CHAPTER 2
PARTNERS
Tahimik na kami sa loob ng trycicle at kagaya ng dati sya nag bayad ng pamasahe ko at hinayaan nya akong makapasok muna sa bahay bago sya umalis. I didn't say thank you again to him.
Pumasok na lang ako sa bahay, ang tahimik ng bahay namin nakakalungkot lang na yung ibang pamilya na malaki ay ang liit ng tirahan samantalang kami? eto dalawa lang halos hindi pa magkita.
But even my mom was always not here I still love her because at least she stays with me.
"Mukhang lagi ka ng gabi umuuwi ah, at si Ashleigh ba yun? yung anak ni Don Richard?" si manag na sumilip pa sa may pintuan.
"Opo nana" sabi ko.
"Nanliligaw ba yun sayo hija?" tanong nya.
"Hindi nana hinatid nya lang ako kasi daw gabi na"
"Napaka buting bata hay, dapat pinapasok mo muna" aniya pa. "Oh kumain kana!" aniya.
Gutom na ako kaya hindi ko na din tinanggihan pa ang alok ni nana na kumain na ako.
"Nana sabayan nyo na ako" sabi ko at tumango naman sya at mukhang alam nya na kung bakit ako ganon.
"Mukhang pagod na pagod ka hija ha"
"Madami na po kasi kaagad pinapagawa" sagot ko at saka sumubo.
"Gusto mo ba talaga maging abogado hija?"
"Yun po ang gusto ni mama" sagot ko.
"Pero hindi yun ang gusto mo, maiintindihan ka naman ng mama mo pag sinabi mong gusto mong maging architect"
"Hilig ko lang naman po mag disenyo ng mga bahay pero ayos na po ako sa law" sagot ko.
"Ipangako mo nga sa akin hija na pag nakapag tapos kang mag law ay mag aarchitekto ka" ani nana, si nana ang naging yaya ko since bata pa lang ako.
"Pangako nana" sabi ko at tumawa para matigil na sya.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng pumasok si mama na namumutla.
"Ma are you okay?" I asked. "Namumutla ka"
"I'm okay hija, mag papahinga na ako" aniya at tumaas na.
"Dadalhan ko na lang ng pagkain ang mama mo, kumain ka lang jan" si nana na tumayo na para kumuha ng pagkain.
Hindi ko na natapos ang pagkain ko kaya umakyat na ako, sinilip ko si mama at tulog na sya. Nasa side table ang pagkain na dinala ni nana na kalahati lang ang nabawas.
Pumasok na ako sa kwarto ko, I need to graduate masyado ng nasstress si mama sa pag tatrabaho.
Nag aral ako hanggang alas tres ng umaga, alas otso naman ang pasok ko may apat na oras pa akong tulog.
Nang matapos ay natulog na ako pagod na pagod ang mata at katawan ko pati na rin ang utak ko. At dahil doon hindi na rin ako nahirapan pang makatulog.
Kinatok ako ni nana kaya naman bumangon na ako kahit gusto ko pang matulog, ansakit ng ulo ko pero hindi ko na lang yun pinansin. Naligo at kumain ng breakfast, maaga daw umalis si mama kaya mag cocommute ako.
Buti na lang at paglabas ko ng gate ay may trycicle kaagad, maya maya ay nakarating na ako sa school, nag bayad na ako doon sa manong at saka ako pumasok.
Sakto lang pag pasok ko dahil maya maya ay saka dumating ang prof namin.
"Junior you will be having a collaboration with the seniors" paninimula ng adviser na prof namin. "You will be partners with the 3rd year, so please fall in line and we'll go to social hall" nag sitayuan na ang mga kaklase ko.
BINABASA MO ANG
Unconditional Love (San Leona, Biliran #1)
RomanceWhen Zyra Izabeaux Gaffny Roces learn how to love everything fucked up. When things was going on her way there's always a problem. She always believe that love will be our greatest downfall, and she's right. It actually is. She lost her self, she d...