KABANATA XIV: Pag-oobserba

37 8 1
                                    

"...Mga mata'y minamasdan, kumikislap,
pungay nito'y nangangamba, nangungusap.
Kahit man ang sinasabi'y taliwas, ibang-iba,
Puso pa ri'y naghahangad, umaasa..."

"Direk!" sigaw ni Yaz dahilan ng pagkagulat ko.

Tumatagpi ng tula habang nagpapahinga mula sa taping. Tila bang napaigtad nang sumigaw si Yaz dahilan ng pagkagulat ko't hindi inaasahang pagmura.

"Bwisit ka Yaz! Nangugulat ka na naman." mura ko't napasigaw sa pagkagulat.

"Kasi naman Direk, napakaseryoso mo diyan sa mga sinusulat mo. Ano 'ba 'yan Direk, love letter?" bigkas muli ni Yaz. "Uy Direk, sino bang pagbibigyan mo niyan?" dagdag niya pa't tinago na lamang ang papel at bolpen na hawak-hawak.

"Ano bang sinasabi mo? D-Directives 'to sa mga talents, sinulat ko lang." pagdahilan ko't ngumisi naman ito kung kaya hindi naniniwala.

"Direk naman. Diba, nabigay mo na 'yang 'Directives' sa AD kanina?" bigkas niya't idiniin pa ako.

"I-Iba 'to. A-Alam mo Yaz, isa ka na lang. Umalis ka sa harapan ko kung ayaw mong masisante." pagdiin ko't napakunot ng noo.

"Wala namang ganyanan Direk. Ito naman oh, hindi mabiro. Pasensya na." pagmakaawa nito't tila bang natatawa ako.

"Sige na umalis ka na. Para kang bata." bigkas ko't napatawa na lamang habang reaksyon naman nito't nagulat na pawang nanlaki ang mga mata.

Napapailing na lamang para bang natatawa sa reaksyon ni Yaz. Isinilid na lamang ang tula sa bulsa. Inayos na ang sarili upang magsisimula muli ang taping.

Dali-dali nang nagsipwestuhan kung kaya't nakapagpahinga na ng mabuti. Narito muli sa isang bahay na naging set na ng mga nakaraang eksena, naghahanda, nagba-blocking na ang mga artista.

"Okay, let's continue the scenes. Observe blockings." wika ko't magsisimula na ng ilang saglit. "Direk V, paayos ng mesa, 'yung pitsel dapat nakaharap. Awkward tingnan sa screen eh. Salamat." sugo ko kay Direk V habang tinatanaw ang blockings sa screen.

"Okay Direk." tugon ni Direk V.

"Everything's on set. Mag-uusap sina Brian at Elisse. Roll Cameras. Action!" sigaw ko't nagsimula nang rumolyo ang kamera.

Eksena'y tungkol sa pagpaalam muli ni Brian, ukol sa inalok na trabaho sa London. Tila bang seryoso ang usapan kaya't kinukunan ang bawat hibla ng istorya.

"Ah... Love, may sasabihin nga pala ako." wika ni Jason nang ito'y kumukuha ng tubig sa pitsel habang si Sam naman ay abala sa lesson plan niya.

"S-Sandali lang Love ah, busy pa kasi ako eh. Mamaya pagkatapos nito." tugon ni Sam habang abalang-abala pa rin sa kanyang lesson plan.

"Tatalikod si Brian at magtataka si Elisse kung kaya tinawag niya ito." sugo ko habang tumitingin sa screen nang nasa control area.

"L-Love." pagtawag ni Sam na para bang nagtataka na umiba ang reaksyon ni Jason at lumingon naman ito.

"Yes?" sagot ni Jason.

"Ano nga pala 'yung sasabihin mo?" bigkas muli ni Sam habang napahinto ito sa kanyang ginagawa.

Eksena'y kinakailangang lumapit muli si Jason at umupo sa upuang nasa harap ni Sam. Mag-uusap muli kung anong nais sasabihin ng lalaki sa kanyang kasintahan.

"A-Ano, 'yung tungkol sana sa offer sa London. Hindi pa rin kasi ako tinitigilan ng boss namin eh." sagot nito't umupo sa upuang nasa harap niya.

"Love, pinag-usapan na natin 'to diba? Malalayo ka lang kung tatanggapin mo 'yan." wika ni Sam habang iniintinding muli ang sitwasyon.

The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)Where stories live. Discover now