Chapter 39

485 19 4
                                    

"O bro, di ka pa uuwi?" tanong ni Mond sakin nung pumasok sya dito sa office.





"Maya-maya na ng konti bro, may tinatapos lang ako." banggit ko habang nagta-type.





"O sige una na ko. Huwag ka masyado magpagabi huh, baka magalit si Tata." banggit niya na ikinangiti ko.



"Thanks bro, konti na lang naman to." banggit ko at ineedit na lang ang ginagawa ko. "Ingat ka." banggit ko.


"Sige. Ingat ka rin mamaya." banggit niya.

"Thanks bro." banggit ko na nakatingin pa rin sa laptop ko.



Narinig ko nang lumabas na siya sa pinto.


Napatingin ako sa relo ko. 15 minutes.. Patapos na rin naman ako.




After ko i-save yung ginawa ko ay shinut-down ko na ang laptop at agad na inayos yung mga gamit ko't lumabas na ng office.



Pag-uwi ko sa bahay ay agad kong napansin si Tata na nasa sala.



"Hi hon." banggit ko at hinalikan siya sa pisngi bago ipinatong muna sa sofa yung bag ko.


"O, nandyan ka na pala. Gusto mo?" tanong niya at pinakita sakin ang kinakain niya.


"Ano yan?" tanong ko. Ang weird kasi nung kulay.



"Strawberry ice cream na may ketchup at balot." banggit niya na gusto kong ikasuka.



"Hon, sigurado ka bang safe kumain ng ganyan? Ice cream, ketchup at balot? Baka sumama ang tiyan mo diyan." alalang banggit ko.



Ano ba naman tong experiment ng asawa ko?

"E nagccrave ako sa tatlong to eh. Masarap siya in fairness! Tikman mo." nakangiti niyang sabi at inilapit sa bibig ko yung kutsarang may laman nung kinakain niya.


Kulay pa lang nasusuka na ko eh.


"Hindi na hon, sayo na lang yan." banggit ko.




"Sige na, tikman mo lang. Promise masarap!" banggit niya kaya wala na kong nagawa kundi ang tikman yun.


Konti lang ang tinikman ko pero gusto ko nang isuka yung kinain ko.

Napainom ako agad sa juice niya pero naibuga ko agad yung ininom ko dahil sobrang tamis non.

"Ta, ano ba naman yang kinakain mo?" banggit ko at pinunasan ang bibig ko. "Baka magkasakit ka diyan oh. Ang weird talaga ng lasa niyan... tong juice mo sobrang tamis. Baka magkasakit ka nito, Ta." banggit ko.



"E bakit ba?! Masarap kaya to!" irap niya sakin at kinain pa rin yung mixture nung ice cream, balot at ketchup.

"Ta, nag-aalala lang naman ako sayo. Baka magkasakit ka dyan sa mga kinakain mo eh." mahinahon kong banggit sa kaniya.



"E masarap nga para sakin eh!! Ano bang problema mo ha?! Eto yung gusto kong kainin eh!" inis niyang sabi. "Bakit, por que ba tumataba na ko kaya ayaw mo na kong kumain ng mga gusto ko?!" bigla na lang siyang umiyak.


"Hon, hindi sa ganun.." banggit ko at inakbayan siya.


"Hindi mo na ko mahal kasi pinagbabawalan mo na kong kainin yung mga gusto ko. Gutom na gutom na nga ako kanina pa kahihintay sayo eh tapos pagbabawalan mo pa kong kumain nito." umiiyak pa rin niyang sabi.



You Are My Everything (RitKen Fanfiction)Where stories live. Discover now