KABANATA V: Bisita

70 20 0
                                    

"Tao po, tao po." sigaw ng taong katok ng katok sa gate ng bahay.

Kakatapos ko lang maligo pawang galing pa ng banyo. Nakabalot ng tuwalya, nagtataka kung sinong kumakatok sa gate na pawang ang lakas-lakas.

"Tao po!"

"Sandali!" sigaw ko sabay pagbukas ng pintuan kung kaya't sa aking paglabaa ay bumungad sa akin ang presensiya ng taong matagal ko ng hinihintay.

"Bilisan mo naman, boy. Bagal-bagal, ang init dito sa labas." ani nito sabay pa ang pagpapatawa.

"Tay, ikaw pala 'yan. Hindi ka naman nagsabing pupunta ka rito. Tara pasok." sagot ko naman sabay pagbukas ng gate. "Pasensya na, galing akong banyo, kakatapos ko lang maligo. Minamadali niyo kasi ako eh." dagdag ko pa sabay pagmano.

Tatay Gabo, isa sa taong nagpalaki sa akin. Hindi ko man siya tunay na ama ngunit pawang iyon na nga. Siya na ang nag-alaga sa akin simula noong pumanaw sina mama at papa, sunod-sunod dahil sa sakit sa puso. Bunso siya sa magkakapatid nina papa.

"Magbihis ka na nga at ika'y lalamigan." sugo pa nito nang pumasok na ito sa loob ng bahay at napaupo.

"Opo tay, sandali lang." tugon ko sabay pagpasok sa kwarto.

Dose taong gulang palang ako noong nakatira na ako kina tatay, mag-isa akong anak at wala naman siyang asawa't anak, dahilan nito ang tuluyang pagkupkop niya sa akin.

"Boy, kukuha lang ako ng tubig, nauuhaw na ako." bigkas muli ni tatay.

"No probs tay, nasa ref, kunin niyo lang." sigaw ko naman nang nasa kwarto pa rin upang magbihis.

Dali-daling hinawi ang buhok, binuksan ang kwarto nang natapos na sa pagbihis. Dumiretso sa sampayan upang isampay ang basang tuwalya.

"Napadalaw ata kayo tay, anong sadya niyo?" bigkas ko nang inalalayan ito sa pag-upo.

"Bawal bang bumisita rito?" tanong nito.

"Nako tay kahit dito ka pa titira ay okay lang." sagot kong muli. "Kumain ka na ba tay? Sandali ipaghahanda kita." dagdag ko pa sabay pag-ayos ng kainan.

"Hindi pa eh." sagot nito. "Kung pwede lang dito ako titira ay ginawa ko na kaso pa'no na 'yung sakahan natin? Panay ang paglago, hindi ko naman pwedeng iwanan iyon." dagdag pa nito.

"Tay, pwede naman natin 'yung ipabantay kina Manong Erik at Aleng Dessa. Hahapuin ka pang pumunta rito ng Maynila galing Cainta." bigkas ko naman sabay paglapag ng pagkaib sa plato nito.

"Mahirap iwanan eh baka ano pang mangyari." simpleng sagot nito sabay pag-upo ko.

"Tay, may sasabihin ako." ani ko na para bang naeenganyo ito.

"Ano ba 'yan?"

"Tay, magdi-direk na ako." masayang sabi ko sa kanya.

"Talaga boy? Mabuti naman, ayan na 'yong hinihintay mo." pagsagot nito sa sabay pagngiti.

"Tapos tay baka magsh-shoot kami abroad, sa London. Ano, sama ka?" ani ko naman sabay pagtawa.

"Nako, aayaw pa ba ako? Syempre naman, Lenden na 'yan." bigkas pa nito sabay pagtawa naming dalawa.

"Tay naman, London ho hindi Lenden, 'yan na naman kayo eh." sagot ko na lamang sabay pagtawa naming muli.

Nagtagal ang kwentuhan pawang naabutan na ng oras. Tila bang nagkalaman muli ang bahay, hindi kagaya ng dati na napakatahimik.

Sa kalagitnaan ng pag-uusap, tila bang may kumatok muli sa gate na agad namang tumayo upang silipin. Lumabas ng pintuan sabay pagbungad nina Jim at Lara sa labas ng gate.

The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)Where stories live. Discover now