Reapers 5

308 18 3
                                    

(Helena's POV)

"Napakalakas namang mag-asar ng Naya na to!"

Reklamo ni Nyx sa natutulog na si Naya na nakasiksik sa kuya niya. Maghapon siyang puro kakulitan ang ginagawa.

Tinawanan lang namin si Nyx.

"Kaysa naman aburido yan, anong gusto mo?"

Sabad ni Cielo sa kanya.

"Oo nga, takot na takot ka nga kapag HB yan!"

Natatawang sabi ni Ate Selene.

"takot na takot agad? Baka naman pwedeng takot lang ate ano?"

Tinawanan lalo namin si Nyx.

"Magkaugali lang kayo kaya ganyan ka, yun nga lang mas lamang siya!"

Sabad ko sa kanila.

"Edi lamang na kung lamang!"

Natawa kami sa maktol ni Nyx.

"Sshhh! Tama na, wag na kayong maingay, tulog na to! Maaga tong nagising kaya maagang nakatulog!"

Sita sa amin ni Eos, nakakainggit talaga sila.

"Edi kargahin mo na yan at ilipat mo sa kwarto niya! Role mo yun di ba?"

Nangaasar na hiyaw ni Nyx sa kuya niya, biglang napabangon si Naya.

"What? Fvck! My head!"

Hiyaw ni Naya, sabay angal at hawak sa ulo niya. Marahil nabigla sa pagbangon.

Halatang nagulat si Nyx, habang nanlalaki ang mga mata naming lahat sa kanya. Nako! Patay na.

"Awww!"

Angal ni Naya sabay tayo, inis na inis siyang umakyat ng hagdan, sumunod naman agad si Eos. We all look at Nyx.

"Lagot ka talaga bukas!"

Pangaasar namin sa kanya.

"Oo na! Kainis!"

She yelled then she walk out, natawa lang kami, pasaway talaga.

(Naya's POV)

Maagang kumilos ang lahat. Alam ko na ang mga klase ng tingin nila, tingin na tinatantya kung good mood or bad mood ba ako. Palagi silang ganyan.

Gaya dati, balik sa dating gawi ang iba. Umpisa na naman ng panibagong pakikibaka at pakikipaglaban sa panibagon kaaway na hindi namin alam kung saan magsisimula.

"Naya?"

Nilingon ko si Apollo, since yesterday official assistant na ang acting ng loko, siya ang magre-report sakin ng lahat ng mga pangyayari sa labas at siya ang magpapasya kung may papayagang pumasok sa office ko o wala.

"I think! You must see this!"

Apollo show a white envelope to me.

"ipinadala yan sa address ng DRU, this is the first time na may nagpadala ng sulat doon! Nung nalaman ng mga tao natin na may ganyan ay ipinadala agad nila yan kila Sky para makita mo!"

Sealed pa, at mukang sulat lang naman ang laman. Binuksan ko agad ang envelope at kinuha ang kakaibang papel na nasa loob, pero walang sulat.

"Bakit ganon? Bakit walang sulat?"

Napalingon ako kay Apollo, bigla siyang natigilan.

"Sorry na insan!"

Aksidenteng nasagi ni Apollo ang baso ng tubig na nasa mesa ko, i hurriedly stood up at nailapat ko ang papel sa tubig.

Underground Society: ReapersWhere stories live. Discover now