Kabanata 2 - Ilang Taon Ka Na?

45.2K 3.5K 1.7K
                                    

Kabanata 2 - Ilang Taon Ka Na?


2013? Ngayon ay taong dalawang libo't labing-tatlo? Hindi ko maunawaan ang kanyang sinabi. Tumalon ako sa bangin at nahulog sa ilog nang taong isang libo't siyám na daan at apat na pu't apat, at nang umahon ako ay taong dalawang libo't labing-tatlo na? Ganoon ba ako katagal nalubog sa tubig?


"Tell me, Prank Girl Sinagtala Lualhati blah, blah, blah," pukaw niya sa akin. "Ano ang katibayan mo na nanggaling ka nga sa taong 1944?"


Napakurap ako sa kanyang katanungan. Kanina pa kasi kami nagtatalo ukol sa tunay na panahon. Sapagkat hindi pa rin naniniwala ang lalaking ito na ako'y hindi bulaan. Iniisip niya pa rin na siya'y akin lamang nililinlang.


Napangisi siya. "At sa tingin mo ay maniniwala ako sa 'yo? Ngayon lang kita nakilala. Hindi ako tanga para paniwalaan lahat ng sinabi mo dahil sinabi mo lang."


Napakapit ako nang mariin sa aking saya. "Paumanhin sa aking hiling. Subalit ako man ay hindi lubos makapaniwala na narito tayo sa dalawang libo't labing-tatlong taon kaya kung iyong mamarapatin, hihingi rin sana ako ng katibayan."


May hinugot siya sa kanyang bulsa. Hugis parihaba iyon na sakto lang sa kanyang palad at nang pindutin niya ay umilaw iyon. "Oh." Iniharap niya ito sa akin. "Tingnan mo ang date dyan!"


"Ano ang bagay na iyan?"


"It's iPhone 5s."


Kumiling ang aking ulo habang nakatitig dito. "A-ano nga ang bagay na 'yan?" Hindi ko maipagkakaila na mamangha sa bagay na hawak-hawak niya. May ilaw kasi iyon.


"It's a cell phone, for Pete's sake! Tanga naman neto!"


"Selpown?"


Umikot ang bilog ng kanyang mga mata. "Hindi mo ba nakikita yung date dyan sa screen? Look, it's fuckin' 2013! 'Yan ang katibayan ko!" Medyo gigil na naman ang ginoo.


"Kung iyong mamarapatin, maari ba na tukuyin mo sa akin kung ano ang selpown na iyan na hawak mo?"


"You know what? Umalis ka na lang pala. And please do me a favor, wag ka nang babalik dito, all right? Sinisira mo ang bakasyon ko!" Itinuro niya ang pinto palabas.


Wala akong nagawa kundi ang magpatianod kung saan niya ako pinapapunta. Hanggang sa narating namin ang malaking pinto palabas at pinalabas niya na nga ako.


"Wait!" awat niya sa akin matapos siyang may mapansin sa aking siko. "Is that blood? May sugat ka."


Kaya pala parang may hapdi akong nararamdaman sa aking braso. Pakiramdam ko rin ay napilayan ako.


"I don't care, anyway." Muli niya akong itinaboy palabas. "Get out!"


Sumilip ako bago pa siya makapagsara ng pinto. "Ginoong Hubad, sandali–"


Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil tuluyan na niyang naisara ang pinto. Bagama't namamangha ako sa kanyang tirahan, wala akong ibang pagpipilian kundi ang lisanin ito. Ang tanong lang ay kung saan ako manunuluyan. Wala akong ibang nakikita sa labas ng mababa niyang bakuran kundi mga pananim na bulaklak, patag na sementadong daan, sa tapat ay mga puno ng mangga, at bakanteng lupa.

Future With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon