Chapter 06

3.2K 199 31
                                    

HABOL ANG paghinga na napabangon si Sanria. Napalunok siya. Nanunuyo ang lalamunan niya nang magising ng alas kuwatro ng madaling araw.

Nang ilibot niya ang tingin sa paligid ay nakita niya na nasa ospital pa rin siya nang mga oras na iyon. Nakita rin niya ang kapatid na si Zai na nakahiga sa pahabang sofa. Tulog ito. Mukhang ito ang bantay niya dahil wala roon ang kanyang mga magulang.

Nasapo niya ang noo na biglang kumirot. Saka lang niya napansin ang dextrose na nakakabit sa kamay niya.

Walang pag-aalinlangan na tinanggal niya ang dextrose na nakakabit sa kamay niya. Napangiwit pa siya nang makitang dumugo ang pinaghugutan niya ng karayom sa kanyang kamay. Hinawakan niya iyon at pumikit ng ilang sandali. Pagkuwan ay muling nagmulat at maingat na bumaba sa kama.

Hindi puwedeng magising si Zai kaya doble ingat na hinayon niya ang kinaroroonan ng pinto. Nang makalabas sa silid na gamit ay agad niyang hinanap ang nurse station upang malaman kung saan niya matatagpuan si Gray.

Naluha na naman siya nang sabihin ng nurse na nasa ICU si Gray at wala pa ring malay.

Nang makarating sa ICU ay maingat niyang binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Hindi pa man siya tuluyang nakakalapit sa kinahihigaan ni Gray ay sunod-sunod nang tumulo ang masagana niyang luha nang makita niya ang kaibigang si Gray na wala pa ring malay. Balot ng benda ang ulo nito. May aparato ring nakakabit sa katawan nito. Naka oxygen din ito.

Nang makalapit sa kinahihigaan ni Gray ay nanginginig pa ang kamay niya nang hawakan ang kamay nito. Matagal niya itong pinagmasdan lang. Hinihiling na sana ay magising ito.

"I'm sorry, Gray," mayamaya ay anas niya. "Kasalanan ko kung bakit ka narito, eh. Sana... sana hindi mo na lang ako sinalo. Kasalanan ko." Impit siyang napahikbi. Napayuko siya at tahimik na umiyak.

Wala siyang pakialam kung magmukha man siyang ewan dahil sa pag-iyak niya. Hindi niya matanggap ang sinapit ng kaibigan. It hurt her even more.

Lord, gumaling lang po si Gray, maging maayos lang po ang kundisyon niya... pangako po, hindi na ako magiging makulit sa kanya. Hindi na ako magiging demanding. At kungkung mag-girlfriend man po siya ay hahayaan ko na siya. Kahit doon na mapunta ang oras niya. Basta po pagalingin Niyo lang po si Gray. Please po. Hear my prayer, Lord. Lahat ng sabihin niya ay susundin ko po...lahat.


HINDI INALIS ni Sanria ang tingin kay Gray. Matapos ang tatlong araw na walang malay ang binata ay nagising na ito. Kaya inilipat na ito sa pribadong silid.

Nang malaman niya kanina ang balita na nagkamalay na si Gray ay mabilis pa sa alas kuwatro na nagpahatid si Sanria sa MMC. Gusto niyang makita ang kaibigan. Ngunit tulog ang kaibigan niya nang madatnan niya ito sa kuwarto nito.

May isang oras na rin siyang nakaupo sa silya na nasa tabi ng kamang kinahihigaan ni Gray. Tahimik lang na nakatitig siya rito. Hindi na namumutla ang labi nito. Para itong male version ni sleeping beauty. Napakaguwapo pa rin.

Napabuntong-hininga siya. Piping hiling niya na maayos lang ito. Dahil hanggat hindi ito okay ay patuloy niyang sisisihin ang sarili dahil sa nangyari dito.

"Gray," mahina niyang anas sa pangalan nito. "Sana okay lang ang pakiramdam mo. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may masamang nangyari sa iyo. Sorry, ha? Kasalanan ko, eh." Pinalis niya ng kamay ang luhang namalisbis sa pisngi niya. "Wala ka sana diyan ngayon. Miss na kita. Sobrang miss na."

Napatuwid ang upo niya sa kinauupuang silya nang unti-unting magmulat ang mga mata ni Gray.

"G-Gray," aniya na tumayo at mas lumapit dito. Naupo siya sa gilid ng kama nito pagkuwan ay mahigpit na hinawakan ang kamay nito. Ibayong tuwa ang bumalot sa puso niya ngayong nakita niya mismo ang pagmulat ng mga mata nito. "Ano'ng pakiramdam mo. May masakit ba sa iyo? Nagugutom ka ba? Ano'ng gusto mong kainin? Sabihin mo lang," sunod-sunod niyang tanong. Naluluha siya sa sobrang saya.

