Chapter 8: The Awkwardest Meet-up

8 0 0
                                    

PRISTINE

<Chapter▪︎8▪︎The Awkwardest Meet-up>

Pristine, Tuesday, Class 4-1, 8:08am...

Nagpalitan na ng teachers. Nag Overtime nanaman si Tr. Honey kaya nagintay nanaman si Sir Isaac sa labas. Kaso maylalaki siyang kasama eh. Hindi ko makita yung mukha kasi nakatalikod siya. Nang mag-goodbye si Tr. Honey. Tumayo kami at nag-goodmorning kay Sir. Isaac. Yung lalaki nasa labas padin ata kasi si Sir bumalik sa pinto.

"Okay. Section 1, maybago kayong kaklase. Transferee kaya sana magtago ulit kayo nung mga ugali na yan. Pasok kana." Sabi ni Sir nung binuksan niya yung pinto. Pumasok yung lalaki. Oh. My. God! Napatunga-nga ako, siya nga talaga. Si One. T-Teka... bakit siya nandito? Diba sa TIV-University siya?

"Goodmorning." Bati niya. Tumango lang yung mga kaklase ko. Pero ako nakatitig lang. "Pakilala ka muna." Sabi ni Sir. "Goodmorning, Ako si Kestin Nicholas Taine. Sana maging maayos tayo lahat." Pagpakilala niya. "Maykakilala kaba dito, Kestin?" Nung itanong yun ni Sir, ibinaba ko yung ulo ko at pinigilan ko yung paghinga ko.

"Meron po. Si... Mckenzie po." Sabi niya. Napa-grit ako sa ngipin ko. Tinignan ako nung mga kaklase ko, lalo na sina Sherryl at Wendy. "Magkakilala ba kayo, Pristine?" Tanong ni Sir. Baka kasi asarin ako nito eh. Madami rin alam 'tong sira na to. "O-Opo." Sagot ko, napautal pa.

"Kung ganun, maging seatmate kayo." Teka! "Dominic dun ka sa tabi ni Aren." Sabi ni Sir. Agad na lumipat si Dominic at tumabi tong siraulong to. Nagcontinue yung lesson kaso unti lang ang hindi natapos kaya free time kami ng 10 minutes. Bakit pa ngayun!? Tinapik niya yung balikat ko.

"Huy~ nasasaktan ako dito. Kanina pa kita tinatapik hindi mo ako pinapansin." Sabi niya. Bakit kasi ganyan siya magsalita. Tinignan ko siya. Nakapatong yung kamay niya sa desk. Pinatong niya yung ulo niya sa kaliwang kamay niya. So unfair. "Ano ba yun~" Tanong ko, na maypa-pout. Napatawa naman siya. "Hay nako, hindi ka talaga nagbago. Wala akong maasar dun sa TIV. eh." Sabi niya.

"Please wag mo na akong asarin. Hindi ako gaya nung dati na susumbatan ka lagi. Baka umiyak ako." Sabi kong nakapout tas nakaprayer yung hands ko. Napatawa naman siya. "Hay nako, cute talaga ni Kenzie ko." Sabi niya. Lumaki yung mata ko. Sinarado ko agad bunganga niya.

"Hindi talaga mapigilan? Pristine ako dito, wag mo gamitin yan." Sabi ko na sigaw na pabulong. "Paghindi mo tinangal yang kamay mo, didilaan ko yan." Panakot niya. Agad kong tinanggal kamay ko, kadiri din 'tong sira na 'to eh. "Bat ka nga pala nagpatransfer dito? Hindi ba maganda sa TIV?" Tanong ko habang humarap sakanya. "Maganda naman. Boring eh, tas okay naman grade ko kaya mabilis lang ako nakalipat, wala rin akong record sa guidance." Sagot niya. Oo na siya na matalino. Kakainis, sana nakuha ko katalinuhan nito.

"Kamusta naman ikaw? Narinig ko kay Ate na maganda na raw records mo ah." Tanong niya sakin. Napalunok naman ako. "Opo. Naayus ko ng unti yung pagkainis ko. Hindi na ako nakikipagaway ngayun." Sagot ko. Tinignan niya ako. "Umamin ka." Sabi niya. THE HECK!? "Nagtatantrums ka parin noh?" Tanong niya. Napababa naman ulo ko, ambilis niyang makita kung nagsinungaling ako.

*ringing bell!*

Bell na. "May food ka? Or baon?" Tanong ko sakanya. "Oo, sabi ni Mama wagmuna raw ako bumili ngayun eh." Sabi niya. Lumabas kami. Tumingin ako kina Sherryl at Wendy. "Ryl! Dom!" Sigaw ko sakanilang dalawa na nasalabas na. Lumingon sila. "Sorry, sabay parin ako sainyo. Pero pwede bang kasama ko siya?" Tanong ko. "Syempre naman." Sagot ni Wendy at tumango si Sherryl.

Hinatak ko sa kamay si Ken. "Siya si Kestin at alam niyo na iyon. Niko sila ang bestfriends kong si Wendy at Sherryl. Yung isa kong bestie wala nasa iba nang school eh." Pagpakilala ko sa isa't isa. "Hello. Nick nalang tawag niyo sakin." Sabi niya. "Ahh~ so ikaw yung-" tinakpan ko yung bunganga ni Sherryl. "Kaibigan ko! Hehe~" Sabi ko. "Alam ko sasabihin mo. Ayaw kasi aminin ni Kenzie na Crush padin niya ako." Sabi niya. Napadapak naman ako sa paa niya.

Napasigaw siya, tas lumuhod para hawakan paa niya. "Aray naman eh~ sama mo talaga." Sabi niya matapos tumayo at tumalon para maging okay yung paa niya. "Ikaw ah. Porket kakatransfer ko lang. Dat alagaan mo ako eh." Sabi niya tas nilagay niya ulo niya sa balikat ko. T-Teka puso!? Magcooperate ka naman sakin!

Matapos ang ilang oras na pagasar ni Nico saken, umuwi na rin ako. Ang sake kung bahay, or so I thought...

Ipapatuloy...

The Serendipity Seatmates : The WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon