Epilogue

602 27 12
                                    


(Selene's POV)

As Autumn pulled the tigger aiming the head of her family. The numbers of infected stop.

Tama nga ang kambal, until the end they help us and never harm us. Until the end Fifth proved that he's still a father.

The other team finish the task. Sina tito narin ang naglinis ng kalat habang nakikidalamhati ang lahat kay Autumn.

Ito ang pinaka-masakit sa lahat, yung alam mong dadating ang araw na magiging kalaban mo sila. Na isang araw ikaw mismo ang papatay sa kanila kasi wala na silang pagasa.

Alam ko na habang buhay na itong dadalhin ni Autumn katulad ni Naya noon kay Red at kay Ezra, alam kong katulad namin habang buhay niya ng dadalhin ito, alam kong habang buhay niyang dadalhin ang katotohanan na binawian ng buhay ang importanteng tao sa kanya sa sarili niyang mga kamay.



(Naya's POV)

Hindi ko rin alam kung bakit naririto ako sa libing ni fifth at ng kambal na yun, kahit kalaban sila hindi ko alam kung bakit andito ako.

Siguro dahil alam ko na ang totoo, alam ko na kaiba si fifth sa ibang tentacles, na alam kong biktima din siya at ang pamilya niya sa lahat ng ito.

------------------

Flashback

Napakalapit niya, hindi ako makagalaw, hindi ko alam ang gagawin.

Naramdaman ko na lang na may inilagay siya sa bulsa ko saka siya biglang umalis.

"Naya?"

That day na may sumulpot na lalaki sa village, hindi totoong wala siyang ginawa, may ginawa siya, may inilagay siya sa bulsa ko na naglalaman ng katotohanan.

Palihim kong pinanood ang video na laman ng Flashdrive na iyon. Doon isiniwalat ni Fifth ang lahat.

Napilitan lang siyang maging si fifth dahil sa tinurukan nila ng Venom X ang kambal, ang kambal ang unang unang na-infect sa kanila matagal na panahon na ang nakalilipas at katulad ito ng form na itinuturok sa mga tentacles.

Naniwala siyang may lunas pa ang Form na iyon kaya sinunod niya ang lahat, namatay ang asawa niya, pero ang pagpunta ng kambal sa akin ay sinadya niya, at hinayaan niya rin si Autumn na gawin ang lahat ng gusto nito.

Siya din ang dahilan kaya nakilala ko ang Reapers Lord.

Kaiba ang sitwasyon niya sa ibang tentacles, at napatunayan ko iyon dahil siya narin ang gumawa ng paraan para putulin ang pagiging fifth niya.

Nakakalungkot lang na kaylangan pa talaga nilang mamatay para matapos na ang kahibangan ng kung sino mang pasimuno ng kalokohan na ito.

End of flashback

-----------------------


Hinding hindi ko malilimutan ang pangyayaring ito, marahil ito na ang pinaka hindi ko malilimutang sagupaan namin ng baliw na maker ng venom x.

Lumabas na ako sa pinagtataguan ko ng maiwan ng magisa si Autumn sa harap ng puntod ng pamilya niya.

Pinili niya na ilibing ang pamilya niya kasama ni Mama niya. Katulad ko narin siya na nawalan ng kambal na kapatid ang kaibahan lang namin, may nanay at tatay pa ako, samantalang siya ay wala na ang lahat sa kanya.

Kaibigan na lang at si Kyverson ang natitira sa kaniya. Tinapik ko siya saka ko iniabot sa kanya ang flashdrive na ibinbigay ng ama niya sa akin.

Napatingin siya sa akin, marahil ay naaalala niya yan. Lalo siyang naiyak sa ibinigay ko.

"Umuwi ka na panoorin mo yan"

Tumalikod na agad siya pagkasabi ko nun saka siya umalis.

"Sana totoong kapayapaan na ang meron kayo"

I said saka ako umalis sa puntod nila.



(Apollo's POV)

Hanggang ngayon ay hindi parin kami makapaniwala sa nangyari, ang mga elders na ang nag-kwento sa amin saka ang reapers lord.

Marahil naisip nila na baka kapag si Naya pa ang hinintay nila ay hindi na ma-I-kwento sa amin ang lahat.

Alam kong nakapasakit nito kay Autumn, at alam kong nasaktan din si Naya dito lalo na si Tita. Nawalan na naman kami ng kambal.

So far okay na ang lahat. Walang gaanong nalagas sa amin, walang masyadong nasugatan, si Fredrick ay hindi din ganoon kalalim ang sugat na natamo ng subukan niyang pigilin ang kambal sa pagkawala sa kanya.

Pero alam kong tatatak din sa kanya ang bagay na yun katulad namin, kahit hindi siya na-infect alam naming hindi niya iyon malilimutan.

Sa ngayon ay nagsisimula na ulit ang lahat sa pagbuo ng mga nasira. Nagsisimula na muli ang lahat sa pagbuo ng mga plano.

Salamat na lang din sa pagmamahal ng isang ama, dahil doon ay naka-kuha kami ng ilang kasagutan sa mga tanong na nangangailangan ng sagot. At alam ko, sa mga susunod pang araw si sixth na ang makakaharap namin.




-----------------

Series #1

Underground Society: Gangsters

Series #2

Underground Society: Killers

Series #3

Underground Society: Hunters

Series #4

Underground Society: Assassins

Series #5

Underground Society: Reapers

Series #6

Underground Society: Mafia

Underground Society: ReapersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon