CHOCO & VANILLA

0 0 0
                                    

TYNE FARELLE

"Tyne, totoo bang kayo na nung transferee guy?"

"Tyne, anong pano na tayo?"

"Tyne, please give me another chance. Mag-date tayo kahit isang araw lang."

"Tyne, anong ibig sabihin ng My Day mo kahapon?"

Sabay-sabay nilang tanong matapos buksan ni Rallion ang room namin para mag-lunch at makalabas.

Sa dami ng mga nag-aabang sakin para sagutin ang nonsense na tanong, hindi na makalabas ang mga kaklase ko.

"Tyne! Sabihin mo na!" Sigaw pa ng isa sa labas

"Magsilayo nga kayo dyan, gusto nyong isumbong ko kayo sa Principal?!" Mainit na ulo na sigaw ni Beauty sa kanila, sya ang Mayor / President namin sa klase.

"Eh bakit ba gusto lang naman namin matanong si Tyne!" Boses ng isang babae na tila ba naiinis sakin.

Hello gurl, sino ka ba? Isa ka rin ba sa mga fan ko or naiinggit ka sakin?

"Tyne anong gagawin natin?" Nag-aalalang sabi ni Haisley

"Harapin mo sila Tyne, para matapos na to bago pa malaman ng Principal." Naiinis na sabi ni Annika

Tinignan ko si Dagen sa gilid at nakita kong nakatingin lang ito sa kawalan.

"Tell them the truth, na aksidente lang yun." Nagpapanic na sabi ni Haisley

Pumikit ako at tumayo na sa upuan para labasin sila.

"Tyne ano na?"

"Magsalita ka na!"

"Ang arte mo naman, baliw na baliw pa sayo ex ko tas magkakagusto ka lang sa transferee?!"

Huminga ako ng malalim habang nakapikit at ngumiti sa kanila.

"Aksidente lang po yun." Matipid na sabi ko

"Panong aksidente eh kinantahan ka nga!"

"Oo nga ang lande mo naman pala!"

Ay teka lang hindi ko na kinakaya ah. Teka lang.

Magsasalita na sana ako ng hawakan ni Dagen ang braso ko at umiling sa akin.

"Eto, eto yung lalaki oh!"

"Pare ano ba? Girlfriend mo ba tong idol namin?"

Humarang si Dagen sa akin at seryosong tumitig sa kanila.

Natahimik ang lahat, siguro iniintay nilang magsalita si Dagen sa kanila.

"Nagsend ako ng mga videos para maging close ko yung mga classmates ko. Kahit tanungin nyo man sila."

Nagulat na lang ako ng tumakbo si Haisley samin.

"Meron din ako, nagsend sakin si Dagen kahapon."

Pero nagsimula ulit mag-ingay ang mga estudyante.

"Ang kitid ng utak nyo!"

Sa sinabi ni Dagen, natahimik ang lahat.

"Sa tingin nyo ba, ganon kadali makukuha ng isang tulad ko ang idolo nyo?"

Napatingala ako sa mukha ni Dagen, first time kong makitang namumula ang mukha nya sa galit.

"Hindi pa rin kami naniniwala!!!" Sigaw ng isa hanggang sa dumami na naman ang sigawan.

Magsasalita na sana ako at sasagutin sila pero nagulat na lang ako ng hawakan ni Dagen ang kamay ko.

"Dagen?"

WHEN HE GLANCEDWhere stories live. Discover now