Bakit?

59 6 0
                                    


Bakit?
Written by: Knowah

Heart's Point of View

Sa dinami-rami nang pupwedeng bigyan ng ganitong klaseng sakit, bakit ako pa?

Bata pa lamang ako, alam ko na noon na mayroon akong sakit na if ever malagpasan ko, well good. Kung malalagpasan ko nga ba?

Iilan lang kasi ang nakakaligtas sa ganitong klaseng sakit.

Sixteen years old na ako. Himalang humihinga pa rin ako at malayang nakikisalamuha sa ibang mga tao. Nag-aaral kasi ako, actually high school na ako, senior high to be specific.

The school never exposed my illness to my schoolmate—that's what I told to my parents, na pakiusapan ang director ng private school na ito, and they did. Wala ngang lumabas na mayroon akong sakit. Ayaw ko kasing kinakaawaan ako especially sa pagkakaroon ko ng sakit. Wala naman silang maiitulong.

Inaamin kong iba ng pananaw ko sa buhay mag-aaral at teenager. Hindi ako naniniwala sa forever and honestly speaking, I'm an NBSB, honor student, walang friend, sociopath at masungit ako. Hindi ako binubully kasi takot daw sila sa akin. Muntik na nga akong mapaaway, kaso hindi natuloy kasi natakot sa akin. Ano bang tingin niya sa akin? Lalapain ko siya? Kapal.

Mailap ako lalo na sa mga kalalakihan, especially ngayong nagpapariwara lamang 'yong mga saksakan ng hangin sa katawan at sobrang galing kung makipagbreak ng ganon-ganon lamang.

Pero nagbago ang lahat ng iyon nang dumating siya at sinimulang guluhin ang pagkatao ko. And this is the beginning of my end.

My name is Heart Azor. Bagay na bagay sa akin dahil sa sakit ko sa puso. Anyway, tatalakayin ko dito ang buhay ko kung paano binago ng isang saksakan ng hangin, manggagantso, jerk at kung anu-ano pang kinabubwisitan ko sa pagkatao ni James Cuevas.

I will just make a short background to James.

James came from a wealthy family, was raised perfectly with tender and care (hotdog). Spoiled- brat meaning nakukuha niya lahat ng gusto niya not only those luxurious things that he have but also girl's hearts (he definitely broke those).

He has a so-called-perfect-physical-features that girls and gays mobbed. Paanong 'di siya pagkaguluhan e may abs daw 'yon. At isa pa, nakakamatay daw ang kagwapuhan niya? E? E bakit noong tumingin ako sa kanya, hindi naman ako nangisay o 'di man lang bumula ang bibig ko? Engot!

Magagara ang kotseng ginagamit niya every week. Sa tantsa ko, may mahigit pito siyang four-wheels except sa mga motorbikes niya. Mayaman right? But, that's not the reason why I include him as an entry here. The reason is he makes me fall in love with him. Nakakabigla 'di ba? Not satisfied? Well ganito kasi 'yon.

Ang puso minamahal at iniingatan, hindi sinasaktan.

Isang araw, our adviser gives us an activity, debate raw sa isang particular na issue sa aming mga kabataan ngayon. Naexcite naman sila, maliban sa akin, kasi tiyak kong ako na naman ang isasalang.

And that is our topic, Ang puso minamahal at iniingatan, hindi sinasaktan.

And fortunately, napunta sa grupo ko ang positive one. Our adviser tells us that there should not be personal information involves kaso sadyang matigas ang ulo niya. Oo, si James Cuevas ang kalaban ko sa nonsense na debate na ito. Paano ako mananalo diyan e wala naman 'yang puso. Okay lang sana kung si Carl kasi 'yon may puso kaso wala nga lang utak. Bad.

"Ang puso sinasaktan lalo na kung ang taong kinalalagyan nito ay walang alam kundi manakit ng iba." he started. I think he's talking to his self. Bagay sa kanya 'yong sinabi niya. Muntik na nga akong mapapalakpak e.

Sana [✓] (Compilation Of Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon