Yeonjun | Imagine pt. 1

3 0 0
                                    

Hello every all! Ang tagal ko ding hindi nag-update, ngayon lang ako nagkaroon ng time para magsulat medyo crappy pa hehe, anyway sana magustuhan nyo.





















"Gusto kita, Junie..." sambit ko habang hawak ang maliit na box ng cake na ginawa ko para sa lalakeng kinababaliwan ko.

"Jiyeon-ah, sorry pero hindi pwede. Sana maintindihan mo." walang kaabog-abog nyang sagot.

Tumingin lang ako sa kanya at ngumiti ng pilit. Pilit ko ding pinipigilan ang aking luha.

"Naiintindihan ko, sinubukan ko lang naman, baka sakaling may pag-asa. Pero okay lang, at least tanggapin mo na lang 'to hehe" pilit kong tawa.

Dahan-dahan nyang kinuha sa akin ang kahon.

"Sige mauna na ko, may klase pa nga pala ako." batid ko

Sinungaling!

Simula noong araw na iyon ay pinilit kong kalimutan si Yeonjun, iniwasan ko sya kahit na hindi naman dapat. Hindi ko na rin sya tinetext at chat kagaya ng dati.

Kaibigan ko si Yeonjun, pero ba't parang ang sakit sa pakiramdam ng mareject? Ako lang naman kasi yung umaasa sa kanya. Wala naman syang ginawang mali, pero nasasaktan ako.

Lumipas ang isang taon na wala kaming komunikasyon ni Yeonjun, hanggang sa isang araw ay nagtext sya sa akin.

Hi Jiyeon, remind lang kita about dun sa pinabook nating flight papuntang Japan. Tuloy ka pa ba?

-Yeonjun


Bigla naman akong natauhan dahil nakalimutan ko na ang tungkol sa flight na yun.

Naalala ko nagpabook nga pala kami ng flight dahil gusto ko magtravel kasama sya. Pinag-ipunan ko din yun.

Tuloy ka pa ba? Hindi ko alam, pero kahit ano'ng mangyayari tutuloy ako kahit hindi ko na sya makasama.

Yes, tuloy ako.

-Jiyeon

Wala man lang expression yung reply ko.

Okay good, meet na lang tayo sa airport. I'll see you then :)

-Yeonjun

Yah! Kim Jiyeon, tumigil ka sa kahibangan mo. Sabi mo okay ka na, nakamove on ka na at hindi mo na sya gusto.

Sinungaling ka.

***

Sana sipagin na po ako magsulat para naman maupdate ko tong gawa ko, ayun lang.

bye Every all!

-M💜

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 04, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Imagine, +omorrow x +ogether | ➕✖️➕💛💙💚Where stories live. Discover now