036

104 8 1
                                    

Daedunsan Mountain.
(J-hope's)

Kanina pa kami naglalakad at kanina pa rin kain ng kain si Momo, grabe isipin n'yo hindi man lang s'ya nagkakaroon ng fats? Paano? Saan napupunta yung mga kinakain n'ya?

"Syempre sa tyan ko.." biglang sagot ni Momo na ikinagulat ko dahil sa isip ko lang naman sinabi 'yon

"H-Huh? Paano mo nalaman?" tanong ko agad dahil mamaya alien na pala kasama ko, joke!

"Tingin mo pa lang sakin, alam ko na umiikot sa ulo mo. Alam mo kung ano?" Umiikot? Ano?


"Ano naman 'yon?"


"Yan mga lamok oh! Ang dami-dami hindi mo patayin, kaloka ka rin!" Takte! Lamok lang pala akala ko kung ano umiikot sa utak ko

"Baka gusto mo? Parang pagod na pagod ka na sa nilakad natin 'e" Ha? Hakdog! Pagod na pagod? Syempre sino ba hindi mapapagod sa layo ng nilakad namin tapos s'ya chill lang!


Sa huli, kinuha ko yung inaalok n'ya na tinapay at kinain 'yon. Tatanggihan ko sana nung una dahil nakakahiya, may hiya pa naman ako. Hindi tulad ng mga kaibigan ko wala sa dictionary nila ang 'hiya'

"Alam mo siguro kaya 'to ginawang mountain baka siguro mahilig yung may ari ne'to sa mountain dew? Yung iniinom" Tumawa ako ng malakas dahil sa sinabi n'ya. Nag echo pa nga.


"Ano? Seryoso ka ba Momo? Pinagawa?—" tumawa ulit ako at siya seryoso. Grabe seryoso nga siya! Hindi ako makapaniwala


"Magtatanong kaya ako kung hindi ko alam ha? Nagtataka lang naman ako tsaka malay mo ayon nga ang dahilan kung bakit n'ya pinagawa 'to" natawa na naman ako sa sinabi n'ya. Hindi ko alam kung nagjojoke ba s'ya pero

"Kumain ka na lang siguro ng marami d'yan, Moms!" Nagulat s'ya sa tinawag ko sakaniya. Cutie.


"Moms? Ha? Nanay mo na 'ko ngayon?" Alam n'yo ang ganda sana ni Momo eh, ang slow nga lang


"Wala wala, tara vlog nalang tayo" binuksan ko yung camera ko at inistart


"Hello po sainyo! Andito kami sa Daedunsan! Yeheeey! Sana nga nakakatuwa 'no? Char!" Sabi ko at binigay ko kay Momo yung camera, halatang hindi n'ya alam yung gagawin.


"Ah eh, naglakakad palang kami papunta doon. Paubos na yung snacks na dala ko huhu!" Nagsad face pa s'ya, grabe ang cute sarap iuwi


"Kaya guys pag napanood n'yo na 'tong vlog namin, send snacks hahaha!" Tumawa s'ya sa sinabi ko at nagpatuloy nalang kami maglakad.


(Nayeon's)

"Ganto nalang kasi Chaeyoungie, yan camera mo sa side view natin tapos eto camera ko naman nasa front naman natin syempre!" Pagpapaliwanag ko sakaniya dahil nakikipagtalo pa siya sakin na kung anong camera ang gagamitin namin


"Oo na basta ikaw na bahala mag edit ng vlog na 'to" sabi niya sakin, syempre ako na mageedit dahil baka puro strawberry ilagay niya sa vlog namin

"So bagong video, bagong kaartehan na naman ang makikita n'yo sa vlog na 'to—char! this is educational vlog, ayan ah pa special mention pa" pagsisimula ko sa vlog namin at nagsimula na rin kami maglakad papunta doon sa vertical stairs na sinasabi ni prof

"Sa buong video na mapapanood n'yo, kapag may nasabing hindi maganda sa pandinig si Nayeon. Patawag n'yo nalang siya sa Principal's Office" nung narinig ko 'yon agad 'kong pinitik ang ilong ni Chaeyoung

"Aray naman! Nagsasabi lang naman ako, para advance diba"

"Mama mo advance! Takte ka" agad akong napatakip ng bibig dahil sa sinabi ko "Ayan ha, narinig n'yo naman. Kaya mga bata wag n'yo gagayahin si ate Nayeon ha" Singit agad ni Chaeyoung sa camera ko


"Hay nako! Magpicture ka mag isa mo" iniwanan ko s'ya doon at hinabol n'ya rin naman ako, pag picture talaga ang usapan, magaling si Chaeyoung dito


"Charot lang! Napaka damdamin mo naman. Ay nga pala guys kita n'yo naman kung nasan kami, nasa mga bundok lang namans"


"Magbubuwis lang kami ng buhay sa pag akyat doon sa vertical stairs! Joke—buti nalang po hindi kami takot sa heights ni Chae at may magandang dulot din 'to sa mga couples hihi!" Sabi ko.


"Alam 'kong nasa bundok tayo pero mga couples natin d'yan, huwag n'yo muna kaming gawin ninang ha! Wala pa 'kong balak magbigay ng regalo sa pasko!" Sabi naman agad ni Chae, oo nga naman. Mayaman naman ako pero hindi pa 'ko handa!


Habang naglalakad kami ni Chae, nakaisip kami ng kalokohan. "Para hindi naman masyadong boring 'tong vlog namin, gagawin namin ang Make A Prediction to our school couples! Ayan alam 'kong naexcite kayo sa gagawin namin" Panigurado yari kami ne'to kapag napanood na nila 'to. Sa mga boys wala kaming problema, kay Mommy Jihyo and friends lang kami yari.


"So unahin na natin ang Jeongmin Couple! Grabe ang sikat na couple na 'yan 'no. Grabe rin Chaeyoung magsalita ka naman" sabi ko sakaniya, dahil kanina pa 'ko nagsasalita


"Ay oo nga pala, ang predicion ko lang sakanila is, magiging sila syempre tapos bago mangyari 'yon ay magkakaroon muna ng himala—"


"Gaga ka! Walang himala!"

"Ano ba! Epal ka naman! Guys wag kayo maniwala sakaniya kasi prediction ko 'to. At yun nga! mamgyayari muna ang himala bago maging sila at worth it 'yon para sa ating Jeongmin supporter!" Himala amporkchop!

"Sunod naman ang ang TaeTzu! Oh diba parang tae lang—joke lang mahal ko 'tong dalawa na 'to" paninimula ko, mukhang maganda ang magiging prediction ko dito sa dalawa.

"Ang prediction ko naman sakanila ay, may magandang dulot ang camping na 'to. Excited na ba kayo hmm, ako rin hahahaha! Pero seryoso ako, mas seryoso pa 'ko sa jowa mo ngayon—joke ulit"

"Umayos ka nga Nabong!" Nasermunan tuloy ako ni Mam Liit,

"Eto na nga! Hindi ka naman mabiro. Basta guys abangan n'yo nalang sa susunod na kabanata! Matutuwa kayo sa mangyayari sakanila..." sabi ko at nakikita na ang vertical stairs

"Dahil malapit na kami, sa susunod nalang yung pa program namin ni Chae! Alam ko nabitin kayo dahil ako rin, pero hindi pa don nagtatapos. H'wag kayo mag alala mahal tayo ni Lord! Amen naman kayo d'yan!" Ang bait ko talaga, isipin n'yo ulit ang ganda ko na nga, ang bait pa! Saan ka pa diba?

"Tama na mag imahinasyon Nabong! Hindi bagay sayo, tapos ang tagal mo pa maglakad! Iwanan na nga kita." Aba attitude, iniwan ba naman ako? Lahat nalang iniiwan ako ah.

———-
>> last narration :(( dahil as long as possible po iiwasan ko mag narrate kasi nakakatamad—-de chour! Pero ayun nga hehe enjoy readinggg!! watch n'yo '2gether Series' must watch hihi if u like watching bl drama lang naman hehe

Our Last DanceWhere stories live. Discover now