Chapter 2

10.2K 280 14
                                    

UMIIYAK na naglakad si Emily palabas ng office room ng kanilang talent manager. Ang kanyang sama ng loob ay ibinuhos niya sa pag-iyak hindi na niya alam ang gagawin ngayon pa na may sakit ang kapatid niya at hindi maka-pasok sa eskwelahan.

"Emily anong nangyari?" bungad na tanong sa kanya ni Joana. Hinintay siya nitong lumabas mula sa opisina.

"T-tinanggal ako," pumiyok ang tinig niya at muling humikbi.

Saglit na natigilan ito. Inalo siya gamit ang kanang kamay upang hagurin ang likuran niya.

"B-bakit daw?"

Humihikbi siyang nagkibit-balikat. "H-hindi naman daw ako sikat sa BMagz hindi ko daw magawa ang nagagawa nila Leila, hindi daw ako pansinin kapag ako ang nasa cover ng magazine. Nilalangaw daw sa market."

Muli siyang napahagulgol ng iyak. Alam niyang walang kahit na sino ang makaka-higit sa star model ng BMagz halos kahit sa sponsor at commercials ay pinipilahan ang mga ito. Laking sampal sa kanya ang sinabi ng manager kanina. Pakiramdam niya'y ginawa lamang siyang palamuti sa nasabing trabaho at nang hindi na siya kailangan ay basta na lamang itatapon.

Humalukipkip si Joana at napailing.

"Hindi yan totoo. Bakit ako naman di rin naman ako kasali sa star model pero gusto naman nila ako. Ano pa bang sinabi sayo ng manager na aning-aning na yon? Si Mindy anong sinabi?" tanong pa nito na ang tinutukoy ay ang photogtapher nilang bading.

"H-hindi daw ako photogenic," mahinang sambit niya.

Joana tsk-ed. "Ang bobo nila limang taon kang model dito tapos sasabihin hindi ka photogenic."

Pinunansan niya ang luha na nagkalat na sa kanyang mukha.

"Hindi ako pwedeng mawala dito sa BMagz. Joana may kondisyon na kapag hindi ko nagawa ng isang linggo hindi ako makakabalik dito kailangan ko 'tong trabahong to."

Napabuga ng hangin si Joana. Giniya siya nito paupo sa isang mahabang upuan malapit sa opisina.

"Anong kondisyon naman daw?"

"Kailangan kong makahanap ng partner para sa photoshoot," aniya. Bahagyang natigil ang kanyang hikbi.

"Emily! Ang daming model dito sa BMagz mamili ka lang, ano ka bang babae ka may iyak-iyak ka pa dyan. Nandyan si Deren-hindi pwede ikakasal na sila ni Katherine, si Joaquin naman akin yon, si Greg-bawal din amazona ang asawa non baka di na magsupply ng gowns at dresses 'yon dito," wika nito na maya-maya'y naiirita siyang tiningnan. "Eh, lahat ng nabanggit kong model may mga sabit na pwera si Joaquin ako ang sinasabitan 'non."

Bahagya siyang natawa dahil sa sinabi nito. Ang nabanggit naman nitong mga model ay nasa schedule na lang kung pumunta sa BMagz dahil may sariling mga negosyo at hindi na kailangan pang mag-trabaho. Deren and Katherine owns a book store at may dalawa ng branch meron ang mga ito.

Ayon sa nabasa niya sa isang magazine patungkol sa dalawa ay hilig ni Katherine ang novel books kaya iyon ang naisipang itayo at suportado ito ng fiancè nitong si Deren. Ang nasabi naman ni Joana na si Greg ay simula pa lang noon ay bihira nila makita sa shoot dahil isa itong businessman at may asawang fashion designer at naka-kontrata sa BMagz kung hindi siya nagkakamali ay may botique na negosyo ang asawa nito.

"Emily halos lahat dito may partner at ikaw-"

"Saling pusa. Hindi mo ba napapansin, Jo? Kapag may absent na babaeng model at may photoshoot ako ang ipina-partner sa mga kapareha nila," putol niya sa sinabi ng kaibigan. Impit na muli siyang napahikbi.

Matagal naman na niyang napapansin na ganoon ang ginagawa sa kanyang treatment. Hindi lang siya talaga ang babaeng kikibo o magtatanong kahit pansin na niya bukod sa importante sa kanya ang trabaho ay mahirap rin para sa kanya ang gumawa ng eskandalo.

✔#1 Claimed by William FontalejoWhere stories live. Discover now