035

101 8 2
                                    


Vertical Stairs, Daedunsan Mountain.
(Sana's)

"May fear of heights ka ba?" Tanong sakin ni Jungkook habang nakatingin kami sa hagdan pataas, shet paakyat na ba kami sa langit?

"Wala naman, tara akyat na tayo baka hinihintay na tayo ni Lord sa taas" asar ko sakaniya, mukhang natakot naman siya sa sinabi ko

"Joke lang! eto naman kabado agad" sabi ko at nauna ng umakyat

"I-vlog mo likod ko ah, talikodgenic pa naman ako" utos ko at agad niya naman sinunod. Buti nalang eto partner ko

"Yes ma'am masusunod po!"

"So ayun po, paakyat na po mami kung saan mami-meet po natin si Lord! Say hi po kayo sakaniya ah" pagsisimula ko sa vlog namin, panigurado mapapagalitan kami ni prof ne'to

"Guys joke lang 'yon sabi ni Sana, wag niyo seryosohin baka hindi n'yo na panoorin 'to hahahaha!" singit niya sa video, halatang takot din kay prof 'e

Bawat dalawang hakbang nagsasalita ako, dahil baka sabihin puro likod ko lang pinapakita ko.

"Pataas na po tayo ng pataas, pati blood sugar ko nataas din!" Narinig 'kong tumawa si Jungkook sa sinabi ko, ayos din 'to

"Seryoso na Sanake!" ha? Tama ba yung narinig ko? Sanake? Gosh Lord! Pigilan n'yo ko na h'wag ko 'to itulak dito

"Anong Sanake ka d'yan? Baka gusto mo makita si San Pedro sa gagawin ko sa'yo ngayon? Well tama ka nga naman" wow puro tawa ata ambag ne'to sa vlog namin ah

"Pangalan mo 'yon sa campus ah, narinig ko lang baka sabihin mo stalker ako.." defensive niyang sagot sakin, hindi ko naman tinanong kung paano niya nalaman 'yon

"So ayun ulit, ang ganda pala ng view dito sa taas tulad ko—"

"Edi mahangin ka pala?"

"Pinagsasabi mo?"

"Charot lang din"

"Hay nako! alam n'yo guys pag gusto n'yo na medyo walang slow kausap, hanapin n'yo lang si Jeon Jungcoke sa room namin.." sinadya ko talaga na jungcoke ang sinabi ko dahil halata naman kung sino yung tinutukoy ko dzuh

"Magdahan-dahan ka umakyat baka mahulog ka sa akin—" ha anong hulog?

"At bakit sayo aber?" Sagot ko sakaniya

"Saan mo pa ba gustong mahulog? Doon kay lolo sa likod natin?" Syempre ayoko! Baka maging sugar daddy ko pa 'yon

"Edi s-sayo na! Arte mo!" Nagmadali akong humakbang paakyat, buti nalang hindi ako takot sa heights kasi panigurado wala akong lakas na loob para pumunta pa ng tuktok.

(Jeongyeon's)

"Hoy bakla! Wala 'kang balak umakyat? O baka gusto mo buhatin pa kita?" galit 'kong sabi sakaniya, dahil 5 minutes na kaming nasa gilid ng hagdan na 'to at pinagtitinginan kami ng mga tao kasi mukha kaming may lovers squarrel dahil sa itsura ni Jimin

"H-Ha? Pwedeng ikaw nalang umakyat? Naiihi—natatatae kasi ako" daming say, hindi nalang umakyat

"Hindi pwede! Teka nga, don't tell me may fear of heights ka?" Mas lalo siyang namutla sa sinabi ko, sabi ko na 'e takot pala

"W-Wala kaya" pagtatanggi niya pa, "Weh akyat nga tayo.." hinatak ko siya at bigla siyang pumiglas

"Oo na! Natatakot na 'ko!" Ayon naman pala, natatakot. Pabebe pa

"Hay nako, Jimin! Kung hindi lang para sa graduation natin 'to iniwan na kita kanina pa!" Buti nalang talaga

"Aakyat a-ako pero sa isang kondisyon.." aba may kondisyon pa! 'Kala mo kapogian

"Ano naman?"

"Hawakan mo kamay ko habang pa akyat tayo" Ano? Tama ba 'yung narinig ko? Hawakan ko daw kamay n'ya?

"Nahihibang ka na ba? Hahawakan ko kamay mo para hindi ka matakot? Pwes matakot ka na!" Never 'kong gagawin 'yon noh! Over my sexy body!


Hindi ko alam kung paano nangyari 'to siguro may sumanib sa akin,

"Wag mo 'kong bibitawan takte ka.." namura pa nga 'ko amp

"Kapal ng mukha mo! Sarap mo ihulog dito sa hagdan eh" bibitawan ko na sana kung kamay n'ya pero mas lalo pang humigpit ang kapit niya sa akin

"Ang i-ingay mo! H-Halikan kita d'yan e!" Yuck? May gana pa 'tong humalik? 'E halos maihi na siya sa bawat hakbang niya sa hagdan eh!

"Ay teka yung vlog natin!" Kinuha ko agad yung camera ko sa bag at binuksan

"Hi ulit guys! Kita n'yo 'tong kasama ko?" Tinapat 'ko sa mukha n'ya, halos tumawa ako ng malakas dahil mukha siya natatae!

"Siya pala yung kinababaliwan n'yo! Mochi mochi kayo d'yan, ihulog ko kaya siya dito" pang aasar ko at halata naman takot yung kasama ko

"Alam n'yo na kung sino ang pumatay sakin kapag hinulog n'ya 'ko dito ah, isang Jeongyeon marupok lang naman!" Nung sinabi n'ya yun bigla ko siyang binitawan at hinawakan niya agad yung railings

"Mama mo marupok! Namemersonal ka pa ah"

"Hindi naman eh, joke lang 'yon hehe hawak ako ulit" hinayaan ko siyang hawakan ako ulit sa kamay at doon ko lang narealize na nakarecord pala yung pag sasagutan namin! Yari ako!

"Hindi kami nag aaway ha, normal lang samin 'yon ni bakla—-Jimin!" Sabi ko sa camera at dahan-dahan kaming umakyat, akala mo may lola akong kasama!


"Umayos ka—" mama!?? sino nagsabing lumingon ako ng ganon?


Kadiri!!!


"S-Sorry—" sabi niya agad sa akin, kadiri! mababalik n'ya ba yung virgin cheeks ko?!


"Sorry ka d'yan! Sinadya mo 'yon!" Pinunasan ko agad yung pisngi ko dahil sa halik n'ya! Panigurado may bacteria na pisngi ko!


——
>> another sabaw again kahsjahdhs

Our Last DanceWhere stories live. Discover now