Chapter Twenty-Two

4 0 0
                                        

GAEL'S POV

Dala dala ang tupperware na may lamang cookies at isang bouquet ng bulaklak, huminga muna ako nang malalim bago pindutin ang doorbell nila Amethyst.

Pinakiramdaman ko ang sarili.

What the hell, bakit ako kinakabahan?

Pagkatapos pindutin ang doorbell, mataman akong naghintay na bumukas ang gate pero wala namang lumalabas.

Muli ko yung pinindot, pagkatapos ay tiningnan ang cellphone ko. Nagsabi kasi ako na papunta na ko pero wala namang naging reply si Amethyst.

May tao kaya?

Wala namang nasabi si Amethyst sa akin na aalis sila.

Akmang pipindot uli ako sa pangatlong pagkakataon nang bumungad si Naru sa pinto. Nakasimangot na lumapit sakin at pinagbuksan ako ng gate.

"Hi Stella," bati ko.

She just looked at me. Nakasimangot.

"Ayos Ka lang ba?" tanong ko.

Tumango lang ito. "Naliligo pa si ate," sagot niya.

"Aaahh," sabi ko na lang dahil naiilang ako sa reaksyon niya.

"Pasok Ka po."

Niluwagan nito ang pagbukas ng gate at naunang naglakad. Nakabuntot lang ako.

Mukhang alam ko na kung bakit ganon ang itsura niya.

Umupo ako sa sofa nila at matamis na ngumiti kay Stella.

"Cookies. Ako nagbake niyan."

She just nodded.

I sighed. I need to get her approval.

"Galit Ka ba sakin?" mataman kong tanong.

She looked at me. "Traidor Ka," usal niya na kinagulat ko.

"I..." I sighed. "Sorry. Hindi ko naman sinasadyang mahulog sa ate mo...I do really like her. Seryoso ako sa kanya."

Napasimangot siya. "Ano pa bang magagawa ko? Mukhang gusto Ka na din ni ate..mang-aagaw."

I smiled. 

So, iniisip niya, aagawin ko ang ate niya sa kanya?

"No...hindi ko inaagaw ang ate mo. She will be always your sister and I am willing to be your Kuya. Ayaw mo ba yun? May Kuya ka na, may ate ka pa?"

"Okay na ko sa ate lang." She looked at me. "Susuriin kita para malaman ko kung bagay Ka nga kay ate."

I smiled. "Sure."

Muli itong sumimangot. "Dapat pala hindi na lang ako humingi ng tulong sayo... Sana Hindi na lang kita pinagpanggap na boyfriend ni ate. "

I smiled. "Thank you. Hindi ko makikilala ang ate mo dahil sayo."

Masamang tingin ang sinagot niya. "I hate you."

I laughed. "I know. Don't worry, magugustuhan mo din ako para sa ate mo."

"Mabasted Ka sana."

Nanlaki ang mata ko. "Wag naman. Hindi magandang biro yan."

She sighed. "Isusumbong kita kay ate kapag nakita kong may mga babae Ka."

I laughed. "Wala akong ibang babae, ang ate mo lang."

Muli itong sumimangot.

"I will be good Kuya to you."

Sumusukong tumango ito na kinangiti ko. "Kapag pangit lasa ng cookies mo, basted Ka na a."

"Sure"

PARENTending (Series #1)Where stories live. Discover now