Chapter 29

559 23 4
                                    


Magkasama kami ni Tata ngayon na nasa bahay nung biglang tumunog ang cellphone ko.


Naghuhugas na ko ng pinagkainan namin kaya sya ang sumagot nun.



"Ken, tawag sa office." banggit niya dahilan para tignan ko siya.



Inabot niya sakin ang cellphone kaya agad akong nagpunas ng kamay at kinuha iyon. Inirapan niya ko at bumalik sa kinauupuan niya kanina at nanood na uli.



Day-off ko ngayon at nakapangako na ko na babe time namin ngayon.. Meaning, lahat ng oras ko sa kaniya muna dapat dahil sa dami ng utang ko sa kaniya.


"Hello?" banggit ko at nilapitan si Tata pero bigla na lang siyang umusod sa kinauupuan niya at kinuha yung unan sa upuan. Inilagay niya iyon sa lap niya at matiim na nanood na lang.



"Okay... Pupunta ko ngayon din." banggit ko dahilan para tignan ako ng matalim ni Tata.



Pinatay ko ang call at tinignan siya.



"Ta, sorry. Emergency kasi eh." banggit ko.


"Yeah, okay. Sige na umalis ka na." sarcastic niyang sabi.


"Ta.." banggit ko at nilapitan siya pero umisod lang uli siya. "Uy, wag ka namang ganyan.. Akala ko ba naiintindihan mo ko?"



"Ken, naiintindihan kita. Sinusuportahan naman kita dyan di ba? Pero day-off mo ngayon! Nangako ka sakin na babawi ka di ba? Pati ba naman ngayon, trabaho pa rin?!" inis niyang sabi.



"Pupuntahan ko lang saglit yung site, sumama ka sakin para makita mo rin. Promise saglit lang tayo don." banggit ko.



"Hindi na. Ikaw na lang. Uuwi na lang din ako." galit niyang sabi at tumayo na.



Agad ko naman siyang niyakap patalikod.


"Ta, sorry na. Promise last na to. Hindi na ko magpapaabala uli kapag day-off ko. Sama ka na lang sakin huh. Gusto pa kitang makasama eh." paglalambing ko.



"Ewan ko sayo." inis niyang sabi.


"Ta naman eh. Huwag ka na magalit, please. Ngiti na baby ko.. Alam mo namang ayokong nagagalit ka sakin di ba?" paglalambing ko sa kaniya at ipinatong ang ulo ko sa balikat niya.


"Ken, naiintindihan kong dedicated ka sa trabaho, pero sobra na to." banggit niya.


"Kaya nga last na to eh. Promise! Last na talaga to. Lahat na ng sasabihin mo, susundin ko. Pangako! Samahan mo na ko huh. Babawi ako after natin pumunta sa site."

Bumuntong-hininga sya.

"Okay." aniya.



"Yiieeeehh...hindi ako matiis ng baby ko, hahaha. Ngingiti na yan." banggit ko na ikinasama ng tingin niya sakin.


"Maligo ka na." banggit niya.



"Sabay tayo?" pilyo kong sabi dahilan para sikuhin niya ko. "Joke lang naman baby eh. Di ka na mabiro oh. Suot kang formal dress huh, date tayo after." banggit ko at umalis na sa yakap niya.



"Formal dress e pupunta muna tayong site? Okay ka lang?" inis niyang tanong.


"May date naman tayo after eh.. Para hindi na tayo babalik." pa-cute kong sabi pero wala talagang epekto dahil naiinis talaga sya sakin. "O sige kahit normal na dress na lang huh."



You Are My Everything (RitKen Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon