Chapter 25

580 22 4
                                    

Nagising ako dahil sa kakaibang amoy sa kwarto ko. Nagmulat ako at nabugaran ang gwapong lalaking nakatingin sakin.


"Good morning, Ta." nakangiting sambit niya.

Tinulungan niya kong makaupo.


"Anong ginagawa mo dito? Ang aga mo naman manligaw." banggit ko sa kaniya at kinuha ang tubig na iniaabot niya sakin. "Thank you." sambit ko.


"Maaga kasi ako nagising kanina, e maluwag naman yung schedule ko kaya nagluto na ko para sayo." nakangiti niyang sabi.


"Sweet naman." nakangiti kong sabi.

Kinikilig talaga ko sa ginawa niyang to.



Sabay kami kumain at nagpaalam na rin siya nung matulungan niya kong bumaba. Naabutan naming kumakain sila mommy't-daddy. Alam pala nila na sabay na kaming kumain kaya hindi na nila kami inalok kumain.

"O pano Ta. Uuna na rin ako huh, kailangan ko na ring magprepare para sa pagpasok." paalam niya.

"Ingat ka huh." banggit ko sa kaniya.

Ngumiti siya at hinalikan ako sa ulo.

"Tatawagan kita kapag may free time ako." banggit niya at hinalikan ang pisngi ko. "Mamimiss kita."

"Hmm... Kakakita lang natin ngayon e, mamimiss mo na agad ako mamaya?" nakangiti kong tanong sa kaniya.

Ngumiti siya at kinuha ang kamay ko.

"Kung alam mo lang, Ta. Parang ayoko na ngang pumasok eh kasi mas gusto kong nandito sa tabi mo. Pero syempre may future pa kong kailangang paghandaan para satin kaya kahit labag man sa kalooban ko, kailangan ko munang kumayod ng husto ngayon." nakangiti niyang sabi at hinalikan ang mga kamay ko.

"Ikaw talaga, malapit na talaga kong maniwalang binobola mo lang ako. Ang hilig mo magpakilig eh." banggit ko sa kaniya na ikinatawa niya.

Niyakap niya ko at bumulong sa tenga ko.


"Mahal na mahal kasi talaga kita." bulong niya dahilan para yakapin ko rin siya ng mahigpit.


"Huwag ka na lang pumasok, Kennie." banggit ko.

Lumayo siya ng konti para tignan ako.

"Hindi pwede eh. Kailangan kong pumunta ng site ngayon. Babawi ako sa Day-off ko huh." aniya.

"Okay." disappointed kong sabi.

"O huwag ka ng malungkot, babawi ako, promise!" aniya.



"Sabi mo yan huh." aniko na ikinatango niya.

------------------------------

KEN'S POV

Lunch time na natapos ang meeting namin kay Boss kaya agad kong kinuha ang cellphone ko para tumawag kay Tata.

(Hello, napatawag ka?)

"Kumain ka na?" tanong ko at inilapag ang salamin ko sa table.

Napatingin ako sa pinto ng office ko nung magbukas iyon.

"Sir, lunch time na po, gusto niyo po bang sumabay kumain?" nakangiting tanong ni Chelsy, secretary ko.

"Ah, hindi... Thank you na lang Chelsy." nakangiting banggit ko at sumenyas na may kausap ako.

"Ayy, sorry po sir. May kausap po pala kayo. Sorry po." hinging paumanhin niya.

You Are My Everything (RitKen Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon