CHAPTER 66

45 5 0
                                    

SUNSHINE'S POV

3 YEARS LATER...

TATLONG TAON, tatlong taon na ang nakalipas simula nung kunin ako ni Deva ulit, oo, naikwento sa akin ni mommy ang lahat, mula sa pagkuha ni Devan hanggang sa pagpatay ni Fritzy sa kaniya,

Tatlong taon na din ang nakalipas simula nung ipadala ng mga big big bosses si Rain at Fritzy, speaking of Rain..kahit tatlong taon na ang nakalipas ay inaamin kong siya pa din, siguro ganoon talaga kapag mahal na mahal mo ang isang tao, Hindi ko pa din siya napapatawad hanggang sa ngayon, at pilit kong pinanghahawakan ang mensaheng iyon kahit na hindi ko pa alam kung siya nga ba iyon oh si Fritzy

Napag-alaman ko ding kaya pinadalan sina Rain at Fritzy sa isang misyon ay may nilabag silang batas, alam ko na ding alam na ni Fritzy ang lahat, at natutuwa akong hindi man lang siya nagalit sa amin,

Isa sa rason ni mommy kung bakit hindi niya sinabi sa akin ang lahat ng nangyari ay baka daw makasama sa pagbubuntis ko kaya  nung manganak ako, isinwalat niya lahat sa akin,

Hindi din ako nakikipag-date sa kahit na kanino, tutok ako sa sarili at pamilya ko, isa pa ay, hindi pa kami annulled ni Rain kaya kasalanan parin iyon,

"Ma'am..deretso po ba ang uwi natin sa bahay niyo?" Tanong nung driver, agad akong ngumiti at umiling

"Dumaan muna tayo kina mommy" utos ko sa kaniya, agad naman humarap sa akin si Mika,

"Grabeh, na-miss ko ang Pilipinas" bulalas niya sabay tingin sa labas,napatawa naman ako,

Galing akong New York, New York. Pumunta ako doon para asikasuhin ang business na binigay sa akin ni mommy, syempre, bilang butler ko ay sumasama siya sa akin saan man ako mag-punta..

"Parang isang linggo lang naman tayong nawala" natatawag sabi ko, sumandal naman siya sa upoan ng sasakyan saka bumuntong hininga,

"Aminin mo na kasi na hindi ang Pilipinas ang na-miss mo" natatawang panunukso ko sa kaniya, nagulat naman siyang lumingon sa akin saka namula..

"Nagkakamali po kayo..hindi ko po na-miss si Johanes, anong pakealam ko dun? Kahit wag na yun umuwi okay lang no.." depensa niya, napatawa naman ako ng malakas,

"M-may nakakatawa po ba sa sinabi ko?" Nagugulohang tanong niya, napatawa ulit ako saka ako tumahimik,

"Wala naman akong binanggit na pangalan pero sabi mo hindi mo nami-miss si Johanes" natatawang sabi ko, lalo naman siyang dahilan para mas lalo akong matawa,

"Queen naman eh..." Bulalas niya sabay tabon sa mukha niyang sobrang pula, nawalan na din kami ng oras mag-usap pa dahil niliko na nung driver ang sasakyan papasok sa mansyon nina mommy,

Agad akong lumabas sa bahay at iniutos sa mga katulong ang mga kasamabahay na ilagay sa kwarto ko ang mga dala kong gamit at ang mga pasalubong naman ay sa salas na muna, hinarap ko din ang driver,

"Kuya, umuwi ka muna sa inyo" utos ko sa kaniya, mukha naman siyang nagulat kaya lumapit ako sa kaniya at binigay ang cheque na sweldo niya,

"Sundoin mo kami dito ngayong Sabado ng hapon, dito muna ako mananatili" utos ko sa kaniya, agad naman siyang ngumiti at nag-pasalamat ng paulit-ulit sa akin,

"Maraming salamat po ma'am, makakaasa po kayo" masayang sabi niya, napangiti naman ako saka na ako pumasok sa loob ng mansyon ni mommy,

Hindi na ako nagulat nang salubongin ako ni mommy ng mahigpit na yakap,

"Welcome home,baby" bati ni mommy, yumakap din ako pabalik sa kaniya,

"Thank you mommy" nakangiting sabi ko, kumalas ako sa yakap saka ko hinarap si Mika,

10,718 Miles of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon