AMETHYST'S POV
"Anong hayop ang walang gilagid?"
Natigilan ako sa ginagawa, kunot noong binalingan ko muli si Gael.
Habang sinisilid kasi namin sa basket ang iilang pagkain na hindi naubos, panay ang joke niya na sobrang ko-corny naman!
Pinilit kong sumimangot bago magsalita.
"Ano?"
"Lang gum..."
Sinimangutan ko siya lalo pero nang makatalikod na ko sa kanya, natatawa at iiling iling akong nagpatuloy sa ginagawa.
Saan niya ba napulot yun?
Sinundan niya ako ang tingin. "Yieee natatawa," pagpupumilit niya.
Tinuturo niya pa yung mukha ko.
Sumusukong napangiti tuloy ako. "Corny mo talaga sa lahat ng bagay!"
"May sense of humor kasi ako."
Humalukipkip ako. "Oo meron nga pero hindi bagay."
I can't believe this, may ganyang side pala si Gael! Naninibago ako!
"Corny pero tumawa Ka?"
"Natawa lang ako kasi ang kapal ng mukha mong sabihin yung corny mong joke."
Binalingan ko si Stella. "Tingnan mo, pati si Stella, naco-cornyhan sayo"
"Corny ba ako Stella?" tanong niya pa sa kapatid ko.
Teka nga, akala ko ba yung labing-isa niyang kaibigan lang ang may saltik. Pati rin pala siya.
"Sobra," agad naman na sagot ng kapatid ko na kinatawa ko.
Sinapo niya ang sariling dibdib at umakto pang nasasaktan.
Baliw.
Pagkatapos kumain, inikot namin ang buong park. At dahil weekends ngayon, marami rami ang tao. May mangilan ngilan ring nagpipicnic sa kalayuan. Masasayang pamilya, mga PDA na magjowa at magbabarkadang maiingay.
Binalingan ko si Gael sa likod ko habang naglalakad. Nasa likuran ko kasi siya at may dala dalang camera kaya panay ang kuha nito ng larawan sa paligid.
Nahuhuli ko pa siyang kumukuha ng stolen shots ko pero may flash naman!
Paniguradong nakapikit ako sa karamihan sa kuha niya!
Sinamaan ko siya ng tingin pero nginitian lang ako.
Lumapit ako.
"Pahiram," utos ko.
Iniwas niya yun sakin. "No, You're planning to delete your pictures. Remembrance ko yun."
Umiling ako. Akmang kukunin ko sa kanya yung camera pero itinaas niya ang kamay niya kaya hindi ko maabot.
"Hindi ko buburahin, wag kang OA."
Tinaasan ako nito ng kilay na kinatawa ko.
"Oo nga! Pipicture-an lang din kita kasi puro na lang kami ang kinukuhaan mo. "
Inabot naman niya yun sakin. Ako naman ngayon ang kumukuha ng pictures niya at ni Stella. May mangilan ngilan ding alagang hayop sa park gaya ng rabbit, iba't ibang klaseng ibon at kung ano ano pa kaya pinicture-an ko na rin.
Abala ako sa pagkukuha ng larawan nang matigilan ako. Naramdaman ko ang kamay nya sa buhok ko. Magtatanong sana ko kung bakit pero napansin kong iniipon niya yun gamit ang isang kamay niya.
Itinatali niya pala kaya hindi muna ako gumalaw.
I smiled. Ginawa na naman niya. Ang weird lang but of course, I find it sweet.

YOU ARE READING
PARENTending (Series #1)
FanfictionSi Amethyst, isang simpleng estudyante na may masugid na manliligaw. Isang manliligaw na kahit anong tanggi niya ay hindi yata marunong tumanggap ng rejection. And here's her younger sister na more than willing na matulungan siya sa problema niya. P...