Taehyun | Random

9 1 0
                                    

Update din pag may time ☺️



"Tingnan mong mabuti tong piso, pag hinipan mo
mawawala. Hipan mo." sabi ng batang lalake

"huuuuh~" ihip ng batang babae

"Wow! ang galing naman Taehyun!!" bulalas ng batang babae.

'Ngayon naman, sumipol ka para bumalik yung piso" ani ng batang lalake

Sumipol naman ang batang babae at muling namangha.

"Ayan na! bumalik na yung piso... ang galing talaga. Turuan mo din ako nyan Taehyun ah?" ani ng batang babae.


---





"Jill, tara na pasok na tayo baka malate tayo sa klase."-Yeri

"Okay sige, susunod ako"-Jill

Araw-araw hindi pa din maalis sa isip ni Jill si Taehyun, kung kamusta na kaya ang kaibigan nya. 10 taon na silang hindi nagkikita.







---










"Sabi mo sumipol lang ako babalik ka, halos sumikip na yung dibdib ko sa pagsipol pero hindi ka pa din bumabalik."
bulong ni Jill sa sarili habang pinagmamasdan ang mga ulap.

So sobrang lakas ng ihip ng hangin ay hindi na namalayan ni Jill na nakaidlip na sya sa kanilang bubong.

"Jill, anak... pumasok ka na, kakain na tayo maya maya." tawag ng kanyang nanay.

Agad namang tumayo si Jill sa kanyang kinalalagyan. Napahinto si Jill nang may maaninag sya sa katabing bintana ng kanilang bahay.

"Hmmm, ba't parang may gumalaw eh wala naman tao na sa bahay nila Taehyun?" tanong nya sa sarili.










---










|1 message received|

bumungad sa kanyang cellphone.

Unregistered ang number kaya binuksan nya ito.

|Hi Jill, kamusta ka na? nakita kita kanina... halos hindi na kita makilala, lalo kang gumanda. Miss na kita sobra.
-Hyunicorn|

Nanlaki ang mga mata ni Jill at namutla sa kanyang nabasa.

'Totoo ba tong nababasa ko?'

Bumalik na si Taehyun.









---










"Ma, totoo ba tong-" natigilan ang dalaga sa kanyang kinatatayuan nang makita ang kanilang bisita.

"Jill." bati ng lalake

"Taehyun?" gulat pa ding sambit ni Jill

"Ako nga 'to, kamusta ka na?" lumapit ang binata at niyakap si Jill ng mahigpit

"Bakit ngayon lang? Ang tagal mong nawala Hyunni... miss na miss na kita."- Jill

"Alam ko, miss na miss na din kita..." - Taehyun









---













TH: sampung taon tayong hindi nagkita at nag-usap, magkwento ka naman... may boyfriend ka na ba?

J: hindi ko alam kung ano ikukwento ko sa dami ng nangyari, pero sasagutin ko muna yung tanong mo... wala pa kong boyfriend.

TH: kahit manliligaw wala?

Umiling lang si Jill. Totoo, ni minsan hindi sya nagpaligaw dahil umaasa sya na sila ang magkakatuluyan ni Taehyun.

TH: sa ganda mong yan, wala man lang nangahas? Ako naman nagka-girlfriend sa Japan. Pero wala na kami isang taon na.

J: bakit kayo naghiwalay?

TH: kasalanan ko, hindi ko alam pero pag kasama ko sya okay naman pero pag wala sya sa tabi ko, wala lang. Alam mo yun? Parang hindi ko sya namimiss, hanggang sa dumating yung point na kahit katabi ko sya, may ibang nasa isip at puso ko.

J: So hindi mo sya minahal?

Napabuntong hininga si Taehyun at tumingin lang sa kawalan.

J: hindi mo nga sya minahal.

TH: dahil may mahal akong iba!

Nagulat si Jill sa sinabi ni Taehyun, tinitigan nya ito at hindi maitatanggi na seryoso ito.

J: kung may mahal kang iba ba't mo pa sya niligawan? Nasaktan mo pa tuloy yung ex mo.

TH: pinilit kong itanggi ang nararamdaman ko kaya mas pinili ko sya. Hindi mo ko maiintindihan dahil hindi mo ko nararamdaman.

J: bakit, ako ba nararamdaman mo din?

Nagkatinginan ang dalawa ng matiim.

TH: wait, may gusto ko bang sabihin?

J: a-ano... wala, nadala lang ako ng emosyon ko.

TH: gusto kita Jill, matagal na. Nung mga bata pa lang tayo alam ko na gusto na kita. Kahit nung nasa Japan kami ikaw lang ang iniisip ko. Hindi mo lang alam kung gaano ako nananabik na makita ka, mayakap ka. Kaya nga bumalik ako.

J: sabi mo sa 'kin dati, sumipol lang ako at babalik ka... pero wala, halos maubos na ang hininga ko sa pagsipol hindi ka nagpakita. Ang labo mo naman Taehyun.

TH: Jill, sorry. Andito na ko, pwede na tayong magsimula. Alam kong gusto mo din ako, aaminin ko sayo araw araw kong inistalk ang profile mo. Nababasa ko lahat ng posts mo.

J: Hay... sige na aaminin ko na, gusto din kita. Kaya nga hindi ako nagboyfriend kasi hinihintay kita, baka sakaling may pag-asa na maging tayo.

TH: ba't di pa natin totohanin lahat yan? I love you Jill.

Nagulat si Jill nang halika sya ni Taehyun sa labi. Halik na puno ng pagmamahal.

J: I love you too Taehyun.






---

mej magulo at madaliang update
-M💙💛💙

Imagine, +omorrow x +ogether | ➕✖️➕💛💙💚Where stories live. Discover now