Reapers 14

256 15 1
                                    

(Autumn's POV)

Hindi ako makatulog, kaylangan kong aralin ang mga itinuro sa akin ni Wincess kanina kaylangan ko yung tapusin para may maipakita na agad ako sa kanila.

Kaylangan kong bilisan, hindi pwedeng babagal bagal kami.

Tinakasan ko na lang si Snow at pumunta ako sa investigating room, tulog naman na siya.

Nagpaalam narin ako sa mga bantay na tatapusin ko lang ang trabaho namin.

Pagpasok ko ay inayos ako agad ang mga kaylangan, Sabi ni Wincess si fourth ay every 4pm or 4am umaatake every fourth day after ng huling pagsugod nila.

Possible kaya na ganon din si Fifth? Pero hindi e, i mean, oo every fifth day sila kung sumugod pero hindi naman sila every 5 am or 5 pm sumusugod. Ni hindi nga namin alam ang eksaktong oras ng pagsugod nila dahil hindi pa naman kami magkakakilala nila Naya nung sinugod nila ang tatlong location na yan.

Napaisip ako, anong oras kaya? Napalingon ako sa likod ko sabay hawak sa dibdib. Kinabahan ako, akala ko kung sino na pero si Naya lang pala, natigilan ako ng ma-realize ko kung sino ang andito. Si Naya?

"W-wala akong intensyon na masama, tinatapos ko lang ang trabaho! H-hindi kasi ako makatulog, pa-pasensya ka na!"

"Did you solve it?"

Tanong niya na fierce parin ang muka, may monitors nga pala siya sa kwarto baka duon niya ako nakita.

"H-hindi pa!"

Kinakabahan kong sagot sa kanya.

"Look for the CCTV footages sa lahat ng locations na yan, andyan na yun lahat!"

Sinunod ko agad ang sinabi niya.

"Now look for the time!"

Nakita ko sa CCTV footages na every 10 pm sila sumusugod, basta pag patak ng 10 pm dumadating na sila para maghasik ng lagim.

"Now? What do you think? Why 10 pm instead of 5 pm?"

Hindi ko siya nasagot.

"Maaga pa siguro ang 5 pm para sa kanya, kaya naisip niyang mag plus 5 hours at sa oras na yun sumugod!"

May punto siya, kilala ko si Dad and besides we usually have evening transaction noon. Mas gusto niya talaga na gabi kumilos.

"tama ka, ugali nga niya yun!"

Napangisi lang siya.

"now ayusin mo yan at ikaw ang magpapaliwanag nyan bukas!"

She said.

"S-sige! Salamat!"

Hindi na siya sumagot, naging busy ako sa ginagawa ko maging siya din.

Ilang oras din ang lumipas bago ko natapos ang report, naginat pa ko pagtayo ko.

Napatingin sakin si Naya, pero pareho kaming nagulat nung tumunog ang alarm. Umilaw din ang red light.

Nataranta agad ako, ang alarm na yun ang ilaw ibig sabihin may positive na nakapasok. I look at the time, 10 pm na.

"Stay indoors!"

Naya announce habang pinanonood namin ang footage sa buong village.

Sinunod ng lahat ang sinabi ni Naya.

Kumuha ako ng earpiece at ibinigay sa kanya, sinilip ko narin ang mga bantay namin sa labas nakapasok na sila lahat at ini-lock ang mga pinto.

Naya press the button ng mga metal gates para automatic itong magsara at harangan ang mga entrance.

Nakikita ko na nagpa-panic ang mga nasa dorms.

"Magkasama kami ni Autumn dito sa investigating room, ayos lang kami! Stay indoors! Observe!"

I saw wincess na humarap din sa monitors sa kwarto nila ni Naya. Sina ate Selene na nasa hideout ay nagising din dahil connected sa kanila ang alarm dito.

They prepared for a possible battle, ate Selene video call us also.

Pero si Naya ay busy lang sa pagtutok sa monitors, marahil ay tinitingnan niya kung saan manggagaling ang mga infected at kung makakapasok ba sila dito.

I show her also the footage sa labas ng matataas na bakod ng village, napatingin siya sakin.

There we saw them, nakakalat sila don sa labas.

