033

116 9 3
                                    


Daedunsan Mountain.
(Jihyo's)

Saktong 5:30am kami nakarating dito sa paghi-hikingan namin, at walang nalate sakanila dahil mga takot sa pagdelete ko ng account nila sa netflix


"Good morning everyone, sana naman naintindihan niyo yung task n'yo for today. Magva-vlog kayo habang na akyat, iuupload n'yo yan sa youtube and make sure your partners will go with you sa pag akyat doon sa hagdan, makikita n'yo yun pag nandoon na kayo." Pagpapaliwanag ni prof samin, inayos ko na yung bag ko at inihanda ang sarili para sa pag akyat


"At maraming daan papunta doon kaya maghiwa-hiwalay na kayo" tinuro niya samin yung mga daan, saktong sakto sa amin. We prayed first before we go, pagkatapos non ay naghiwalay na kaming lahat

"Did you bring your camera?" Tanong sakin ni Namjoon habang nagsisimula na kaming umakyat

"Yes, dala ko rin yung tripod. Incase hehe" sabi ko at kinuha sa bag ang tripod "Shall we start?" Binuksan niya yung camera niya at inilagay ang tripod doon


"Ikaw na bahala mag-intro," binigay niya sakin yung camera niya, shy type pa naman ako

"Uhm hi guys! welcome to our vlog! i'm with..." tinapat ko sakaniya yung camera "Namjoon! Andito kami sa Daedunsan Mountain and i hope hindi matakot yung kasama ko, dahil andito naman ako" ngumiti siya sakin, pafall ka

"At 'yon nga po pafall—este sana hindi po ako matakot dahil depende sa mood ko yung takot ko hahaha!" pagtapos 'ko sabihin 'yon ay humakbang ako sa malaking bato,


"Aahh!!" kung siniswerte nga naman!

"Be careful." Hinawakan ako sa bewang ni Namjoon at itinayo ng maayos "S-Sorry" omg yung camera!


"Nasa kamay ko" sagot ng katabi ko, ha? Paano nangyari 'yon? Eh hawak ko yung camera bago ako madulas!

"Naka-alalay lang ako sa'yo kaya nahawakan ko agad yung camera" pagpapaliwanag niya, habang ako nakatingin lang sakaniya. Hindi ako makapag salita!

"Jihyo?" bumalik ako sa katinuan nung hinawakan niya yung balikat ko "B-Bakit? Okay lang ako!" Wrong move Jihyo!

"Ah okay, tara na" pina-una niya akong umakyat dahil baka madulas na naman ako, nakakahiya!

(Mina's)

"Ano pa hinihintay mo? Pasko?" He said, grabe pogi na sana 'e napaka hangin nga lang

"Pwede rin naman, gusto mo?" sagot ko sakaniya, syempre pangit naman kung hindi ko siya sasagutin diba? I mean kakausapin

"Sungit, kung hindi ka lang maganda 'e" sinabi niya 'yon ng pabulong "Huh?" Nakita 'ko nataranta siya sa sinabi ko kaya napangiti ako at nauna na maglakad sakaniya

"H-Hoy po wait mo ko!" Sabi niya at hinabol ako,

"Cellphone ko lang ang dala 'ko, okay lang ba?" sabi ko dahil naiwan ko yung camera ko sa dorm, naalala ko nalang nung nasa bus na kami.

"Okay lang, dalawang camera naman dala ko. Kaya tara magsimula na tayo" wow sana all maraming camera

Kanina niya pa pala hawak ang camera niya, halatang prepared siya sa araw na 'to dahil kumpleto siya sa kagamitan "Nauuhaw ka ba? May tubig ako dito." Bigla niyang tanong sakin

"Hindi naman, bakit?" Mukha ba 'kong dry? Kaya tinanong niya agad kung nauuhaw ako? omg hindi kaya—

Agad 'kong kinuha yung small mirror ko sa bag at tinignan ang sarili, hindi naman ah!

"Share ko lang naman na may tubig ako" what? 'yon lang pala! parang gusto ko magsalita ng masasamang,,,,words

"Hello goiz! It's me your campus handsome! Alam ko naman pogi ako kaya wag n'yo na i-pause ang video na 'to para iscreenshot ang mukha ko hehe" parang nabilaukan ako sa huli niyang sinabi

"Asan nga ba kami? Hindi ko rin alam e! Hahahaha charot lang. Si boss Mina ang makakapagsabi kung nasaan nga ba kami" bigla niya binigay sa akin ang camera

"Ah—we're currently here at Daedunsan Mountain and as you can see i'm freezing to death....char hindi naman po malamig saktuhan lang" sabi ko at patuloy pa rin sa pag akyat, hindi naman kami mahirapan dahil mapatag ang napili namin na way para makapunta doon sa sinasabi ng prof namin

"Alam n'yo guys, try to convince Mina" singit ni Jin sa camera "For what?"

"Na payagan ako manligaw sakaniya" natapilok ako sa sinabi niya, kaya napahawak ako sa braso niya

"Charot lang din! Ayan natapilok ka ka tuloy!" concern niyang sabi sakin, kasalanan niya naman eh! "Ikaw kasi parang tanga!" tumawa siya at pinatay muna ang camera

"Patingin nga ng paa mo, baka nainjured ka na diyan ng hindi ko alam" aangal sana ako pero pina upo niya ako sa malapit na bench doon, nang kinuha niya yung paa ko

"Ouch!" Paano ba naman inikot niya bigla kaya syempre nasaktan ako, "Tignan mo, ouch ka tuloy." what? nasisisi pa 'ko?

"Kung ano-ano kasi pinagsasabi mo Jin! wala manlang preno?" reklamo ko sakaniya habang hinihilot niya yung paa ko

"Bakit sasakyan ba 'ko para pumreno? Hindi naman ah." namimilosopo pa siya, hmp kung hindi lang kailangan 'to.

Uhm wala lang.

"Tara na nga bago pa kita itulak" sabi ko at biglang tumayo, nakaramdam agad ako ng sakit kaya bigla akong nahulog

sa kanya?

ay hindi, sa dibdib niya kasi!

Nagkatitigan kaming dalawa habang ganito ang pwesto namin, hawak niya yung katawan ko samantalang ako yung dalawang kamay ko nasa dibdib niya.

"G-Gusto mo ipasan kita?" Bigla niyang tanong sa akin "Ha? h-hindi na" umayos agad ako ng tayo at walang sabi na naglakad para iwanan siya

Ano ba 'tong nararamdaman ko?


———
> ang konti lang moments ni jihyo & namjoon kasi feel ko hindi na sila bagay sa pbb teens hakshahdhs char skl yung daedunsan mountain sa korea talaga yan and yung mga 'way' papunta doon mema 'ko lang hehe skl enjoy readingggg

Our Last DanceWhere stories live. Discover now