Notes of Memories

26 5 0
                                    

Nagising ka sa sinag ng araw na tumatama sa talukap ng 'yong mata. Bumangon ka upang itabing ang kurtina subalit pagbalik mo sa kama ay hindi mo na makuha ang naudlot mong tulog.

Pumasok ka sa banyo upang maghilamos tsaka ka napatingin sa repleksyon ng 'yong mukha sa salamin. Kitang-kita mo ang lamat ng kahapon na nakaukit sa noo mo. Naghilom na ang sugat na 'yon na kung saan hindi mo maalala kung saan mo ito nakuha.

Isa kang babaeng may paninindigan. You are down to earth kahit na sikat ka at sobrang yaman. Hindi ka umaasa sa yaman na meron ang pamilya mo. May sarili kang trabaho at minsan may gig ka rin dahil potensyal kang mang-aawit.

Nakatatak sa isipan mo na mayroon kang schedule ngayong umaga sa isang resto-bar na kung saan ay makakasama mo ang myembro ng banda na ikaw mismo ang bumuo.

Matapos mong ayusin ang sarili ay tumungo ka na sa pinag-usapang gig. Pumasok ka sa loob. Ilang buwan kang nawala at tiyak miss na miss ka na ng mga kaibigan mo. Nang makarating ka sa platform ay nakita mo ang isa mong kaibigang lalaki, nakatingin siya sa'yo, kumikislap ang mga mata niya habang tinitingnan ka. Tila may nais siyang sabihin o iparating sa'yo.

Lumapit ka sa kanya at tinanong mo siya, subalit tinatanggihan ka niya. Iniabot mo sa kanya ang microphone dahil siya ang nakatoka ngayon sa pagkanta.

Inabot niya 'yon at tinungo ang platform, bago kumanta ay may sinabi siya.

"Lagi mong tatandaan, kakanta ako ng kakanta hanggang sa makaalala ka."

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay tumulo ang luha sa'yong mga mata.

Sana [✓] (Compilation Of Short Stories)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora