Chapter 3

8.8K 276 12
                                    

"PINAPAUWI na ako ni Gem." Charls told him, ibinulsa nito ang cellphone. "Uuwi na ako mamaya pare, ayokong mabato ng pinggan," he added.

He chuckled. "Under."

Tumawa si Charls at nag-unat ng dalawang braso.

"Ang hirap ng may asawa. Naninibago pa ako sa takbo ng buhay ko, iba pa rin pala kapag magkasama na kayo sa bahay. Yung araw-araw alam mong may inuuwian ka ng asawa," umiling ito. "Hindi ko akalain na mapapangasawa ko si Gem."

Sa sinabi nitong iyon ay siya naman ang napailing. Its already nine o'clock in the morning, siya man ay nakatanggap din ng ilang tawag mula sa HR Department dahil may hinihinging report umano ang pinsan niyang si Louie sa mga ito na hindi naibigay. Gusto niyang hilutin ang sentido dahil minu-minuto na lang ata ay problema sa opisina ang naririnig at nakikita niya buti na lang at wala siya ngayon doon at baka sila ng niya ang nagtalo.

Tinapik siya ni Charls sa braso. "Baka magkulong ka nanaman sa kuwarto mo mamaya. You have to stay in the party later. Birthday ni Roque hindi ka dapat mawala. He's preparing for the night to happen smoothly and perfectly you have to show yourself,"

Marahan siyang tumango. Kapwa sila nasa balcony nito upang magpahangin dahil katatapos lamang nilang mag-almusal.

Nasa batangas sila sa isang resort. Kung hindi lang birthday ngayon ng kaibigan nilang si Roque ay hindi naman siya pupunta. Silang tatlo lang ang present ngayon, wala si James at Louie dahil mas kailangan ang mga ito sa Wilifs Inc. Siya naman ay may HR Manager na maaasahan at ilang HR Assistants, kaya hindi mahirap sa kanya ang umalis-alis kung kinakailangan.

Kailangan rin niya ng pahinga paminsan-minsan. Hindi biro ang maging isang HR Director lalo na kung marami ang aplikante at empleyadong pasaway.

Hindi pa man siya nakakasagot sa sinabi ni Charls ng tumunog ang cellphone niya. Kunot ang noo na inabot niya iyon ng kuha mula sa side table.

"Yes, hello?"

"Kuya its me Leila." anang boses sa kabilang linya.

Lalong kumunot ang noo niya. "Is there something wrong?"

Kapag si Leila ang tumatawag sa kanya ay kinakabahan siya pakiramdam niya laging may kalokohan itong ginagawa at gustong magpa-kampi sa kanya.

"Do you remember Emily Rose?"

"No."

"Emily Rose Buenavista. The woman you-"

"Alright! Yes, what about her?"

"I already told you that I gave her your calling card last week. Tinawagan ka na ba niya?"

"No." aniya, napalingon siya kay Charls na tinapik siya ng mahina sa braso.

Sumenyas ito na lalabas na sa balkonahe, marahan siyang tumango at binalikan si Leila sa kabilang linya.

"Hindi pa siya tumatawag." tumikhim na pag-ulit niya.

Kahit hindi niya nakikita ngayon ang bunsong kapatid ay naimahe niya na ngumuso ito. Leila is such a sweet brat. Masakit nga lang talaga sa ulo ito dahil napaka-maldita, kahit ang magulang nila suko sa katigasan ng ulo nito.

"Tanggapin mo siya Kuya kahit wala ng interview ha! Ikaw ang HR Director."

Napa-kamot siya sa kanyang kilay. "Hindi ganon kadali Leila Agatha, I need her resume. My HR Assistants will do the rest."

"Hmm, okay." Saglit itong natahimik sa kabilang linya at muling nagsalita. "Kuya Liam can I ask you something?"

"Your already asking."

✔#1 Claimed by William FontalejoDonde viven las historias. Descúbrelo ahora