"Yung mga reapers dyan, wag kayong lalabas! Walang kikilos, we wont show them na nalalaman natin agad kapag may infected na malapit! Understand?"

Naya said, tama siya! Saka hindi kami pwedeng makita nila Dad.

Binantayan lang namin ang lahat, pinatay ang alarm pero naka-on parin ang ilaw na pula na nagsasabing andyan parin sila.

"From now on ganyan ang magiging buhay mo!  Mas madalas gising, mas madalas na babantayan ang sarili at ang mga kasamahan mo dahil baka makalusot sila! Baka bigla silang kumilos kapag natulog ka, na kahit gabi na hindi ka aantukin! Kasi baka mamaya pag tulog ka na saka sila dumating, baka may mawala sayo! Baka may mapahamak!"

Naya said na ikinalingon ko sa kanya.

"Alam mo bang kapanahunan pa nila lolo nagsimula ang venom x? Detective ang lolo ko non, iniwan niya ang pagiging detective niya, ang mga kaibigan niya at binitiwan ang kaso ng venom x para mailigtas lang ang nagiisa niyang babaeng apo sa kamay nila fifth! ----

Mahinang natawa si Naya pero parang napakalamig ng tunog niyon.

--- hindi ko pa yun alam non! Nalaman ko lang malaki na ko! Hanggang sa mamatay yung kambal kong kapatid, si lola, ang mga kaibigan ko, kapamilya nila, kaibigan namin, hanggang sa pumapatay kami kasi no choice na, hanggang sa maranasan namin ang hagupit ng venom x, hanggang sa halos gumapang kami para mabuhay, na halos gusto na naming mamatay sa takot, na halos araw araw para kaming nananaginip at binabangungot na gusto na lang naming magising ng paulit-ulit! ----

Hearing those make my heart shattered again.

---- hanggang sa paulit ulit na kaming sumuko pero hindi pwede kasi ayaw naming mamatay, naranasan naming umiyak na lang kasi wala kaming magawa, na kahit sumigaw kami o magmakaawa hindi na mababago ang katotohanan na parte na kami ng venom x, na hindi na yon aalis sa mga buhay namin hanggang hindi namin tinatapos! Hanggang sa kahit masakit nakasanayan na, na kahit malalim kung sumugat tatanggapin na lang kasi wala naman kaming choice kundi huminga habang kaya pa at lumaban habang may lakas pa! --

She sigh and i did it too.

--- natutuwa ako na may clue na kami kay fifth at may tutulong na sa amin pero hindi ako natutuwa na anak niya pa ang taong yun!

Sabi niya, matutuwa siya kung magpapatayan kami ng tatay ko.

---- alam mo ba na wala ng pagasa ang tatay mo? Alam mo ba na infected din siya, kaya mo ba siyang harapin?"

Tiningnan niya ko, napatingin din ako sa kanya.

"kaya mo ba siyang patayin? Kasi for sure, papatayin ka nya at ang kambal! Lahat tayo, kaya mo ba?"

Dagdag pa niya na lalong nagpakabog ng dibdib ko, papano ko nga ba gagawin yun? Kaya ko nga ba.

"Tatapusin ko siya sa ayaw at sa gusto mo, pero gusto kitang tanungin kasi baka mas gusto mong ikaw ang tumapos sa kanya!"

Hindi ko sinagot si Naya.

"Sabagay, alam ko namang mahirap! Kaya lang, wala akong pakielam sa kanya! Gusto ko siyang patayin, kahit san pa kami makarating!"

Tumayo na si Naya pagkasabi niya non, napabuntunghininga naman ako.

Kahit na sanay na ako sa ganong bagay ibang usapan na kapag sarili mong tatay ang kaylangan mong patayin, naguguluhan ako.

Pero, kaylangan kong ipaghiganti si Mom. Kaylangan kong tuparin ang pangako ko sa kanya na ako ang tatapos ng buhay ni papa na hindi niya nagawa.

Alam ko hindi maiintindihan ng kambal yon, pero alam ko din na balang araw kapag nalaman na nila ang totoo, maiintindihan din nila na kaylangan ko iyong gawin kahit masakit.

Underground Society: ReapersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon