Chapter Twelve

6 0 0
                                        

GAEL'S POV

I sighed.

I am guilty. I play dirty. Playing safe. It feels like I am taking my advantages, putting Amethyst on no option, situation and I used her conscience.

Nakakakonsensya. Parang nagsisisi tuloy ako.

Mula sa malalim na pag-iisip, nangunot ang noo ko nang mapansin ang mga pamilyar na kotse na nakaparke sa garahe namin.

Ang mga tarantado, nandito na naman.

Nasa labas pa lang ako, pero parang rinig ko na ang ingay nila sa loob. Sana nga lang wag sila sa kuwarto ko. Mahirap maglinis dahil masyado silang makalat.

May iniisip na nga ako, may mga pasaway pa

By the way, what are they doing here? Ang kakapal ng mga mukha, hindi man lang nagpapaalam sa'kin.

Kunot noong pumasok ako sa bahay. Nabungaran ko agad sila sa sala namin. Abala ang isang maid namin sa paglalagay ng pagkain sa center table. At dahil labing-isa sila, may mangilan ngilan na nasa sahig dahil hindi sila kasya sa sofa.

"Mga wala talaga kayong hiya," puna ko habang sinusundan ng tingin ang maid naming naglalapag ng mga tray na may turon at juice. "Nauna pa kayo saking makarating at makauwi sa sarili kong bahay. At may pa merienda kayo huh," puna ko

"Si Tita ang nagpapasok at nagpahanda ng merienda sa 'min, hindi ikaw," ngingiti ngiting sagot ni Benj.

"Where's mom?" tanong ko.

"Nasa kusina ata, nagluluto ng mga turon."

Umakyat muna ako sa sariling kwarto para magbihis. Pagkatapos ay bumaba. Nabaling ang tingin ko sa maruya na nasa center table. Parang kanina, turon pa yun a.

"Kaya gusto ko dito sa bahay nyo Gael e, binubusog kami ni Tita."

Abusado.

Umupo na lang din ako sa sahig. Nakakahiya naman sakin. Sila talaga 'tong nakaupo sa sofa.

"Oy, Gael, balita kay ate Amethyst? Ayos na ba siya?" tanong ni Philip.

Tinamaan na naman tuloy ako ng konsensya.

I nodded. "Ayos na siya."

"Linawin mo nga, ano ba talaga kayo? Kanina, may pasigaw sigaw ka pa na girlfriend mo siya, akala ko ba hindi?" usisa ni Finn

Napahinto ako. Hindi ko na rin kasi alam ang isasagot

"Yung totoo ah. Yung set up nyo kasi malabo pa sa tubig kanal," sabat ni Philip. Philip and his harsh mouth. Tss.

"Sinabi ko na sa inyo...hindi kami," sabi ko. "I am just trying to help"

"Eh bakit iba yung lumalabas sa bibig mo minsan? Ano yun minsan kayo, minsan hindi? Ang gulo. At iba din ang pinapakita mo? Type mo si Amethyst no?"

I sighed.

"Oo," amin ko.

"Sabi na e."

"As expected."

"Hindi na ako nagulat."

"So, ano nga? Hindi kayo tapos ano na? Liligawan mo siya?" tanong ni Charles.

"We're friends but still I gonna court her," sagot ko.

"Ang confusing naman. Eh paano yan, ang alam ng lahat ay kayo na?"

"I guess it's better. Hayaan natin na yun ang isipin nila," sagot ko.

Oy yeah, right...I'm selfish and territorial. And my conscience wants to eat me alive.

PARENTending (Series #1)Where stories live. Discover now