THE SHOCK

0 0 0
                                    

TYNE FARELLE

Ang bilis ng araw, akalain mo yon. Friday na naman!

Natutuwa din ako kasi nalutasan na yung gulo na nangyari ng monday, pano ba naman nakarating pala sa Principal yun.

Ayon ang sino daw ang lalapit sa akin ay bibigyan ng suspension. Haay naku, hirap maging maganda.

"Haay naku. Talo na naman tayo!" Inis na sigaw ni Annika

Oo, kakatapos lang ng P.E. namin at natalo na naman kami ng Team Wizards.

"Ok lang yan Bitch, bawi na lang tayo next time." Sabi ko sa kanya

"Hindi pwede, ang galing-galing ko sa volleyball. Kung hindi kasi mga bobo kakampi ko."

"Ouch naman. Aray!" Pabirong sabi ko kay Annika na ikinatawa nya

"Nakailan pala kayo kahapon sa quiz sa Business Math?" Malungkot na sabi nya

Nagkatinginan kami ni Annika at nagtawanan.

"Haay naku Haisley, alam na namin yang lungkot-lungkutan na yan." Biro ni Annika

"Pusta ko, naka 23 /25 ka?"

Umiling ito sa amin.

"Eh ano?" Tanong ni Annika

"Mababa lang, naka 20 / 25 lang."

Akmang sasampalin na ni Annika si Haisley pero pinigilan ko ang kamay nya.

"Bitch, huwag masyadong mainit ang ulo. Hahahah!" Sabi ko

"Mababa daw eh, ako nga naka 10 / 25 lang hayop na score yan!"

Nagulat na lang kami ng tumawa si Lucas matapos marinig ang sigaw ni Annika.

"Bakit ka tumatawang bading ka?" Inis na nilapitan ni Annika si Lucas

Omg, away to for sure.

"Mawalang-galang na pero hindi naman ikaw yung pinagtatawanan namin nila Eldrin. Hahahah!" Tawa pa nito

"Eh sino?"

"Si Kenneth kasi nadapa kanina. Hahahah!!!"

Hinawakan ko ang braso ni Annika upang ayain na syang lumayo.

"Haisley, may sulat ka na naman sa jowa mo!" Binigay ni Beauty ang letter kay Haisley

"Walang tigil talaga to." Natatawang sabi ko

Pupunitin na sana nya ang letter pero mabilis itong kinuha ni Annika at binuksan.


 
Dear Haisley Isabelle Gabriella Montecillo,

Good morning ulit, alam mo ba kanina habang naglalaro ka sa court ng school natin pinapanood kita. Kahit malayo ako proud na proud ako sayo.

Natutuwa din ako kapag ikaw na ang nakikita kong serve ng bola, ewan ko ba. Gusto ko ng magpakilala pero huwag na muna, mas magandang mapaghandaan ko bago ako maka-graduate sa school na to.

Palagi mo lang akong pasiyahin ha. Ang cute mo talaga.

Nagmamahal,
                          Mr. White


 

 

"Hindi na talaga sya titigil sakin no?" Naiinis na sabi ni Haisley

Gigil nyang pinunit ang papel at tinapon ito sa lapag.

"Alam mo Haisley, seryoso talaga sya sayo. Hahahah!" Biro ni Annika

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WHEN HE GLANCEDWhere stories live. Discover now