PROLOGUE

19.7K 345 16
                                    

ABALA sa tinatapos na manuscript si Sanria nang bulabugin siya ng mga katok sa pinto ng kanyang silid. Inis na nahilot niya ang noo. Ayaw niya sa lahat ay iyong nauudlot ang pagsusulat niya. Maingat na ibinaba niya ang monitor ng laptop nang makita ang pagpasok ng kapatid na si Zai.

Matanda siya rito ng apat na taon pero sa edad niyang bente-sais ay mas mukha pa itong panganay sa kanya dahil na rin sa taglay nitong katangkaran at bata naman niyang hitsura. Nginitian niya ito kahit na gusto niya itong simangutan.

"Yes?"

Saka lang niya napansin ang hawak nitong puting sobre ng bahagya nito iyong itinaas. Nang makalapit ito sa kanya ay inilapag nito iyon sa ibabaw ng kanyang lamesa.

"Debut ni Ferncez at kasali ka sa eighteen candles niya," inporma pa ni Zai sa kanya.

Sa narinig ay mabilis niyang kinuha ang sobre at inusisa ang invitation na laman niyon.

"Dalaga na pala ang bunso nina Tito Andrei. Hmmm, puwede ng paligawan." Napangiti pa siya nang makita ang magandang larawan ni Ferncez sa unang page ng invitation.

"Tss. 'Yong edad lang niya ang tumanda. Pero 'yong isip niya? Isip bata pa rin."

Tinaasan niya ng kilay si Zai ng balingan ito. "I wonder kung affected ka ba sa pagiging ganap na dalaga ni Ferncez o sa puwede na siyang magpaligaw? Which is which, Zairus Marquez?" pang-aasar pa niya rito.

Nalukot ang guwapong mukha ng kapatid. Hindi naman lingid sa pamilya nila kung paanong magturingan ang dalawa. Daig pa ang aso at pusa.

"I need to go. May pinapatapos pa si Mama," anito na walang lingon-likod na iniwan siya sa kanyang silid. Mukhang gumawa lang ng dahilan para makaalis sa pang-aalaska niya.

Nangingiti na muli niyang itinuon ang atensiyon sa hawak na imbitasyon. Nagtaka pa siya nang makitang wala sa listahan ng eighteen roses ang kapatid niyang si Zai. Paanong hindi ito isinali ni Ferncez samantalang siya ay kasali sa eighteen candles nito?

Pero unti-unting nabura ang ngiti sa labi niya noong mabasa ang pangalan sa panghuling listahan ng eighteen roses. Ikinurap-kurap pa niya ang mga mata sa pag-aakalang baka dinadaya lang siya ng kanyang paningin. Pero hindi iyon nawala o nabago man lang. Malinaw na nakasulat doon ang buong pangalan ni Gray Samaniego. Agad na nagdulot iyon ng paninindig ng mga balahibo sa buo niyang katawan.

"G-Gray," nanghihina niyang anas sa pangalan nito.

Nakagat niya ang ibabang-labi. In just a second ay samut-sari ang biglang naramdaman niya ngayon sa kanyang dibdib pagkabasa sa pangalang iyon. Ibig sabihin ay uuwi na ng bansa si Gray? After eight long years na walang komyunikasyon sa dating kaibigan, ni boses nito ni hindi pa niya uli naririnig.

Isinandal niya ang likod sa inuupuang swivel chair. Sa isang iglap lang ay animo bumalik lahat. A bittersweet memories na bigla rin ay nagpabigat sa kanyang dibdib.

It was her fault kung bakit hanggang ngayon ay may pagsisisi pa rin siyang nararamdaman. Noong mawala si Gray sa buhay niya, she lost her best of friend, her savior, her companion, her protector and her half. Lumaki siya noon na silang dalawa ang palaging magkasama. Bukod sa magulang niya ay isa si Gray sa dinidipendehan niya noon.

Pero nawala ang lahat ng kung anong mayroon sila ng magalit ito sa kanya na naging dahilan din para iwan nito hindi lamang siya pero maging ang bansa.

"I'm sorry. Kung... kung pwede lang ibalik lahat." Mabilis niyang pinalis ang kumuwalang luha mula sa mga mata niya.

Bahagya niyang pinalo-palo ang dibdib dahil sa animo pinong kurot na nararamdaman doon.

Kasabay ng pagpikit niya sa mga mata ay ang pagdaloy ng nakaraan sa kanyang isipan...

A Princess In Disguise 2: A Princess PromiseWhere stories live. Discover now