050

173 8 4
                                    

The Day,

(Dahyun's)

"Wow elsa ikaw ba 'yan?" Tanong sakin ni Suga habang nakahawak sa bewang ko "Oo, gusto mo patigasin kita?" nagulat siya sa sinabi ko,

"H-Ha?" Mali yung pagkaintindi n'ya sa sinabi ko, greenminded! "Iba 'yang iniisip mo ha? Ibig ko kasing sabihin si elsa ako at kaya kitang gawing yelo.." pagpapaliwanag ko sakaniya kahit hindi naman dapat kailangan

"Dapat ayan sinabi mo, kung ano-ano tuloy naiisip ko" ngumiti lang ako sa sinabi niya, kahit kelan talaga oh

"Dahyun, may favor sana ako" nung sinabi n'ya 'yon ay hindi manlang ako kinabahan kahit yung iba kabado na kapag narinig nila ang linya na yan.

"Ano? H'wag lang utang ha" pabiro 'kong tugon sakaniya kasi mukha siya kinakabahan sa sasabihin n'ya sakin


"Pwede mo ba akong turuan ng slut drop mo?"


(Jungkook's)

Nakatingin lang ako kay Sana dahil mukha talaga siyang ahas—-joke lang syempre ang ganda niya, mukha siyang gatas na hindi natuloy

"Ano na naman yan pinagiisip mo Jungkook?" Nagulat ako sa sinabi n'ya dahil mukhang nabasa n'ya ang isip ko, pero sana hindi

"Wala, anong gamit mong sabon?" Nagulat ako dahil hinampas n'ya ko, baka sabihin ng iba kasama sa steps namin 'yon

"Alam mo, dami mong alam" ayon lang sinabi niya sa akin, pero alam n'yo ba kung naghihintay kayo ng confession ko sakaniya. Wag na kayo maghintay dahil hindi ko naman siya gusto—-hindi as friend ha


"Bakit Sanake ang tawag nila sa'yo?"


(Jimin's)

Eto na yung pinakahihintay ko, ang world war three! joke lang syempre. Magcoconfess ako kay Jeongyeon ngayon na ninakaw ko powerbank n'ya, joke ulit! Hindi ko naman magagawa 'yon kahit demonyo 'to

"Ang tagal matapos ng sayaw na 'to, naiirita na 'ko sa suot ko" sabi niya at pinagdikit ang noo namin, idol ko na talaga yung gumawa ng steps na 'to

"May bacteria na noo ko" bulong n'ya, akala n'ya naman siya lang.

"Dami mong say, sumayaw ka nalang" pagsusungit ko sa kaniya kahit na kabadong-kabado na ko sa gagawin 'ko

Inirapan n'ya lang ako at bumitaw na sa isa't isa ang noo namin dahil sa susunod na steps, lumuhod ako sa kaniya at umikot naman siya sakin. Tumayo ako at bumalik sa pwesto namin na magkahawak ang kamay.

"Jeongyeon, may sasabihin sana ako sayo." Gusto kong pumalakpak dahil hindi manlang ako nautal! nung sinabi ko 'yon

"Oo na, gusto mo ng umalis—"nilagay ko yung isang daliri ko sa bibig n'ya para tumahimik s'ya


"Hindi naman kasi"


"Oh 'e ano nga?" Ang atat naman ne'to, kung alam n'ya lang kung gaano ako kakaba. Nagtataka kayo kung paano nangyari 'to, well nagsimula ang lahat nung naghiking kami. Hindi rin ako makapaniwala pero.


"Gusto kita, kaya pwede ba kitang ligawan?"

—-

charaaaaaan! naiiyak ako dahil tapos ko na 'to huhu isipin n'yo last year ko pa 'to ginawa tas ngayon ko lang matatapos :(( pero seryoso thank you sa lahat na nagbabasa! kahit alam 'ko hindi 'to ang pinakamagandang epistolary pero ginawa ko naman ...

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

charaaaaaan! naiiyak ako dahil tapos ko na 'to huhu isipin n'yo last year ko pa 'to ginawa tas ngayon ko lang matatapos :(( pero seryoso thank you sa lahat na nagbabasa! kahit alam 'ko hindi 'to ang pinakamagandang epistolary pero ginawa ko naman best ko HAHDKAHDHS ang drama ko :(( pero yun nga thank you ulit!!! love y'all!

Our Last DanceWhere stories live. Discover now