CHAPTER 3

149 10 4
                                    

SUNSHINE'S PoV

Maaga akong nagising , literal na maaga , alas kuwatro nang madaling araw. Agad akong nag-online para sana patulogin ang sarili ang pero imbes na antokin ulit ay bigla akong nagising sa nakita kung status.

Pepay Santiago posted an update.

SADDEST BIRTHDAY EVER :-)

WTF!!!

Agad akong napabangon sa kama at dumeretso sa banyo para maligo.

Isusurprise ko pala sana siya kahapon shet!!

Matapos kong maligo ay agad akong nagsout nang over-all na damit at puting sapatos saka nag ayos nang kaunti. Kinuha ko din ang cellphone ko at tinawagan si Lorraine.

Damn Lorraine! Sagutin mo ang tawag ko!

Naka-ilang tawag na ako pero wala paring Lorraine na sumasagot. Tinatawagan ko pa din siya hanggang sa nakababa ako, mabuti nalang gising na ang mga katulong sa bahay.

"Manang , pakigising naman si Kuya Notnot oh" utos ko , magsasalita na sana si Manang kaya lang ay sumagot naman si Lorraine kaya sumenyas muna ako na wag muna magsalita.

"Ang aga-aga Sunny nang bubwesit ka!" Agad na sagot niya bahagya ko pang nailayo ang cellphone dahil sa sigaw niya.

"Birthday ni Pepay kahapon! Nagplano ako i surprise siya pero hindi natuloy , nakalimotan ko , tingnan mo sa timeline niya , tapos maghanda ka susundoin ka namin diyan , sa condo ko siya susurpresahin , bye" sabi ko at binaba ang tawag , tumingin naman ako sa mga katulong.

"Ma'am wala po si Notnot, nanganak yung asawa niya eh" sabi niya , napairap naman ako at nagsalita.

"Yung susi nang sasakyan?" Agad naman silang lumakad papunta sa kwarto nila Kuya NotNot, dumating naman sila agad at inabot ang susi sa akin.

May sinabi pa sila sa akin pero hindi ko na pinakinggan at lumakad na.

Nagmamadali nga diba?

Agad akong sumakay sa kotse at minaneho ito papunta sa isang sikat na cake shop. Nang makarating naman ako doon ay agad akong umorder at sinabing babalikan lang mamaya.

Lumabas ako sa shop at pinaandar ang kotse papunta sa store kung saan matatagpuan ang mga gamit para sa party , sakto namang kabubukas lang pagdating ko, umorder ako nang mga balloons na lumilipad saka confetti , bumili nadin ako nang yarn saka clip para doon isasabi ang mga pictures namin.

Nang matapos ang lahat nang iyon ay pumunta naman ako sa isang printing shop at pina-develop ang mga pictures namin. Buti nalang ako ang first costumer kaya mabilis natapos.

"Nako ma'am wala pa po kaming pang sukli" malungkot na sabi nang mang-ari nang abutan ko nang limang-daan.

"keep the change po" nakangiting sabi ko at nagmamadaling umalis , pagsakay ko nang sasakyan sakto namang tumawag si Lorraine.

"Oh?" Sagot ko at pinaandar ang kotse , nilagay ko naman ang cellphone sa harap at nagsimula nang magmaneho.

"Nasaan ka na kordapya?!"

"Papunta na , maghintay ka nga!" Sigaw ko at binaba ang tawag , nagmamaneho ako ngayon papunta sa cake shop. Habang nagmamaneho tinawagan ko naman si Pepay at agad naman nitong sinagot ang tawag ko.

"P-pepay" kunwari matamlay na tono nang boses ko.

"Hello Sunshine? May sakit ka ba?" Sagot niya sa kabilang linya , sumagot naman ako sa matamlay ulit na boses.

"O-oo eh , p-pwede moko p-puntahan m-mamayang alas 3? H-hindi kasi p-pwede ngayon k-kasi n-nasa d-doctor pa ako" sabi ko , pinilit ko talagang magmukhang may sakit.

10,718 Miles of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon