Chapter 11: The Words He Heard

4 0 0
                                    

KINGDOM...

<Chapter▪︎11▪︎The Words He Heard>

Jason, Labas ng House, 2:49pm...

Nagtaas yung naramdaman kung tensyon. Nang tumingin sakin si Wendy, agad siya parang nagtaka. Bat kasi ang amo ng mukha nitong babae na to. Nanghuminga ako ng malalim. "Pres, gusto kita." Sabi ko. Nabigla naman agad siya sa sinabi ko. Natulala kami parehas nang tanggalin ni Wendy yung kamay ko sa buhok niya.

"Wag mong gawin sakin to Jason." Sabi niya. "Ha? Bakit hindi? Gusto naman talaga kita ah?" Tanong ko. "Jason, naririnig mo ba sarili mo? Kung akala mo natutuwa ako sa mga pinagsasabi mo, hindi. Jason, pano si Ivy? Makita mo naman sarili mo. Pinaglalaruan mo lang ako, hindi, kami pala." Sabi niya. Nang umalis siya, agad din akong umuwi sa bahay.


Jason, House, 3:26pm...

Napaupo ako sa kama at tinitigan yung phone kong nagriring.

Ivy Calling...

Pinatay ko yung phone ko at humiga, ngayun nakatulala...

Pinaglalaruan mo lang ako...

Pano si Ivy?

"Hindi kita pinaglalaruan. Kaso, bakit parang nasasaktan ako pagnaririnig ko si Ivy? Bakit gusto ko si Wendy kung nadyan si Ivy? B-bakit nagkakaganito ba ako? Tama nga siya... pinaglalaruan ko lang siya. Pinaglalaruan ko nga sila." Sinabi ko sa sarili ko. Nang maramdaman kong mayluha yung pisngi ko.

"Kasi naman Jason, akala ko panaman matalino ka na. Akala ko hindi mo na sasaktan yung mga babae. Girlfriend mo si Ivy pero bakit gusto mo kay Wendy? Masaya man ako kay Ivy, pero bakit ang dami kong gusto? Bakit hindi ako makapili?" Sabi ko ng naiyak. "Mama. Papa. Anong gagawin ko? Paano na? Kailangan ko kayo ngayun pero asan kayo?" Sa pagkatulog ko, maynarinig akong boses...

"Pasensya na..." ...

Frank, Jason's Bedroom, 5:49pm...

Nang sabihin ko yun, nakita kung nakatulog na si Jason. "Pasensya na anak. Nagkukulang ka sa pansin, kaya ang dami mong gusto. Patawarin mo ako, nagkulang rin ata kami ng Mama mo sa pagbigay ng atensyon sa iyo. Nang magtrabaho ako, naiwanan na kita kasi akala ko masmabuti ikaw. Kaso, lahat ng ginawa ko ay pumalpak dahil nagkukulang ako, nagkulang ako anak...

Patawarin mo ako..." Nang makita kong matulog siya ng Mahimbing, naglakad ako palabas at agad, napaluha. "Kristie, namimiss kana ni Jason. Nasan kana?" Sabi ko at agad pumunta sa kuwarto ko at humiga habang maymabigat sa aking puso...

Ipapatuloy...

The Serendipity Seatmates : The WishWhere stories live. Discover now