CHAPTER 27: START OF WAR 3

43 9 0
                                    

CHAPTER 27: START OF WAR. 3

PS: wala na akong time mag edit keneme kase nabubuang ang watty.

RAIN'S POV

NAPATINGIN ako sa wrist watch ko nang ipatawag ako ni Papá sa kaniyang opisina. Nagkasabay pa kami ni Jaspher papasok.

Hindi pa man ako nakapasok ay nakita ko ang dalawang maid na may dalang tray at kasunod nila ang dalawang guard.

"They didn't eat those?" Tanong ko, mukha namang nagulat ang mga maid at napatalon pa sila nang makita ako. Nagkatinginan naman sila ng gwardya.

"Y-y-yes , y-your majesty" sagot nung maid. Kumunot naman ang noo ko.

"Why are you shuttering?" tanong ko.

"I-I told them if they will not convince those girls to eat we will kill them" nauutal na nakatungo na sabi nung guard. Bumuntong hininga ako at aalis na sana papunta sa kwarto nila Sunshine pero–

"Y-young master!" biglang sabi nung maid.

"Hindi nila pwedeng malaman na nawala ang dalawa!"

"Anong gagawin natin?!"

"Sasabihin ba natin?!"

"Mahahanap natin sila! Nandito lang yun kaya wag muna!"

"Don't use your language while talking , I can't understand you!" sigaw ko.

(A/N: Kagaya ng sabi ko hehehehe tagalog lang ang pagna-narrate sa mga kilos pero hindi sila nakaka intindi ng tagalog ha?)

"S-Sorry Young Master but—"

"They are sleeping , young master" agad na putol ng gwardya. Bumuntong hininga lang ako saka bumalik sa daan at pinihit ang pintoan.

Pero hindi pa man ako nakakapasok ay may nakita akong kumikinang na bagay.

"This is Sunshine's" nakangiting pulot ko. Natatandaan kong sout niya ito. Pero bakit nandito?

Limang araw na din simula nung huling bisita ko sa kanila.

I miss her.

Bulong ko sa sarili saka binulsa ang bracelet at pumasok sa kwarto kung saan kami magme-meeting.

"Sit down" agad na sabi niya nang makapasok kami. Napatingin naman ako sa boung kwarto. Hindi lang pala kami ang nandito, pati na rin ang ibang kasamahan naming halata na galing sa byahe.

"As of now, the Bad Bloods Mafia Organization is up to something. They've been quite for hours and I know you know what was that mean"  panimula na Papá.

"They maybe planning something to us"

"Or maybe they will raise the white flag"

"With all due respect, Sir" agad na natinag ang pag-uusap sa lahat ng magsalita si Tinne. Tinne Roncatto, one of the best girl mafia in Grazid-G Mafia Organization.

"What is it , Tinne?" agad na tanong ni Papá.

"What's the point of having a war of Bad Bloods Mafia Organization? They didn't do anything , I guess" nakangising tanong niya. Kung iba pa ang nagtanong nito, baka hindi pa nagsalita 'yun basag na ang bungo. Kaso ay si Tinne, she's the Mafia Queen but still respects my Papá.

"They killed my wife!" Sigaw ni Papá, kumuyom naman ang kamao ko dahil doon.

"And so? And so if they killed your wife?" mataray na tanong ni Tinne, kami lahat ay napatingin sa kaniya, walang nagsalita at walang gustong umangal.

10,718 Miles of Love (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora