Chapter 10 (Last Part)

13.4K 424 47
                                    

"BOYFRIEND ka po ba ni Ate?" Pinanlakihan niya ng mata ang kapatid na si Emanuel ng tanungin nito iyon kay Liam.

Nang sulyapan naman niya ang binata ay ngumiti lamang ito at nagkibit-balikat. Nakaupo ito sa isang silya malapit sa hospital bed sa gilid at tahimik lamang na nakamasid sa kanilang magkapatid. Habang siya naman ay nasa kabilang gilid din ni Emanuel, napagigitnaan nila ito.

Tumikhim siya at nilapitan si Emanuel na nakaupo sa hospital bed. Nakasandal ang likod nito sa head board habang kumakain ng mansanas.

"W-wag ka ngang nagtatanong ng ganyan kay Sir Liam," suway niya.

"Tinatanong ko lang Ate, wala ka naman kasing dinadala sa bahay natin na boyfriend mo," wika nito at muling bumaling sa binata. "Pakakasalan mo ba ang Ate ko?"

Mas lalong nanlaki ang mata niya sa narinig. Sasawayin sana niyang muli ito ng magsalita si Liam.

"Kung papayag ang ate mo na pakasalan ako," sambit nito.

Pinamulahan siya ng mukha sa narinig, tila napugto pa ang paghinga niya dahil halos kanina pa siya naiilang at kinakabahan sa presensiya nito, wala na nga yatang ginawa ang binata kundi ang kabisahin lang ang kilos niya.

Nailipat na si Emanuel sa private room, si Liam ang nagsuhestyon sa kanya na ilipat ang kapatid sa pribadong silid ng sa ganon ay mas makapag-pahinga ng maayos ito. Gusto niyang umalma kanina dahil alam niyang malaki na ang bayarin nila sa ospital sa dalawang linggo na confine ang kapatid niya. Paano pa kaya na nasa private room na ito? Mas dodoble ang gastos niya.

Hindi na lamang siya nagsalita ng sabihin ng binata na ito na ang bahala sa lahat-bilang pagtulong. Nahihiya pa rin siya dito lalo sa nagawa niya kanina-sa pangaakit na ginawa niya sa opisina nito. Kailangan na lamang talaga niyang isantabi ang kahihiyan na iyon at lunukin ang hiya para sa kapatid niya.

Matapos lang ang lahat ay sisikapin niyang makahanap ng bagong trabaho ng sa ganon ay maka-ipon siya at mabayaran ito. Kakausapin niya ito mamaya upang sabihin na babayaran niya ito sa lahat ng magagastos nito sa pagpapagaling sa kapatid niya. Kung pahintulutan naman siya nito na makabalik pa sa Wilifs Inc., ay mas sisipagan niya ang trabaho upang makabawi sa tulong nito.

Tama nga ang kaibigan niya-si Joana. Hindi siya dapat nagiisip ng biglaan, ngayon ay nababahala siya. Dahil simula ang nangyari sa opisina ni Liam ay iba na ang tingin nito sa kanya, para siyang hinihigop base sa mga titig nito. Hindi man niya ipahalata ay kanina pa siya kinakabahan sa presensiya at titig nito sa kanya.

"Boyfriend ka nga ba ni Ate, Kuya? Ang sabi kasi niya saakin noon hindi siya magaasawa para mas mabantayan ako," muling anito.

Siya na lamang talaga ang nahihiya sa sigeng tanong ng kapatid niya. Kinuha niya ang hawak nitong mansanas na hindi nito maubos-ubos at inabutan ito ng tubig upang uminom.

"Magpahinga ka na Eman, dahil mamaya kakain ka at iinom ng gamot. Aalis ako at uuwi sandali sa bahay para kuhanan ka ng ilang damit," aniya. Tumango naman ito at umayos ng posisyon sa kama, maingat lamang ito sa kilos dahil sa likod nito.

Sa gilid ng mga mata niya'y nakikita niya si Liam na titig na titig sa kanya. Ito na nga ba ang sinasabi niya, pakiramdam niya'y pinahihirapan siya nito.

Hindi pa niya nakakalimutan ang sinabi ng binata sa kanya bago pa man nila puntahan ang kapatid niya sa ospital, ay ito nanaman. Dinagdagan lamang ng binata ang isipin niya.

Nang nasa ayos na ang pagkakahiga ni Emanuel ay nakangiti itong nakatingin sa kanya. "May mag-aalaga na sayo Ate. Kapag nawala ako may mag-aalaga na sayo."

Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi nito. "Wag kang nagsasalita ng ganyan," sambit niya. "Bakit ka naman mawawala? Hindi ka mawawala, tutulungan tayo ni Sir Liam."

✔#1 Claimed by William FontalejoDonde viven las historias. Descúbrelo ahora