Chapter 08

3.1K 135 7
                                    

KAUNTI LANG ang nakain ni Sanria na halos hindi pa niya maubos. Napatingin na naman siya sa kinaroroonan ni Gray. Katabi nito si Alonica na panay ang pa-cute rito. Iniiwas lang niya ang tingin nang ngisian siya ng babae.

Bakit ba ang tagal ng oras? Gusto na niyang umuwi sa hacienda. Gusto na niyang magkulong sa kuwarto niya. Gusto na nga rin niyang magka-amnesia para makalimot sa nararamdaman niyang iyon.

"Mas gusto pa niyang kausap ang Alonica na 'yon. Tss," inis niyang bulong. Tumayo siya, hindi na siya makatagal doon. Siguro ay maghihintay na lang siya sa kanilang sasakyan.

Pero sa pagtayo niya ay siya namang daan ni Ford. Nabunggo ito sa kanya kaya natapunan ang suot niya ng hawak nitong red wine.

"Oh, my. I'm sorry, Sanria," mabilis nitong dinukot ang panyo sa bulsa nito at akmang ipapahid sa may parteng dibdib niya nang may biglang magbalabal sa kanya ng itim na coat.

Napalingon si Sanria. Sandali siyang natigilan nang makita si Gray. Inayos pa nito ang coat, tiniyak na hindi kita ang nabasang parte ng dress niya. Maging ang mommy ni Gray ay bahagyang napangiti sa ginawa ng anak nito. Even her mother, Anria.

At siya, nagtataka kung bakit ginawa iyon ni Gray. Akala ba niya ay wala itong pakialam sa kanya?

Ibinalik na lang ni Ford ang panyo sa bulsa nito. "I'm sorry, Sanria. Biglaan kasi 'yong pagtayo mo, eh. Kaya hindi na ako nakaiwas."

Saka lang niya ibinalik ang tingin kay Ford na very apologetic ang ngiting ipinamalas sa kanya. Anak ito ng Mayor sa kanilang bayan. Nag-aaral din sa unibersidad na pinapasukan nila. Graduating sa kursong Political Science.

"Okay lang," sabi na lang niya. Mas ukupado ang utak niya sa presensiya ni Gray kaysa ang nakamantiyang red wine sa suot niyang dress na baby pink ang kulay.

"Hindi okay 'yan. Bawi ako sa iyo sa Monday, treat kita ng lunch." Ginulo pa nito ng bahagya ang buhok sa ulo niya bago naglakad palayo.

"Tss."

Hinarap niya si Gray na nakatayo pa rin sa may likuran niya. Nang tingnan niya ang mukha nito, bakit parang may disgusto roon? Kumurap-kurap tuloy siya dahil baka namamalikmata lamang siya. Pero hindi. Ganoon pa rin ang hitsura ni Gray.

Stay away...

Animo may kumurot na naman sa puso niya sa alalahaning iyon. Nagbaba siya ng tingin. Pagkuwan ay nilampasan si Gray at ginawa ang naunang plano. Walang lingon-likod na hinayon niya ang loob ng mansiyon. Nang makalabas sa entrada niyon ay saka lang siya nakahinga nang maluwag. Sandali niyang pinagmasdan ang itim na coat bago muling nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kanilang sasakyan.

"Haaay, Sanria," inis niyang bulalas nang buksan ang backseat. Naka-lock iyon. Nawala sa isip niya na hingin ang susi ng sasakyan sa papa niya. Napabuntong-hininga siya bago sumandal sa may pinto.

Kinapa niya ang basang parte ng suot niyang dress. Sa may parteng dibdib niya pababa sa tiyan. Pagkuwan ay napangiti nang pagmasdan ang suot na coat ni Gray. Nanunuot sa ilong niya ang gamit nitong pabango.

Instinct ba ni Gray kaya ganoon kabilis ang aksiyon nito kahit na may amnesia ito? Napangiti siya sa isiping iyon. Ibig sabihin, kahit na nakalimot ito ay naroon pa rin ang pag-aalala nito sa kanya. Maybe his heart never forgets after all.

"Magpalit ka."

Ganoon na lang ang pag-iktad ni Sanria nang biglang may marinig na boses. Sa pagbaling niya sa pinanggalingan ng boses na iyon ay hindi na naman niya mapigilan ang sarili na sandaling matigilan habang titig na titig sa guwapong mukhang iyon.

A Princess In Disguise 2: A Princess PromiseWhere stories live. Discover now