal mo gusto mo nang makuha, baliw! Parang poreber lang 'yan, walang ganon!'

I can love without expecting something in return. I can love without limitation.

Sabi nga ng isa sa mga kaibigan ko, it will fade soon, tiwala lang. 'Wag mo na muna siyang i-entertain, 'wag muna siyang pansinin. 'Wag kang mag-aalala, 'wag mong lagyan ng kahulugan ang mga ginagawa niya sayo.

Subalit, kinaumagahan noon.

Nagising ako dahil sa katok ng sinuman sa labas ng aming pamalagian.

May inabot sa aking mail.

Galing sa kanya, nakasulat pangalan sa likod e baliw.

Dear Yna,

Nais kong malaman mo na sobra akong nagso-sorry sa pangbabalewala sa feelings mo this passed few days. Kung alam mo lang sana kung gaano ko kagustong tanggapin ang damdamin mo.

Subalit, kailangan kong gawin iyon dahil aalis ako, ng family ko, maninirahan kami sa lugar na malayo, sayo.

Kung nababasa mo man ito'y maaaring nakaalis na ako. Parati mong tatandaan, minahal kita sa pagiging positibo mo, katalinuhan, sa iyong pambihirang talento at sa kabutihang asal mo.

I will never forget you and you'll always have a space inside my heart.

Nais ko ring malaman mo na, mahal kita.

From: Dylan

Kapag naaalala ko ang sulat niyang iyon ay tila bagyong tuloy-tuloy sa pag-agos ang aking mga luha.

Saka ako mapapamura ng malupitan.

Hiniling ko pa noon na sana sinabi niya ng mas maaga nang hindi ko man lang naisip na ako lang lumalaban. Na sana kahit papaano'y pareho kaming lumaban at mas mapapanatag ako sa kaisipang lumaban kami despite of the chance.

Pero huli na ang lahat.

'Ninais niyang malaman ko ang lahat sa puntong huli na ang lahat.'

***

Play the song "Nais kong malaman mo" by Daryl Ong

Author's Note:
Kawaiiii!!! Ppl!!! It's been a while since the update I made! Sorry sa inconvenience! Pero bumabawi pa rin naman! Hehe.

Hope you liked it! Pa heart na uyy! :-D

Truly yours,
zemperfortiz

Sana [✓] (Compilation Of Short Stories)Where stories live. Discover now