Nang dumako ang tingin sa kanya ni Gray ay sandali siya nitong tinitigan. Blangko ang tingin nito. Bagay na nagpatikom sa bibig ni Sanria. Sandali siyang natigilan. Bakit ganoon ang reaksiyon ni Gray? No sign of recognition?

"Gray," anas niya sa pangalan nito na pinasigla pa ang boses.

Binawi nito ang kamay nitong hawak niya. Napatingin siya roon pagkuwan ay unti-unti niyang ibinalik ang nagtatakang tingin sa mukha ni Gray. Clueless siya sa reaksiyon nito. Unusual.

"Sino ka?"

Tila naumid ang dila niya sa sinabing iyon ni Gray. Dalawang salita. Animo biglang may pumitik sa sentido niya. Sumakit iyon. Maging ang dibdib niya ay dagli ang paninikip. Ang luha niya ay nagbabadya na namang tumulo.

Sinikap niyang magsalita. Trying to ignore the pain inside her. "S-Sira ka ba? Bakit," pinigil niyang mapapiyok ang boses. Huminga siya ng malalim. "Bakit mo ako tinatanong ng ganyan?"

Blangko pa rin ang tinging ipinupukol nito sa kanya. Tinging tila unti-unting pumupunit sa puso niya. Tinging sobrang sakit ang hatid sa kanya. Hindi niya makita rito ang kaibigang si Gray.

"Tinatanong kita kung sino ka."

Kumibot ang labi niya. Doon na muling bumagsak ang mga luha niya. Walang patid. Nagkaroon ba ng amnesia si Gray dahil sa pagkakabagsak ng ulo nito?

Ni hindi siya natinag sa kinauupuan nang bumukas ang pinto ng silid na iyon at pumasok ang ina ni Gray.

"Mabuti naman at gising ka na. Nagugutom ka ba, Gray?" agad na tanong ni Chello nang makalapit. Natigilan lang ang ina ni Gray nang mapatingin sa kanya. "Sanria, what's wrong?"

"Tita, nagbibiro lang po si Gray na hindi niya ako kilala, 'di ba?" tanong niya na hindi inaalis ang tingin kay Gray. Umaasa na sa huli ay sasabihin nito na nagbibiro lang ito. Na pinag-ti-trip-an lang siya nito. Umaasa ang puso niya. Ang buong pagkatao niya.

"Sanria—"

"Mommy, paalisin niyo na ho siya," malamig pa sa yelo na wika ni Gray bago muling ipinikit ang mga mata.

Umawang ang nanginginig niyang labi. At bago pa kumuwala ang hikbi mula roon ay mabilis niyang naitaklob ang kamay sa bibig niya.

Mabilis siyang inalalayang tumayo ng kanyang Tita Chello at inilayo sa kinaroroonan ni Gray.

"Hush, Sanria," pag-aalo nito sa kanya. "Hindi ko ini-expect na mangyayari ito. Pero sinabihan na kami ng doktor niya na maaaring maapektuhan ang memory niya. But I didn't expect that of all people ay ikaw ang hindi niya maaalala. Don't cry, please? Buong akala ko ay okay lang siya. Oh, my God," naluluha na rin nitong alo sa kanya pagkuwan ay niyakap siya ng mahigpit.

Speechless siya. Lalo ring sumasakit ang ulo niya sa pinagsama-samang emosyon. Pati pakiramdam niya ay unti-unting namamanhid. Idagdag pa na halos wala siyang matinong tulog at kain simula nang maospital si Gray.

"Gusto ko na pong umuwi," aniya na kumalas na mula sa pagkakayakap ng kanyang Tita Chello. Hinang-hina na ang pakiramdam niya.

Ni hindi na niya tiningnan pa ang kinahihigaan ni Gray nang hayunin niya ang pinto dahil tiyak na magbi-breakdown siya. Hinawakan niya ang parteng dibdib nang lalong manikip ang pakiramdam niya roon.

Pagkalabas niya sa may pinto ay agad siyang sinalubong ni Mang Simon, ang driver nila. Pero hindi pa ito nakakalapit nang unti-unti namang magdilim ang paningin niya.



AUTHOR NOTES:

Hello po :)

Your comment are highly appreciated. Please share your thoughts.

Love lots,

Jonquil



A Princess In Disguise 2: A Princess PromiseWhere stories live. Discover now