Chapter 1

16.2K 320 6
                                    

NAMUMUNGAY ang mga mata niyang gusto ng pumikit dahil sa labis na kalasingan. Hindi niya alam kung kakayanin pa ba niya ang makatayo sa labis rin na hilo na nararamdaman, inikot niya ang paningin sa kabuuan ng party gusto niyang mainis sa sarili dahil ang bilis ng tama ng alak sa kanya.

Samantalang ang ilang kasamahan niyang modelo na nasa party ay nagsasaya at nageenjoy pa sa pagsayaw sa magaslaw na tugtog.

Mababa ang tolerance niya sa alak.

"Emily baka naman matulog ka na dyan? Umayos ka." tinapik siya ni Joana sa kanyang braso. Halos yukuin na niya ang lamesa kung saan ay okupado nila.

Hindi na maganda ang pakiramdam niya, gusto na niyang umuwi at lisanin ang lugar. Hindi niya nakontrol ang sarili sa paginom na tama lang din talaga dahil problemado siyang tao ngayon.

Para sa kanya ay hindi sapat ang kinikita niya sa BMagz bilang isang modelo dahil sa dami ng gastusin. Hindi naman sila naghihirap noon kumbaga sa isang mamamayan nasa gitna sila.

Hindi mayaman hindi mahirap, ngunit ng mamatay sa isang car accident ang magulang ay siya na ang sumalo sa lahat ng gastos. Lalo pa at may kapatid siyang kailangan buhayin at pag-aralin.

Nagsalin siya muli sa basong hawak ng isang tequila. Isang taon pa lamang siya sa BMagz at wala pa siyang sapat na ipon para masabing kampante na siya sa kinikita sa pagmomodelo.

"Kailangan ko ng umuwi," wika niya. Akmang tatayo ay hindi niya nakayanang dalhin ang sarili, muli siyang napaupo.

Damn!

Thanks giving party sa BMagz at kung hindi lang kailangan na umattend ang lahat ng modelo ay hindi siya pupunta at babantayan na lamang ang kapatid niyang nasa dose anyos pa lamang ang edad.

"Hindi mo nga kayang tumayo," ani Joana pasado alasdose na ng gabi at may hula siya na mas may itatagal pa ang party ngayon.

Nag-angat siya ng mukha mula sa pagkakayuko at sinulyapan ang kaibigan.

"Hatid mo ko."

"Nako, Emily pahupain mo muna yang tama mo" wika nito na halata na hindi siya gustong ihatid.

Gustong bumaliktad ng sikmura niya sa labis na kalasingan.

"O, wag kang susuka. Ikakahiya talaga kita bukas" agap agad ni Joana sa kanya sa tangka niyang pagduwal.

Umiikot na ang paningin niya, nagiinit na rin ang mukha niya kailangan niyang pakalmahin ang sarili. Tinigil niya ang pag-inom, gusto niyang mahimasmasan ng sa ganon ay makauwi na at makapag-pahinga.

Pinilit niyang makatayo kahit hindi pa niya kaya.

"Em, naman! Ang kulit talaga, sige na nga halika ihahatid kita sa labas lang hindi pauwi," anito. Kasamahan niya ito sa BMagz isa rin itong model na lagi niyang kasama sa loob ng isang taon sa trabaho ay si Joana pa lang ang malapit sa kanya.

Maraming maarte sa BMagz at hindi siya pasok sa circle of friends ng ilan.

"Comfort r-room," aniya kay Joana na nakaalalay sa kanya sa paglalakad.

Umismid ito. "Kung bakit ba kasi ang dami mong ininom wag ka munang susuka aalalayan kita sa banyo"

Nang makadating ng comfort room ay agad siyang pumasok isa sa mga cubicle doon at dumuwal. Hindi na niya uulitin pa ang uminom ng marami, ayaw niyang pahirapan ang sarili lalo na at mahirap siyang malasing.

"Tissue please,"

"Ewan ko sayo Emily, naiirita ako sayo hindi mo naman pala kaya uminom pero ipinilit mo" si Joana may inabot sa kanya itong tissue.

✔#1 Claimed by William FontalejoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon