KABANATA XXVIII: Nagpapakasasa

31 5 0
                                    

Muli, narito sa loob ng sasakyan. Nag-iisa na namang binabagtas ang daan pabalik ng bahay. Pagbungad na lamang ng makahel-kahel na kalangitan kung kaya ay magdadapithapon na.

Tila bang napahinto na lamang ako sa gilid ng kalsada, ninanamnam ang pagkakataong ito. Tanaw mula sa bintana ng kotse, ang kagandahan ng takipsilim. Mapapatingala ka na lang nang napag-isipang bumaba muna ng sasakyan.

Tanging ito lang ang gusto, tanging ito lang ang nagpapasaya ng buhay ko. Napabuntong-hininga sabay pamulsa ng kamay sa bulsa.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, ganoon din ang hindi inaasahang pagbugso ng matitinis na ambon. Agad na bumalik sa kotse upang hindi mabasa. Pawang kani-kanina lang ay tanaw-tanaw ang ganda ng langit ngunit tila bang ganoon din kabilis tinakpan ng mga galit na ulap.

Natulala na lamang ako nang sumagi muli ang mga linyang binitawan kanina ni Jason.

"Oo nga, dumating nga tayo pero hindi ko alam kung nasa tamang pagkakataon pa ba tayo."

Hindi lang maalis sa aking isipan, naisulat ko ba talaga ang linyang iyan? Kung kaya, akma lang sa pagdating ng matitinis na ambon na dapat ay pagkakataon ng takipsilim na magpakita ngayon.

Napailing na lamang ako, tila bang nabagabag muli nang naalala ang nakaraan dulot ng paglitaw ng mga makulimlim na ulap sa pagitan ng paglubog ng araw.

Noon ay magdadapithapon ngunit hindi saya ang nararamdaman kung kaya poot at galit lamang ang natatamasa. Binabaybay ang kahabaan ng daan na pawang mga luha ay hindi kayang tumila. Galing noon sa sana'y masayang walang hanggan ngunit ito ay tinuldukan ng pagbungad ng hindi inaasahang pagkakataon.

Pumunta noon sa madalas naming tagpuan, sa bundok na tanda ng aming pagmamahalan ngunit pawang hanggang tanda na lamang iyon kung kaya hindi na magiging parte ng aming mundo.

Galit na galit, sumisigaw na para bang namimiyok na. Hinubad ang amerikana sapagkat ang suot-suot na lamang ay ang puting polo at slacks na tila bang hindi na matanaw ang kaputian nito nang puro dugo at dumi ang nakikita rito.

Nanghihina at magugulong buhok, pawang hindi kayang pagmasdan ang sarili dahilan na rin ng mapangsumpang araw na iyon. Wala na lamang magawa nang kahit isang metrong layo noon ay hindi pinapayagang lumapit sa kanya.

Napaluhod sa lupa, nagsihalong pawis at luha ang tanging dumadaloy sa katawan ko kasabay pa ang tarantadong pagbuhos ng ulan na tila bang nakikisabay sa nararamdaman ko noon.

Hinayaan na lamang mabasa ang sarili sa ulan ganoon din ang pagbalot ng dumi sa aking suot. Walang nagawa sa sarili kung kaya pagmumura na lamang sa mundo.

Ako na lamang ay napailing sa pag-alala ng nakaraang iyon, hindi namalayang tumulo na pala ang luha galing sa mga mata ko. Napabuntong-hininga kasabay ang pagsandal sa upuan.

Siguro nga, leksyon lang 'yon ng mundo. Napagtanto, baka kailangan ko nga talagang baguhin ito kaya pinabalik si Aya ng pagkakataon upang tulungan ako.

Naalala muli ang linyang kanina pa sumasagi sa isip ko. Nasa tamang pagkakataon nga ba talaga ako? Agad kong pinawi ang natutuyo ko ng luha at tinanong ang sarili.

"Is this a sign?" bulong ko sa sarili ko.

Itinapat ang kanang kamay sa kaliwang dibdib, hinay-hinay na humupa ang lungkot na nararamdaman ko kasabay ang bahagyang pagngiti.

Pinaandar ang sasakyan, mga kamay sa manobela. Ito nga talaga ang tanda, kailangan kong hanapin muli si Aya. Humarurot na sa daan ganoon pa rin ang pagbugso ng matitinis na ambon.

Napag-isipang pumunta ng Quezon City, sa kanyang pinagta-trabahuan. Kahit man rush hour na't umaambon pa, pupuntahan pa rin ito upang makita.

Nilalabanang haba ng trapiko, hindi mapigilang pagbusina. Ganoon naman din ang inaasahang pagbuhos ng malakas na ulan.

The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon