Chapter 35

555 25 12
                                    

"Ta... Ta,"

Nagmulat ako at nakita ko ang nakangiting lalaki sa tabi ko.


"Good morning, gising na." nakangiting banggit niya.

Nakangiti akong tinignan siya.

"Love you." banggit niya.

"Love you too." banggit ko.

Naramdaman ko ang unti-unting pamumuo ng tubig sa mga mata ko at hinawakan ang pisngi niya. Pero bigla na lang akong nagising.

Panaginip na naman...

"Kennie..." bulong ko at umiiyak na kinuha ang unan at niyakap iyon.


Kailan kaya ako gigising uli na siya na talaga yung nasa tabi ko? Na sya na talaga yung kasama ko?

Ilang minuto akong nag-iiyak bago ako tumayo para pumasok sa trabaho.


Limang buwan na ang nakaraan nung mangyari ang operasyon niya pero hindi pa rin siya gumigising. Nagkaroon ng komplikasyon sa operasyon niya dahilan para ma-comatose siya, at sinabi na samin ng mga doctor ang totoo... Na walang kasiguraduhan kung gigising pa siya dahil mga vital organs niya ang tinamaan ng mga bala. Himala na nga lang daw at hindi pa bumibigay ang utak niya kaya patuloy na tumitibok ang puso niya. At sa ngayon, mga machine na lang ang bumubuhay sa kaniya.

Nakulong na si Bren dahil sa ginawa niya. Sinampahan siya ng maraming kaso ni daddy para hindi na siya makalabas ng kulungan.


Sobra-sobra ang galit ni Bren kay Ken dahil ni hindi siya mababakasan ng kahit katiting na pagsisisi sa nagawa niya. Mukhang gumagamit rin siya ng ipinagbabawal na gamot kaya siya nakagawa ng ganung krimen. Masaya pa siya sa nangyari kay Ken kaya sigurado akong mabubulok siya sa kulungan kapag natapos na ang hearing sa kaniya.

Pagdating ko sa hospital ay agad akong dumiretso sa ICU (Intensive Care Unit) na kinalalagyan ni Ken. Naging routine ko na to. Na bago ako pumasok sa trabaho ay pupuntahan ko muna siya.

Hindi siya sa hospital na pinagtatrabahuhan ko dinala nung nabaril siya kaya hindi ko siya maaalagaan kahit gustuhin ko man.


"Uy, alam mo bang ang tagal mo nang tulog dyan? Kelan ka ba gigising?" tanong ko at hinawakan ang kamay niya.

Tinignan ko ang mga machines na bumubuhay sa kaniya. Ang daming nakasaksak sa katawan niya.

"Nahihirapan ka na ba?" garalgal na ang boses kong tanong at nagsisimula na namang mamuo ang mga luha sa mga mata ko. "Bigyan mo ko ng sign kapag nahihirapan ka na huh. Hintayin mo muna akong maging ready bago ka bumigay huh. Kasi hindi ko pa talaga kaya Kennie... Hindi ko kaya..." umiiyak kong sabi sa kaniya at hinalikan ang kamay niyang hawak ko. "Please, hangga't kaya mo, lumaban ka huh. Hihintayin kita Kennie kahit abutin ng ilang taon. Hihintayin kita." banggit ko at hinalikan ang noo niya. "I love you." bulong ko at umayos na ng tayo.

Haaaaay... Napaka-gwapo pa rin kahit ilang buwan nang tulog.


"Babalik ako uli mamaya pagkatapos ng shift ko." banggit ko at umalis na.



Inalis ko muna ang nangyari kay Ken sa utak ko para makapagtrabaho. Agad kong hinubad ang hospital gown na sinuot ko papasok sa ICU kanina. Part yun ng safety precautions para iwas infection sa pasyente.


Agad na kong pumasok sa trabaho nung makalabas ako ng hospital. Ilang minuto lang ang layo nito sa pinagtatrabahuhan ko kaya mabilis lang akong makakabisita uli kay Ken mamaya after shift ko.

Katatapos lang ng pagra-rounds ko sa mga pasyente nung tumunog ang cellphone ko.

Agad kong kinuha iyon sa bag at sinagot.


"Hello daddy?" sagot ko sa tawag ni daddy.



(Anak, kamusta ka?)




"Okay naman po. Bakit po kayo napatawag?" tanong ko.

(I just wanted to tell you na lumabas na ang hatol ng judge kay Bren)



"Ano po, daddy?" tanong ko.




(Nanalo tayo anak. Reclusion perpetua ang hatol sa kaniya. Habang buhay na siyang makukulong)

Napahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. Sa wakas nabigyan din ng hustisya ang nangyari kay Ken.

"Thank you daddy. Sasabihin ko po kila mommy Veron ang magandang balitang yan." banggit ko.

(Anak, ako nang bahalang magsabi sa kanila. Huwag ka ng mag-alala)

"Okay po daddy. Thank you po." aniko at pinatay na yung call.

Napa-panalangin ako sa pasasalamat sa Panginoon dahil sa balitang iyon.

Napatungo ako after ko manalangin. Yes, I am physically healthy, but I'm mentally and emotionally drained. Pinanghihinaan na rin ako ng loob dahil sa lagay ngayon ni Kennie.

Namimiss ko na sya, sobra.

-------------------------------

"Tata.." napatunghay ako nung marinig ko iyon. Boses yon ni Kennie. Sigurado akong boses ni Kennie yun.

Napatingin ako sa paligid at napabuntong-hininga. Naka-idlip pala ko. Pagtingin ko sa orasan ay 5pm na. Agad ko nang inayos ang mga gamit ko para makapunta sa hospital kung nasaan si Kennie.


Pagdating sa hospital ay agad akong dumiretso sa kinaroroonan ng ICU. Nasa malayo pa lang ako ay nakita ko nang naghi-hysterical si mommy Veron. Agad akong lumapit sa kanila.


"Mommy Veron, ano pong nangyari?" kabado kong tanong.




"Na-cardiac arrest na naman siya kanina, Ta." umiiyak niyang sabi. "Sabi nung mga doctor baka hindi na daw kayanin ng katawan niya."




Niyakap naman siya ng mahigpit ni daddy Steve.



Tinignan ko mula dun sa siwang sa glass na bintana yung ginagawa sa kaniya. Sinusubukan nilang i-revive sya.




~ Kennie, eto na ba? Eto na ba yung time?? ~


Walang humpay ang pagtulo ng mga luha ko habang pinagmamasdan ko ang ginagawa sa kaniya.

Hinawakan ko yung glass window na para bang pwede ko siyang makausap mula don.

~ Kung hindi mo na talaga kaya... Sige na... Magpahinga ka na. ~


Mula don ay narinig na namin ang kakaibang tunog sa heart rate monitor.

Tooooooot......


Lumabas ang Doctor niya at tumingin sa orasan.

"Time of death, 5:18pm."

Agad akong pumasok sa loob para tignan siya. Dinig na dinig pa rin ang tunog mula sa heart monitor. Katunayan na wala na talaga sya.

Niyakap ko siya at umiyak nang umiyak sa kaniya.

Parang biglang nagflashback lahat ng mga masasayang alaala naming dalawa.


"Kennie... Kennie..." umiiyak kong banggit. "Mukhang hinintay mo lang akong dumating para makapagpaalam ka." bulong ko at humagulgol na ng iyak habang yakap ko siya.

Sobrang sakit na parang lahat ng mga pangarap namin, bigla na namang nawala. Na kung kailan nagiging tama na lahat para samin, saka naman siya mawawala.



------------------------

A/N:

Malapit-lapit na pong matapos 😅

issa_gokou

You Are My Everything (RitKen Fanfiction)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora