Chapter Nineteen

3 0 0
                                    

AMETHYST'S POV

I silently observed Gael after what I did yesterday. Ginawa ko lang naman yun para ipakita sa kanya na ang confusing ng sitwasyon namin. Gusto kong malaman niya na hindi niya ako pwedeng itrato ng ganon kung hindi naman totoo. Gusto kong makita niya at makita ko na may boundary kami. Para hindi ako umasa at para wag siyang maging paasa.

But it seems like he's not affected. Malapad ang ngiti niyang bumungad sa bahay namin kinabukasan para ihatid kami. Mukhang hindi naman big deal sa kanya ang ginawa ko.

Edi ok.

Nakalabas na kami ng school parking lot nang matanaw ko si George na nag-aantay sa isang bench, nilingon ko si Gael sa tabi ko.

"Kahit hindi mo na ako ihatid sa room, Gael."

He looked at me. "Bakit?"

Tinuro ko si George na noon ay papalapit ay na pala sa amin at hindi nakatakas sa mata ko ang tingin niya samin ni Gael.

"Sabay na kami George." at gusto kong dumistansya ng konti

Tumango naman siya. "Sure," sagot niya pero hindi pa rin binibitawan ang kamay ko.

I sighed.

Bakit siya ganyan?

Napakunot ang noo ko. He laughed. "Sinong kasabay mong kumain?"

"Sila."

"Okay." He nodded. "Hintayin mo ko after class sa labas ng room nyo a?"

I sighed. "Okay."

He smiled. "Bye."

"Bye," paalam ko din tsaka niya lang binitawan ang kamay ko.

Pagkatalikod na pagkatalikod ni Gael, mahinang hinampas ni George ang braso ko.

"Ano yun, Amethyst? Official na ba? Nagliligawan na ba kayo?" tanong niya.

I shooked my head.

"Magkaholding hands kayo. Hatid sundo ka. Ang sweet sweet nyo sa isa't isa. Ano yun?"

I shrugged. "Hindi ko rin alam."

She seem shocked to my answer. "Hala, bakit? Napapansin ko, isang linggo na siyang ganyan sayo, hindi ka pa ba tinatanong kung pwede kang ligawan?"

"Hindi e. Wala naman siyang tinatanong o sinasabi."

"Wala PA. Baka humahanap ata ng perfect timing."

I shrugged. "Hindi ko sure. Ayokong mag-assume."

"Hindi mo kailangan mag-assume. Obvious na obvious na gusto niyo ang isa't isa. You already like him, tama? Wag mo ideny!"

"Hindi naman ako nagdedeny a," natatawa kong sagot. "I admit it, I already like him. Pero sa totoo lang medyo nalilito rin kasi ako. Hindi ko alam kung mabait lang ba siya? Sinusunod ang binilin ni dad? Ayokong mag-assume na kaya niya ginagawa yun dahil gusto niya ako. Paano pala kapag hindi naman?"

"But he keeps on holding your hand? Grabe din ang tinginan nyo?" patanong na sagot ni George.

"Pwede bang basehan yun? Paano kung ginagawa niya lang yun dahil ang alam ng lahat, girlfriend niya ako? Dahil may mga matang nakatingin samin? Paano kung palabas lang pala?"

George looked at me. "Sabi mo mabait siya? Hindi naman siguro ganon si Gael."

"I don't know kaya nga ayokong mag-assume hanggat walang sinasabi. Baka kasi mahulog ako sa taong mabait lang sakin. Mahihirapan ako."

"Then think Gael, hindi imposibleng mahulog ka sa taong yun. Ang galing magpaasa e. Ang daming moves pero walang pa lang salita," biro ni George.

I smiled.

PARENTending (Series #1)Where stories live. Discover now