Reapers 20

453 17 23
                                    

(Naya's POV)

Binuksan ang inside gate na purong bakal at covered para maka-pwesto kami sa outside gate na hindi covered pero matibay.

From here kitang kita na agad sila, hindi na kami lalabas. Dito kami pe-pwesto para masiguro ko rin ang kaligtasan ng mga kasama ko.

Pagkabukas pa lang ng inside gate nakita na namin agad ang mga infected sa labas. Naging agresibo agad sila ng makita kami.

"fire"

I commanded ng magipon ipon sila sa gate para makasugod sa amin, pinaulanan namin sila ng bala. We targeted their heads to make sure na patay talaga sila.

"Naya? Dumadami sila, pinalilibutan nila ang buong village kung hindi sila lalapit sa gate you have no choice kundi lumabas para maubos sila"

Autumn said on the earpiece.

"Snipers disperse, palibutan ang buong village"

Utos ko sa mga snipers para kumalat sila at magkaroon ng snipers sa ibang bahagi ng village.

Ginawa agad nila ang Sinabi ko at ang ibang tauhan ay pinakalat ko na din sa paligid ng Village.

Matagal na barilan ang nangyari, we have reloaded so many times bago ideclare ni Autumn na wala nang infected na natitira.

Infecteds on our monitor will easily vanish kapag namatay na sila, kahit andito lang sila.

Ilang sandali pa kami naghintay kung may darating pa pero tumigil narin ang alarms at ang red light ay tumigil na.

Bumuo na kami ng plano para lumabas at linisin ang mga kalat.

"Snipers stand by, team? Lets go move"

Team assassins stay on the gate to guard us at kaming team gangsters ang magsisilbing back up ng mga maglilinis sa mga kalat.

Mabilisan ang kilos ng lahat pagkalabas na pagkalabas pa lang namin, ang ilan sa kanila ang naghukay at ang ilan ang bumubuhat sa mga infected para mailibing.

Hindi namin alam kung san sila nagmula, ni hindi namin alam kung sinong pamilya ang naghihintay pa sa kanila. Pero lahat sila ililibing namin, biglang paggalang parin.

Habang tumatagal ay lalo akong kinakabahan para sa kaligtasan ng mga kasama ko, pero wala pa namang binabalita si Autumn.

Malapit ng matapos, tinatabunan na lang ang mga huling inilibing, handa na kaming bumalik sa loob ng muling tumunog ang alarm at umilaw ang red light.

"Naya? Go back inside"

Autumn said, binilisan na nila lalo ang pagtapos ng ginagawa nila saka kami mabilisang bumalik sa loob.

Masukal ang daan nasa likod kami ng village, medyo malayo pa ang gate.

"Ilan sila? Nasan na sila"

Tanong ko kay Autumn habang tinatakbo na namin ang daan pabalik.

"Bilisan niyo, mabilis siya nagiisa lang siya pero mabilis siya Naya"

Na-curious agad ako sa sagot ni Autumn, magisa at mabilis? Lalo naming binilisan ang pagtakbo at mabilis kaming pumasok sa gate ng marating namin ito.

I was the last to enter pero hindi agad ako nakapasok, someone pulled me and force me to face him.

I stop the others para lapitan ako, dahil hindi din naman gumagalaw ang kaharap ko.

Nakatitig lang siya sa akin, ang mga mata niya ay parang si Kuya Red noon, parang sila First. Kung kumilos siya ay parang bihasa sa lahat ng bagay.

Marahil, he was made as their weapon. He did not do anything to me.

Tiningnan niya lang ako ang he easily left, he left like a bubble na parang sa isang kisap lang ng mata nangyari.

Nagulat na lang ako ng hilahin na ako ng mga kasama ko papasok sa loob at isinara na ang gate.

"May ginawa ba siya sayo? Naya? Tell me"

Napalingon ako kay Eos when he yelled. Niyakap niya agad ako, he didnt do anything alam kong nakita nila yon.

"Does something hurt? Naya? Where? Dont cry, stop"

Natatarantang sabi ni Eos saka ko lang naramdaman ang luha ko, napatingin ako sa mga kasama ko, they are very worried.

Pero hindi ko na napigilan ang iyak ko, ang luhang hindi ko na namalayan kung papaano tumulo ay nauwi sa mga hikbi.

Ang lalaking iyon, para siyang sina Kuya Red, sina Sam para siyang normal parin kahit na infected na siya.

Ang ginawa niya ang muling nagpaalala sa akin sa mga kasamahan namin, mga kasamahan naming hinding hindi ko makakalimutan.



(Apollo's POV)

"Wala po siyang ginawa kay Naya tito talagang tinitigan niya lang po si Naya kitang kita namin"

Sagot ni Eos. The last infected na dumalaw sa kanila ang pinaka-nakakatakot at nakakabahala para sa amin.

They describe him na parang sila first as in mukang normal na normal. But Autumn said he's not her father nor someone related to her.

Hindi namin alam kung sino siya, walang nakakaalam. Ang alam lang namin, he is infected with the highest form of Venom x and he's the most dangerous na tulad nila fifth.

Ni hindi nga daw nila nakita na gumalaw ang bibig nito, basta hinablot lang nito si Naya, hinawakan sa magkabilang balikat at tinitigan mata sa mata.

Naya cried in an unknown reason, hindi namin alam kung bakit at hindi rin namalayan ni Naya na umiiyak na siya.

"Gusto ko pong makausap si Naya kaylangan niya po ako"

I said saka ako umalis sa gitna ng meeting namin. Dumaan ako sa secret passage ni Naya diretso sa kwarto niya.

Hindi na ko magtataka na hindi nag-react ang mga andito sa village kung bakit andito ako, alam nila na umalis ako sa gitna ng meeting.

Pumasok agad ako sa kwarto ni Naya pagdating ko sa village, tahimik lang siyang nakaupo sa kama niya.

"Is is the connection?"

Tanong ko pagpasok ko, napatingin lang siya sa akin.

"Apollo? Pakiramdam ko may connection sila sa akin, pakiramdam ko something inside me knew them, yung parang pareho kami ng nararamdaman, parang magkakilala kami"

Naya said. Kitang kita sa kanya na litong lito siya.

"Hindi ito dahil sa may parte ang kambal sa venom x, alam ko nararamdaman ko may iba pa, pero kung hindi iyon ano pa? Ano pang dahilan para maramdaman ko ito?"

Si Naya lang ang nakakaramdam nyan sa amin, kami ni Nyx na pure antidote carrier din hindi naman kami ganoon sa kanila.

Isang palaisipan parin sa akin ang pagpapasunod ni Naya sa mga infected, it seems unreal pero alam namin pareho na nangyari talaga yon.

Ngayon may panibago na naman kaming nakita na hindi namin alam kung ano ba. Panibagong tanong na naman iyon sa amin.

"May sinabi ba siya sayo?"

Tanong ko sa kanya na ikinatingin niyang muli sa akin.

"Pakiramdam ko sinasabi niya na tulungan ko siya, sinasabi niyang i should be careful, he care for me, nalilito ako dahil don"

She answered, hindi din namin alam kung kalaban ba siya o kaaway. Bigla siyang nawala sa mga mata ni Ate Selene kahit nila Autumn.

Nawala siyang parang bula, hindi na namin alam kung saan siya hahanapin. Naniniwala na kami na katulad ng kila fifth ang venom x na ginamit sa kanya.

Dahil kahit sila fifth hindi sila nate-trace ng mga tracker namin.

Underground Society: ReapersWhere stories live. Discover now