Kabanata 6 - Nahuhulog

48.1K 3.6K 2.2K
                                    

Kabanata 6 - Nahuhulog


"ANO BA IYON?"


Mataas na ang sikat ng araw kaya't nagpasya na akong puntahan si Heros sa kanyang silid upang siya'y gisingin. Kasing gusot ng kanyang baro ang kanyang mukha nang pagbuksan niya ako ng pinto. Halos hindi niya maidilat ang kanyang mga mata habang ang kanyang buhok naman ay magulo. Ayon sa kanyang hitsura ay kababangon lang niya sa kanyang higaan. Gayunpaman ay hindi maitatatwa na magandang lalaki talaga siya anumang ayos at saan mang anggulo siya tingnan.


Marahan akong yumuko. "Paumanhin sa abala. Nais ko lang ipaalam sa iyo na mataas na ang sikat ng araw. Pumanaog ka na sapagkat nakapaghanda na ako ng ating agahan sa hapag-kainan." Wala sa sariling napasilip ako sa loob ng kanyang silid-tulugan.


"Tss..." Kinusot niya ang kanyang mga mata. Ang ilan sa kanyang mapilantik at mahahabang pilikmata at bahagyang natiklop. "Fine. Lalabas na ako mayamaya."


Akma niyang isasara sana ang pintuan nang awatin ko siya. "Sandali!"


"What?"


Napalunok muna ako bago nakapagsalita. "Uhm... Paumanhin sa aking kapusukan, subalit nais ko sanang pumasok sa 'yong silid-tulugan. Kung iyong hindi mamasamain, may isang pag-aari mo sana ang aking nais na hipuin upang damahin."


"What?!" Ang mga mata niyang hindi maidilat kanina ay bigla na lamang nanlaki.


"Batid kong hindi ito wastong asal ng isang dalagang Pilipina, subalit matagal ko nang nais ihiling sa 'yo ito."


Bigla niya akong dinuro. "You! Binibining mapusok, are you freakin' serious?!"


"Hindi ko maunawaan ang iyong reakson. Alam kong nakakagulat, alam kong napakalaking kapangahasan, ngunit sana ay mapagbigyan mo ako na mahipo man lang ang iyong—"


Napahinto ako sa pagsasalita nang biglang nagkulay makopa ang mukha ni Heros. Bahagya rin siyang napaatras at... napayakap sa kanyang sarili.


"Heros..."


Higit pang namula ang kanyang mukha. "Akala ko ba dalagang Filipina ka!"


"Ha?" Napakiling ang aking ulo sa pagtataka.


Sa hitsura ni Heros ay tila siya maiihi sa hindi mawaring kadahilanan.


Itinukod ko ang aking palad sa dahon ng pinto. "Heros, nauunawaan ko na hindi ka komportable sa aking hiling, batid ko rin na nakakagulat ang aking kapusukan, ngunit wala naman akong masamang hangarin. Sadyang namamangha lamang ako sa iyong higaan kung kaya't nais ko sana itong hipuin at damahin kung iyong mamarapatin."


Umawang ang mga labi niya. "Huh?!"


"Tanging ngayon lamang ako nakakita ng ganyan karangyang higaan." Bahagya pa akong sumiling sa loob ng kanyang silid. "Noong unang beses ko pa lamang nasilayan ang iyong tulugan ay nabato-balani na ako. Matinding pagtitikis ang aking ginawa upang hindi ko ito hipuin sapagkat ako'y lubhang nahihiya sa iyo."

Future With YouWhere stories live. Discover now