Chapter 7

5.2K 86 12
                                    

CHAPTER 7





Pagkauwi ko sa condo ni Ate Lucille, naabutan ko siyang nagluluto ng almusal. Nilingon niya ako nang nakangiti para bumati pero nang makita niya ang naluluha kong mukha, kumunot ang noo niya at pinatay ang stove bago ako daluhan.

"Anong nangyari, Lia?" Pinunasan niya ang luha ko at niyakap ako.

"Ate! Si Helios!"

"Helios? Ano? Kaklase mo ba 'yan?"

Umiling ako. Hinayaan niya lang muna akong umiyak hanggang sa kumalma na ako. Kinuhanan niya ako ng isang basong tubig at hinintay na maubos ko iyon. Kinuha niya 'yon sa akin nang maubos ko na ang laman.

"Sino si Helios?" Ulit niya ng tanong niya.

"Helios Reoja, Ate."

She looks confused. "'Yong panganay na anak ni Senator Gonzalo Reoja? Anong meron?"

I told her what happened during the wedding anniversary of Senator Reoja and his wife back in Isla Julieta. Kwinento ko rin 'yong nangyari noong breakfast kinabukasan noon at kung ano ang mga naaalala kong sinabi niya.

Kwinento ko rin na kagabi, nandoon siya sa club na pinuntahan naming magkakaibigan at noong nawalan ako ng malay, dinala niya ako sa condo niya. Tapos natagpuan ko na lang ang sarili kaninang hubad sa ilalim ng kumot.

"We should tell it to the authority!" Aniya. "Labag sa batas ang ginawa niya sa'yo! You're still a minor! He corrupted you! Pinagsamantalahan ka niya habang lasing ka! Hindi lang isang beses na nangyari iyon kundi dalawa!"

"No, Ate! Ayaw kong umabot 'to doon!"

Bumagsak ang balikat niya. "Ano ang gusto mong gawin, Lianna? Hayaan siyang nandito sa labas kahit nararapat lang sa kanyang mapunta sa kulungan? Correct me if I'm wrong, pero pinagsamantalahan ka niya noong lasing ka! That's rape! You were not in your right mind because of intoxication! At alam niya nang menor de edad ka pa lang, pinatulan ka pa rin!"

"Gusto ko rin ang nangyari, Ate. Ginusto ko 'yon. Gusto ko siya!"

Ate Lucille breathed sharply. "Ano, Lia?"

"Gusto ko siya, Ate! 'Yon ang problema ko! Nasaktan ako noong hindi niya ako binalikan sa Isla Julieta at nalaman-laman ko na lang na may kinakasama na siyang Belinda Natividad! Tapos babalik siya at sasabihin sa aking na-miss niya ako? Napaka-sinungaling niya!"

"Cous, ang dami pang lalaki diyan. 'Yong si Claud? Doon sa mas bata nalang sana, Lia. Kasi ang mga lalaking tulad niya, gumagamit lang ng babae para sa panandaliang aliw. Hindi sa hindi ko siya gusto para sa'yo, pero para lang siya sa mga babaeng parehas lang ang hanap. Sex."

Kinuhanan ako ni Ate Lucille ng tubig at ininom ko muna iyon bago nagpatuloy. My mouth is running dry because of crying.

"Kinakalimutan ko na siya, Ate. Pero noong bumalik siya, noong natagpuan ko ulit ang sarili ko sa kama niya, bumalik nanaman. I'm attracted to him, yes, pero hindi ko alam kung bakit masakit na makitang may kinakasama siyang iba, kahit sabihin pang hindi niya talaga iyon mahal."

Niyakap ako ni Ate Lucille. "Piliin mong kalimutan siya."

Pagkatapos kong maligo at ayusin ang sarili ko, chinarge ko ang cellphone na namatay. Maya-maya ay sunud-sunod ang pagtunog ng cellphone ko.

Claud:
Lia, where are you?

Claud:
Jasmine lost you.

Claud:
Lahat kami, hinanap ka. Wala ka na rito?

Claud:
Umuwi ka na ba?

Claud:
Lia, please reply.

Ganon din ang mga mensahe nila Abby sa akin. 25 missed calls from Claud and the others.

The Devil in Heaven (Isla Julieta Series #1)Where stories live. Discover now